Chapter 20

11.3K 288 5
                                    

DISMAYADO si Vince nang umuwi. Oras ng pananghalian pero wala si Georgina. Mukhang kawawa ang bahay niya. He sighed. Iyon ang tingin niya ngayon doon, kawawa dahil iniwan ni Georgina. Pati si Douglas ay parang malungkot sa isang sulok.

But he had to smile nang makita kung ano ang nasa ilalim ng ulo nito—iyong bikini ni Georgina na nilapa nito. Hindi pa pala nito iyon pinagsasawaan.

"You like her, don't you?" Hinimas niya ang ulo nito. Kumahol naman iyon nang dalawang beses, parang sumang-ayon.

"Yeah, she's something—no, make that everything." Iniwan niya ang alaga at lumabas uli. Habang pabalik sa kotse ay tina­wagan niya si Pete, tinanong kung nasa farm si Georgina. Wala raw. Biglang gumapang ang panic sa buo niyang katawan. Paano kung umuwi na ito?

She can't do that!

Kinalma niya ang sarili. Maybe he was just overreacting. Hindi naman siguro basta-basta uuwi si Georgina na hindi nagpa­paalam sa kanila. Simpleng good social manners lang iyon at eksperto ito roon. He recalled her calling her late mother "Mrs. Manners."

Baka namasyal lang ito. Nagpasya siyang kumain na muna dahil gutom na talaga siya. Galing pa siya sa Balayan at kadalasan, kapag galing siya roon ay doon na rin siya kumakain. But every­thing changed. Ang gusto niya ay kasalo si Georgina, and besides, nasanay na siya sa luto nito.

Sa Club Balisong siya tumuloy. Sa side entrance siya pumasok dahil iyon ang mas malapit sa pinagparadahan niya. Ang bumungad sa kanya ay ang billiards and dart hall. May ilang kabataang lalaki ang naglalaro, anak ng mga miyembro.

Tumuloy siya sa hagdan paakyat sa piano and jazz bar. Nasa hagdan pa lang siya ay subdued na ang ilaw. Dinig din niya ang malamyos na tugtog ng piano. Pamilyar sa kanya ang melody at sinabayan niya iyon sa isip. It was a very special song which he knew by heart.

I've fallen for you... Finally, my heart gave in and I've fallen in love... I fin'lly knew how it feels... So this is love...

Tugmang-tugma pa ang kanta sa kasalukuyan niyang estado.

"Hello, Mr. Banaag," bati sa kanya ng manager, si Josie. Iyon ang biro nito sa kanya, ang batiin siya nang pormal.

"Good afternoon."

"You missed your brother. Kaaalis lang, kasama 'yong diyosang kasama mo no'ng isang araw. Paluwas yata."

Pagkatapos mapanganga, bumaba na uli siya, hindi na nagpaa­lam kay Josie. Paanong nangyari na magkasama ngayon sina Lance at Georgina?

May kinalaman ba iyon kay Mary at sa ama niyon? Kahit alam niyang maaaring ganoon nga, masama pa rin ang loob niya. Bakit hindi man lang nagpaalam si Georgina sa kanya? At si Lance, kasing-playboy at kasimbolero iyon ni Pio.

Panic crept through him again.

SA FARM humantong si Vince.

"Bakit mukha kang nasawi sa pag-ibig, brod?" bati sa kanya ni Pete.

"Halata ba?" he answered mockingly.

Pete chuckled. "Nilayasan ka ni Georgie?"

"Paano mo nalaman?"

"Tumawag sa akin bago sila lumuwas ni Lance. Hindi ko sinabi sa iyo para magising-gising ka naman."

Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Ako pa ang tinanong. Gumawa na nga ng paraan 'yong isa para magkalapit kayo, panay naman ang pakipot mo. Mas mabuti pa raw si Lance, kapag kasama niya, she feels beautiful and important—"

"Binobola lang siya n'on!"

"Eh, gusto naman ng mga babae ang binobola. Kaya nga naimbento ang bola."

"I'm not in the mood for that crap."

Inakbayan siya ni Pete. "'Tol, mahal ka ni Georgie at mahal mo rin naman siya, bakit hindi pa kayo mag-usap? Bakit pinahihirapan n'yo pa ang sarili n'yo? Ikaw ang lalaki, dapat sa iyo manggaling ang lahat. Sundan mo na lang at baka kapag naayos lahat ang problema niya kay Mary, eh, hindi na uli iyon maligaw rito. Maghihintay ka na naman ng sampung taon. Mabuti kung bumalik pa siya after a decade. Paano kung hindi na? Di next lifetime na ang aabangan mo?"

He eyed his brod. "Are you trying to tell me what to do?"

Tumango si Pete.

"Right. Tell me more."

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon