Chapter Six

1.8K 29 2
                                    


Tinatamad akong pumasok ngayon pero dahil may importanteng meeting kaming Student Council ay hindi ako umabsent, tsaka may quiz kami. Sayang ang grades.

Natapos ang meeting namin before break time at napagdesisyunan namin ni Riza na mag-snack muna bago pumasok sa kanya-kanya naming klase.

Pagkapasok namin sa canteen, nakita ko agad si Victor na nakaharap sa laptop at kasama ang ilang barkada niya.

Pumila na lang kami para bumili at habang nakapila ay tinitignan ko siya. Ang tahimik niya pa rin kahit kaibigan niya ang kasama niya. I wonder kung nagsasalita pa ba ito? Haha just kiddin'

Pagkatapos namin bumili ay naghanap na kami ng pwesto, at hindi ko alam kung alam ba ni Riza na may crush ako kay Victor o ano, kasi sa tabing table nila Victor niya pa napiling pumwesto. Hay.

Patagong kinikilig tuloy ako!

Tahimik lang kaming kumain at hindi ko narinig na nagsalita si Victor, hindi ko din siya matingnan kasi halos magkatabi lang kami at baka obvious na ako pag pinagang-tingnan ko pa siya.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na din kami ni Riza sa canteen.

"Alam mo, Rofe. Pansin ko kanina, pinagang-tingnan ka nung lalaki sa katabing table natin." biglang sabi niya.

"Ha? Sino dun?" tanong ko. Imposibleng si Victor, baka yung mga kasama niya. Wala naman kaming ibang katabing table kasi yung kabila ay pader na.

"Si kuyang maputi na medyo emo, hehe" sabi niya. Ang awks nung pagkasabi niyang emo.

Pero wait...

"Huh? Emo? Alin dun?" tanong ko ulit kasi naguluhan ako.

"Si kuyang emo yung style nung buhok na maputi, hmmm." sabi niya at nag-isip pa ng pwedeng ipang-describe sa sinasabi niya. "Yung lalaking tinaniman ko ng droga at pinahuli ko sayo." sabi pa niya.

And with that, confirmed. Si Victor yung tinutukoy niya. Pero bakit naman ako titignan nun?

"E bakit naman ako titignan nun?" tanobg ko sa kanya.

"Ewan, baka crush ka! Hihi." sabi niya at kinikilig pa.

"Asa..." tanging sagot ko.

-

Last subject na namin ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Shocks, wala pa naman akong dalang payog. Ang init init naman kasi kanina tapos biglang uulan!? Huhuhu.

"Okay. Goodbye, class!" sabi nung teacher namin sa last subject at lumabas na.

"Rofe, hindi ako makakasabay sayo pag uwi, nasa HP sila tita e, magrocery kami." sabi ni Akiks habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"Okay lang, ingat kayo." sabi ko.

"Sige, ikaw din. Una na ako ha?" paalam niya at umalis na.

Nahuli akong lumabas ng classroom kasi hindi ko alam kung paano ako uuwi sa bahay. Pwede naman akong mag-tricycle simula palabas ng school hanggang sa terminal kaso ang problema ko ay pagbaba ng van. Maglalakad ng ilang kilometro at siguradong mababasa ako sa lakas ng ulan. Hays. Bahala na!

Palabas pa lang ako ng gate, basa na ang sapatos at medyas ko. Pati tagiliran ko basa na, siksikan pa sa hallway. Jusko naman!

Paglabas ko ng gate, nag-uunahan na ang mga estudyante sa pagsakay ng tricycle. Hindi na muna ako nakipagsiksikan, kaso siguradong mahihirapan na akong maghanap ng tricycle mamaya.

Habang naghihintay ako, nakita ko si Victor na nag-aabang din ng tricycle. Bakit andito yan? Hindi ba siya sumama kay Akiks? Well, takot nga pala siya sa tao, school-bahay lang yan.

Nung may humintong tricycle na walang laman, sumakay na ako sa loob, tapos pagtingin ko sa backride andun din si Victor, baka uuwi na. Makakasabay ko na naman siya! Bwahahaha!

Waaaah! Nakakainis! Hindi pa rin humihina ang ulan, malapit na akong bumaba e.

Nakasilip lang ako sa bintana ng van at nagdadasal na sana huminto na ang ulan, kaso mas lalo pa atang lumalakas e.

"Kuya, sa tabi lang po." para ni Victor.

Nauna siyang bumaba sa akin, at pagkababa ko tumakbo agad ako para makasilong.

Nakita ko ring sumilong si Victor pero hindi niya ako pinapansin.

Aish! Magpapabasa na nga lang ako, maliligo na lang ako pagdating sa bahay.

Tatakbo na sana ako ng biglang nagsalita si Victor, "Hey, wait." pigil niya sa akin.

"Wala kang payong?" tanong niya.

Umiling ako, "hmm, wala e hehe." sagot ko.

May kinuha siya sa bag niya at nakita kong payong yun.

"Oh, gamitin mo na muna ito." abot niya sa akin nung payong.

"H-ha? E, pano ka?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang ako, andyan na lang naman yung bahay namin e." sabi niya.

"P-pero, mababasa ka. Baka magkasakit ka pa." concern na sabi ko.

"Okay lang ako, sige, balik mo na lang yan." sabi niya at umalis na.

Napatingin na lang ako dun sa payong na binigay niya at para akong tangang napangiti.

Shet, kinikilig ako!

Chasing HimWhere stories live. Discover now