Special Chapter 1

1K 12 2
                                    


One year had past. Hindi ko alam na tatagal kami ng one year. Parang dati, hinahabol ko lang siya, pinagpapantasyahan at kung anu-anong katangahan pa. Hanggang sa dumating yung araw na pinansin niya ako, niligawan ko siya at naging kami. At ito na kami ngayon, one year na.

Pero hindi ko masasabing sobrang perfect ng relasyon namin. Dumating din kami sa point na nag-aaway, nagkaka-sakitan, iyakan at kung anu-ano pa. Pero hindi nawawala ang tiwala at pagmamahal namin sa isa't-isa.

At dahil ahead siya sa akin ng one year, iba na ang school na pinapasukan niya. Hindi na kami nagkakasama ng matagal tulad dati. But thanks God, kasi kinaya namin.

"Love, hindi ka pa tapos?" rinig kong tanong niya mula sa labas ng pinto.

"Wait lang, love. Tapos na." sagot ko.

May outing kami ngayon, hindi lang kaming dalawa. Kasama ang mga kaibigan namin.

Lumabas na ako ng kwarto ko dala ang isang bagpack na naglalaman ng mga damit at iba pang toiletries ko.

Mukha agad ni Victor ang bumungad sa akin.

"Dyan ka talaga naghintay sa pinto, ano? Pwede naman sa sala na lang." sabi ko sa kanya.

"Sorry. Gusto lang kita makita agad. Na-miss kaya kita." aniya na ikina-ngiti ko.

"Ayieee. Ang korni mo, love!" biro ko sa kanya.

"Let's go na. They're waiting." sabi niya at iginaya ako palabas ng bahay.

Wala sila mama, pero alam niya na may outing kami.

Pagkarating namin sa labas ay kompleto na sila Akiera, Pat, Dave, Leo and even Kim.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Kim. So, kasama siya. Hindi ko na lang siya pinansin.

Lumapit ako kay Akiera, "Hi Akiks." bati ko.

Ngumiti naman siya sa akin. Siguro wala din sa mood dahil kasama si Kim.

Who's Kim? Well, I don't like her. Kasi naman, buntot ng buntot kay Victor! Tinalo pa ako nung mga araw na ako ang himahabol kay Victor. Tapos ito namang si Victor, pinapansin pa! Samantalang, hindi niya ako matingnan, noon. Ugh! Ilang beses na rin kaming nag-away dahil kay Kim. Obvious naman na may gusto si Kim kay Victor. Tapos sabi pa nila Dave at Leo --- barkada ni Victor sa new school niya, na nilalandi daw ni Kim si Victor. Ugh! Halata naman e. Dikit siya ng dikit kay Victor! Pag talaga di ako nakapag-timpi, sasabunutan at sasampalin ko itong babaeng ito!

"Tara na, guys!" yaya ni Pat.

Kanya-kanyang sakay na kami sa MU-X na dala ni Leo.

Si Leo ang driver at katabi niya si Dave. Si Akiera at Pat naman ang magkatabi, at kami ni Victor sa likuran. And guess what kung saan pumesto si Kim? Sa tabi ni Victor! Nasa may bintana kasi ako, at ngayon napapagitnaan namin si Victor. Ginagalit talaga ako nitong babaeng ito! E mas maluwang naman kina Akiks at Pat, bakit hindi siya dun tumabi? Ugh!

The ride was go on. At ang tahimik. Walang nagsasalita, pati si Victor ay walang kibo sa tabi ko.

Hays. Nababadtrip ako! Uggh!

Sinaksak ko na lang yung earphones sa tainga ko at sinagad ang volume. Matutulog na lang ako.

I just hope na maging masaya ang outing na ito para sa akin, pero mukhang hindi dahil sa Kimberly Enriquez na ito!

* * *

Hi guys! As I've promised, yan na yung Special Chapter. Hindi ko kasi magagawan ng book 2, so Special Chapter na lang. Tatlong Special Chapter ito, sana magustuhan niyo :) Maraming Salamat!

Chasing HimWhere stories live. Discover now