Chapter Four

1.9K 30 0
                                    

Past 6P.M na natapos ang meeting namin. Gabi na naman ako, hays. Dami pa namang aso sa dadaanan ko! Jusko.

Pagdating ko sa terminal ng UV Express nagulat ako dahil andun si Victor. Shet, coincidence ba to?

Nauna siyang pumasok sa van dahil mas una siyang nakapila. Baka naman may ginawa lang sila kaya late na din nakauwi.

Sabay kaming bumaba kasi nga nasa iisang baranggay lang kami at halos magka-lapit lang bahay namin.

At asa naman ako na kakausapin ako, kaya sobrang tahimik! Magkakahiwalay na lang kami ng landas. Wala talaga siyang balak kausapin ako! Huhuhuhu.

Halos mapatakbo ako nung may aso sa harapan ko, sobrang sama ng tingin sa akin! Wag mo akong kakainin please! Huhuhu!

Di ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sana wala na si Victor dahil nakakahiya! Takot pa naman ako sa mga Askal.

Hoy aso! Lumayas ka jan, padaan ako! Huhuhu. Para akong timang na naestatwa sa harap ng askal.

Halos tumalbog yung puso ko ng biglang may timikhim sa likuran ko. Jusko, sana hindi si Victor ito! Nakakahiya.

But I was wrong, it's really him.

"Shoo! Alis! Shoo!" pag-tataboy niya sa aso, nakahinga ako ng maluwang ng umalis na yung aso.

Hindi ako maharap sa kanya sa sobrang kahihiyan!

"S-salamat..." nauutal na sabi ko. It's so rude naman kung bigla ko na lang siyang iiwan.

"Okay. Ingat." he said in a very cold tone at nilayasan ako.

Hay, kahit kailan ka talaga Victor! Wala akong mapapala sayo!

Pero ugh! Kinilig ako dun ah! Buti na lang madilim na, sobrang pula siguro ng mukha ko sa kilig.

Naglakad na lang ako ulit at para akong ewan na naka-ngiti. Hays.

-

Sobrang pagod! Kanina pa ako lakad ng lakad. Math-Sci Fair kasi namin ngayon at busy lahat ng students.

Nag-aayos naman kaming mga Student Council ng Jail Booth namin. Ang dami pang pwedeng ayusin, kaaga-aga haggard na ako!

Papunta ako ngayon ng faculty para kumuha ng tela, kulang kasi yung tela namin.

Nagmamadali akong maglakad pero biglang bumagal ang lakad ko dahil namataan ko si Victor. Medyo malayo pa, pero alam kong siya yun.

Shocks, nailang naman daw ako sa hitsura ko ngayon. Sobrang haggard ko siguro!

Malapit na kaming magkasalubong kaya yumuko na lang ako, nakakahiya ang itsura ko! Nagmamadali na din akong maglakad para malagpasan na siya. Para akong engot na nakayuko at nagmamadaling maglakad! Jusko.

Pero bakit nga ba ako naiilang? E wala naman yung pakialam sa akin e, baka nga hindi pa ako nun tingnan.

Napailing na lang ako at nagmamadali ng kumuha ng tela para mabuksan na namin yung Jail Booth namin.

"Ayan! Okay na! Manghuli na tayo!" sabi ni Madam President ng Student Council namin.

"Sige guys, hulihin niyo yung mga naka-red lipstick at ripped jeans. Goo!" utos sa amin at nagsimula na kami.

Madami kaming nahuli kasi ang daming mga naka-red lipstick at ripped jeans.

Halos mapuno ang Jail Booth namin. Mapagod manghuli pero enjoy. Nakakasalamuha namin yung mga hindi namin kilala.

Inikot ko ang paningin ko sa buong gymnasium, nagbabaka-sakali na may mahuli kaso ubos na ata, or mga nagtago yung iba. Hahaha!

Ang daming Booth, may Messenger Booth, Marriage Booth, Dedication Booth, Animation & Photo Booth, FaceBooth at may Booth ni Ex din! Malaki naman ang gymnasium ng school namin kaya kaya ng space.

"Rofe, may tinaniman ako ng drugs dun oh, hulihin mo!" sabi sa akin ni Riza, co-Student Council ko.

"Ha? Sino?" tanong ko.

"Yun oh! Si kuyang pogi na naka-white, tapos hawk na blue yung bag. Ayun, ayun! Kita mo?" pasimpleng sabi niya sa akin dahil baka mahalata kami.

Nakita ko naman yung sinasabi niya at OhMyGhad!

It's Victor...


Chasing HimWhere stories live. Discover now