Untitled

8 0 0
                                    


Sa magulong mundo na ito
Gustong gusto ko nang sumuko
Gusto ko nalang mawala bigla
Wala naman kase akong magawang tama

Puro kamalian lang ang nagagawa ko
Kapalpakan lang naman ang kaya ko
Puro negatibo lang ang ginagawa ko
Gusto ko mag-pasaya? Sinaktan ko

Kahit halungkatin mo ang buhay ko
Wala kang makikitang tama
Puro mali lang nagawa ko 
Ayoko nalang magpakita

May iiyak paba pag nawala ako?
May pupunta ba pag binurol nako?
May makaka-miss ba sa akin?

May makaka-alala ba sakin?

Malamang wala 
Dahil wala naman akong nagawang tama
Istorbo lang ako sa buhay nila
Puro kamalian lang talaga

Bakit nga ba ako nandito?
Kung gusto lang naman akong itaboy ng mga tao
Bugbugin sabay isasako
Itatapon sa ilog sabay kalimot sa taong to

Ngayon kasama nyo pa
Pag dating ng bukas wala na
Ngayon kasama nyo pa
Bukas nakaburol na

Burol? Para saan pa?
wala namang pupunta
Itapon nyo nalang ako
At ibaon sa limot

Wala namang silbe ang aking buhay
Kalungkutan at kamalian lang ang aking taglay
Nakapaka walang kwenta
Mas may kwenta pa ang basura


Nagsimula noong ikaapat na baitangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon