Tumakbo agad ako palabas ng pinto.

Sobrang kinakabahan na talaga ako.

Baka kung ano ng nangyare don.

Ng....

"Aray ko!!!"

-Potek. Nakabanga ko si Shannette.

Palabas ako ng pinto siya papasok.

Napaupo siya.

Ako din napaupo sa sahig.

Tumakbo naman si Pious para tulungan si Shannette makatayo.

"where have you been!? Kung san san ka namin hinanap."

-Sigaw ni Pious habang inaalalayan si Shannette tumayo.

Amoy alak siya.

Namumula yung muka niya pati mata niya,

Halatang galing sa iyak.

Tumayo narin ako.

Nakatingin lang ako sakanya.

"Pano ka nakauwi? Bakit hindi ka nag text? Oh tumawag manlang? Nag aalala kami dito."

-Sabi ni Pious.

Hindi sumasagot si Shannette.

Nakatingin lang siya sakin.

"Ok naman nako.... Kailangan ko lang huminga...."

-Sabi ni Shannette, Hinaplos niya yung muka ni Pious at nag smile. Pero halatang malungkot talaga siya.

Kinuha ng maid namin yung dalang books ni Shannette.

"Ya, coffee naman ho... Paki akyat nalang sa taas."

-Sabi niya kay yaya.

--

Shannette's POV,

Umakyat nako sa taas.

Maliligo muna ko.

Pumunta ko sa birthday ng isa kong classmate.

Napainom ako.

Kailangan ko rin ng alak ngayon.

Pag pasok ko sa kwarto ko.

Binagsak ko agad yung gamit ko.

Dumiretso ako sa cr.

--

Habang naka babad ako sa bathtub.

Naiisip ko yung nagyare kanina...

Now Playing.....

Paano Na Kaya

By: Bugoy Drilon.

(Press nyo yung play botton para mas mafeel nyo ang pag eemote ni Shannette BAGALAN LANG ANG PAG BABASA. :p)

"Tama na Shannette ah..... Kakalimutan mo na si Edan from now on.... Hindi ka niya girlfriend.... Pang bestfriend ka lang...."

-Naiyak nanaman ako. Nakaharap ulit ako sa salamin.

Ipinikit ko yung mata ko.

Sinandal ko pa yung ulo ko para mas marelax ako.

Pero.

Mas naisip ko pa yung nangyare kanina.

Hindi kita nanay..

At lalong hindi kita Girlfriend...

Hindi kita girlfriend....

Hindi kita girlfriend.....

Hindi kita girlfriend

Nagsimula nakong umiyak ulit kahit nakapikit ako.

Ang sakit marinig para sa isnag taong mahal mo ang mga salitang yon.

Ang sakit mapamuka sayo na hanggang bestfriend ka lang.

Dumilat ako at nakita ko ang muka ni Edan.

"Hindi ko na ata kaya Edan.... Hindi ko na ata kayang mag hintay sayo........ Kasi ikaw na mismo yung nag paparamdam eh.... Ikaw na yung nagbibigay ng dahilan para lumayo ako sayo......."

-Tuloy tuloy lang yung pag iyak ko.

"Pero bakit ganon........ everytime na paplanuhin kong layuan ka.... Mas..........(Hikbi.) Mas napapalapit ako sayo....."

"Bakit everytime na planuhin kong kalimutan ka....... Mas lalo kitang naaalala.......?"

"Pinipilit kong iwasan nung una kasi alam ko kung hanggang san lang tayo..... Kaso..... Ganon ata talaga pag inlove ka...... Hindi mo kayang pigilan..... Lalo pang kumakawala. Lalo kang nag mamahal...."

"Edan sana kahit konti lang maramdaman mo...... Maramdaman mo sana yung halaga mo sakin, sana maisip mo na ako lang..... Ako lang ang nag iisang bestfriend na kayang gawin ang lahat ng to para sayo........"

BZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZT...

(sTOP NYO NA YUNG SONG..... NAWALA ANG EMOTE NI SHANNETTE)

"Ano yon?"

May narinig akong parang nalaglag sa labas ng CR.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nahiya naman ako sa pag eemote ni Shannette. hahaha! Ikaw na. Tinalo mo si Kim Chui. haha

BF Book II [The Unforeseen Love of Edan] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon