[60] I don't want to use you just to have somebody by my side.

Magsimula sa umpisa
                                    

“Alam niyo ba na ang pinaka-mapait na part sa pagmamahal ay ampalaya.” Penshoppe seriously uttered out of nowhere.

“Huh?” Sabay sabay na tanong namin sa kanya.

“Bakit pare? Babanat ka ba?” Natatawang sabi ni Carlo.

Pero parang binuhusan ako ng malamig na yelo sa sumunod na sinabi niya. Pen is glaring at me. Yung feeling na parang sinasaksak ka niya sa mga titig niyang yan. Nakakatakot. At bakit ba siya sa akin nakatingin? 

“Ampalaya-in ang taong mahal na mahal mo ng sobra.” He said while his eyes are on me.

I gulped. Pinapatamaan niya ba ako?

Kasi kung oo, sapul na sapul!

“Bakit naka-nganga kayong lahat? Tara na’t kumain!” Bawi nito.

Bumalik na kami sa pagkain at pagku-kwentuhan. Okay naman kaming lahat. Masaya lang. Pero bakit nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan naming apat nila Patch, Aicel at Sage. Magkatabi kami ni Aicel habang magkatabi silang dalawa. Bakit naiilang ako kahit na malayo kami sa isa’t-isa? Damn! I hate this feeling. Nagseselos na naman ako sa kanila kahit magkatabi lang sila.


“Reine. Say ahhh~” Aktong susubuan ni Carlo si Reine nang samaan niya ito ng tingin.

“Hindi ako baby kaya pwede ba, huwag kang epal diyan.”

“Uhh—” Ibinaba nito ang kutsarang hawak at umiwas ng tingin. “Sorry.”

Reine suddenly smiled sweetly at him. “Epal-agi ka kasing nasa isip ko e.”

Sabay halik sa pisngi nito. Kinilig naman ang lolo niyo at nagsimula na niyang subuan ang girlfriend. Natatawa ako e. Bwisit na bwisit ako kay Carlo noon dahil umeepal siya samin ni Patch. Pero tignan niyo naman, mas nauna pa siyang sagutin ng nililigawan niya. 

“Zion, bakit parang lumilipad naman ata ang isip mo?” Nagtatakang tanong ni Reese.

Napatingin kaming lahat kay Zion na mukang tahimik at nag-iisip. Imposible to! Sa aming anim, imposibleng matahimik ang nag-iisang Zion Marasigan. Imposible talaga!

“Uhh. Bakit kayo nakatingin?” Naiilang na sabi nito.

“Bakit nga ba ang tahimik mo, pre?” Tanong ko.

“Ehh—” Bumaling ang tingin niya kay Reese at mukang baklang nginitian ito. Shet. Eto na ang mga the moves niya e! Hahaha.

“B-Bakit?” Reese blushed. Haha!

“Eh kahit anong lipad ng isip ko. Sayo pa rin lumalanding ang puso ko.” Sabay kindat.

“PWEEEEE! BOOOOO!” Binato namin si Zion ng kung anu-anong bagay na mahagip namin.

“HOY, MAG-INGAT KAYO! BAKA KUTSILYO YANG MAIBATO NIYO!”

“Galawang Zion yan e! Hahahaha!” Nakangiting sabi ni Aicel.

Napatingin ako sa kanya. Wow! She’s smiling now. Kanina ko pa gustong makita ang mala-anghel niyang pag-ngiti e. Hindi talaga ako sanay na tahimik siya.

“Amin amin din pag may time!” Asar naman ni Patch.

“Iba talaga kapag torpe. Dinadaan sa banat.” Sambit ni Sage.

“Nagsalita ang dinadaan sa asar!” Pabirong hinampas ni Patch si Sage at inasar ito sa pagiging torpe niya. Nagkilitian pa ang dalawa. Kakainis! “Sage, tama na! Hahahahahaha!”  

HAAAAAAAAYYYYYYS!


“L-Lewis.” Binalingan ko si Aicel nang tawagin niya ako.

“Hmm?” I asked.

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon