Chapter Twenty

1.3K 25 2
                                    


Last day na ng sembreak natin ngayon. Wanna go out?

Basa ko sa chat niya sa akin. Hm? Napapadalas ang pagyaya niya sa akin ng date ah? Hahahaha. San naman kami pupunta ngayon?

Wer r we going?

I replied.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya ulit.

Mall? Arcade? WOF? Playzone?

Jusko, daming binaggit e iisa lang naman yun mga yun! Hahaha.

Tumingin ako sa orasan at 10:00A.M pa lang.

Now na?

I asked.

Yeah, dun na lang tayo mag-lunch.

Okay, wait. Magagayak na ako.

Sige, I'll wait u.

Pagkabasa ko sa reply niya ay bumangon na agad ako sa pagkakahiga at hindi na nag-reply. Baka kasi mamaya paglabas ko, naghihintay na ulit siya.

Namili na lang ako ng susuotin ko. Hmm? What to wear kaya?

Kinuha ko na lang yung maong short ko tapos isang blouse. At sinuot na ito.

Nag-sandals na lang din ako, mas gusto ko itong ganito e. Sa mall lang naman kami.

I'm done.

Chat ko sa kanya nung tapos na ako magayak.

Labas ka na. Wait u here.

Sabi na nga ba e, naghihintay na siya sa labas.

Lumabas na ako ng kwarto ko, ako lang ang tao sa bahay dahil busy ang mga kasama ko sa kani-kanilang buhay. Hahahaha!

Ini-lock ko na lang ang mga pinto at lumabas na.

And there, I saw Victor, naka-sandal sa pader, standing proudly na parang model.

He's just wearing a short na hanggang tuhod, simpleng t-shirt and tsinelas, but why so gwapo Victor? Why?

"Let's go." sambit ko kaya napatingin naman siya sa akin.

Ngumiti naman siya, "tara."

Naglakad na kami papunta sa paradahan para sumakay.

"San mo gusto una?" tanong niya sa akin pagkadating namin sa mall.

"Hmm? Playzone na lang muna."

Pumunta na kami sa playzone, and as usual, ang daming tao. Yung iba pinagtitinginan pa kami. Kami nga ba? O ito lang gwapong kasama ko?

Nagpapalit na siya ng token sa halagang 100 pesos. Ang bigatin!

"San mo gustong maglaro?" he asked.

At dahil 100 pesos yung pinalit niya, "Lahaaaaaat." I beamed.

"Okay. Lahat natin i-try."

Una namin nilaro ay basketball, "Tig-isa tayo, pataasan tayo ng score." hamon ko.

"Okay, sabi mo e." nakangiting sagot niya at nagsimula na kami.

Nung una, score ko ang mataas. Lamang ako ng tatlo. Pero nakahabol ang abnormal, lamang na siya sa akin ng lima.

Mas nag-focus pa ako sa nilalaro ko at shinoot ng shinoot ang bola. Buti na lang marunong akong mag-basketball sa ganitong mga playzone.

Pero magaling siya, hindi na ako naka-habol sa score! Ugh.

Natapos ang game at siya ang nanalo.

"Well, pano ba yan? Ako ang nanalo." nang-aasar na sabi niya.

"Psh. Magaling ka mag-basketball e." asik ko.

"Hahahahaha. Next?"

"Hockey tayo!"

Pumunta naman kami sa Hockey.

Naghulog siya ng token at nagsimula na kaming maglaro.

Ang galing niyang dumipensa, halos di ako makapapasok. Samantalang isang tirahan niya, napapapasok niya. Ugh! Mukhang matatalo na naman ako ah?

"Pa-shoot! Isa lang!"

Natawa siya at inalis ang kamay niya sa pagkakaharang sa butas kung san ko ipapashoot ang bola.

Shinoot ko naman dun yung, uhm? Ano bang tawag dun? Hindi yun bola e. Basta yun na yun! Hahaha.

Natapos ang laro namin at well, siya ang panalo. 5-2 ang score, tsk tsk.

"Karera naman tayo!" sabi niya sabay turo dun sa mga parang kotse.

Pumwesto na kami, and in 3, 2, 1. Nagsimula na kami.

Shocks! Hindi ako marunong nito!

Tiningnan ko siya at parang chill na chill lang siya. Ugh! Mukhang matatalo na naman ata ako.

Natapos ang race at talo na naman ako! Halos hindi nga maka-alis yung kotse sa pwesto e!

Nagtatawa siya nung nanalo siya.

Triny pa namin ang ibang games sa playzone. Para siyang bata na tuwang-tuwa.

At ang last na naisip ko para matalo siya.

Ang Dance Revo! Bwahahahaha!

"Dance Revo naman tayoooo!" sabi ko dahilan ng unti-unting pagka-wala ng tawa niya.

"Ikaw na lang."

"Eee, dalawahan dapat dun! Sige naaa. Sayaw tayo!" pagpupumilit ko pa.

Tatanggi pa sana siya kaso pumunta na ako kung nasaan ang Dance Revo at naghulog ng token.

"Halika na dito, daliii!"

Nakita kong napalunok siya at unti-unting lumapit.

"Ikaw na lang nga." sabi niya pagkalapit at umupo sa isang mahabang upuan na nasa tabi ng Dance Revo.

"Pang-dalawahan nga ito oh, sige na."

"Ayoko, hindi ako marunong sumayaw. Ikaw na lang." desididong sabi niya.

Pinilit ko pa siya pero hindi ko mapilit, ayaw talaga.

Namili na lang ako ng sasayawin at nung nagsimula na ay sumayaw na ako.

Nung may part na haharap sa gilid, which is sa pwesto ni Victor, nakita ko siyang naka-ngiting nakatitig lang sa akin.

Sumayaw lang ako ng sumayaw hanggat hindi natatapos ang oras ko.

Nung matapos ang oras ko ay umalis na ako sa Dance Revo at lumapit sa kanya.

"You're really good on dancing." naka-ngiting puri niya.

Chasing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon