Prologue
Third person's Pov:
"Anak, kailangan mo ng pag-aralan kung paano i-handle ang isang company, alam mo namang matanda na ako." Sabi ng tatay ni Shawn habang kumakain.
"I know but I don't think I'm ready for it." Sambit ni Shawn. Nanahimik siya sandali at nag-isip ng mabuti.
"Fine, I'll think about it." Dugtong ni Shawn at napangiti naman ang kanyang ama.
"Uhmm... Pa, I gotta go." Dagdag ni Shawn sabay tayo.
"Wait. Before you go, I want you to have this." Sean, his dad, said and gave him a bunch of keys.
"Ano 'to?" Takang tanong ni Shawn habang nakatingin sa mga susi
"Keys." Simpleng sagot ni Sean at tumayo na rin inayos ang upuan.
"What for?" Tanong ni Shawn sabay tingin na sa tatay niya.
"Keys for your new house!" Nakangiting sagot ng tatay niya.
"Wow! Thanks, Pa! But it's not my birthday yet." Nakangiting sabi ni Shawn habang tinitignan ang mga susi.
"Birthday agad?" Pabirong tanong ni Sean na tinawanan na lamang ni Shawn.
"Whatever. May business trip kami ng Mama mo bukas. Pinapaalala ko lang sayo kasi baka hanapin mo na naman kami. Pumunta ka na sa pupuntahan mo at hanapin mo na ang THE ONE. Hahaha!" Pabirong sabi ni Sean at naglakad na paalis.
Napailing nalang si Shawn at lumabas papuntang garden nila. Umupo siya at may nakitang libro sa table. Inalala niya kung may naiwan ba siyang libro roon ngunit wala. Kinuha niya 'yun at binasa.
Habang nagbabasa siya, nakaramdam siya ng presensya ng isang tao at pakiramdam na may nagmamasid sa kanya. Napalingon siya sa paligid pero walang tao. Nagbasa siya ulit pero biglang gumalaw ang isa sa mga bushes at nakita 'yun ni Shawn.
Napatayo siya at lalapitan sana yung bashes na gumalaw nang biglang may lumabas na pusa doon. He sighed in relief but something caught his eyes.
A cigarette?
***
Isang masigabong palakpakan ang narinig pagkatapos magunting ni Sandra ang pulang tali na nakapalibot sa pintuan ng café.
"Congratulations Sandra!" Bati sa kanya ng kanyang mga kasama.
"Thank you. It's an honor." Wika ni Sandra at pumasok na sa café.
~~~~~-----
Author's Note:
Thanks for reading!
Please proceed! :)
