Chapter 4

12.2K 327 17
                                    

"DID YOU see that guy, Mary?" tanong ni Georgie sa sanggol na nasa backseat. The infant gooed. "No, not the groom. I'm talking about that tall and dark guy. 'Yong nang-snub sa atin. The nerve!"

Mary just kept on making baby sounds.

"Sinabi mo pa! Ang yabang-yabang ng Enteng na 'yon. Wala naman siyang maipagmamalaki sa buhay kundi ang bagay na minahal ko siya!" Umismid siya. "God, forgive me, but I love that—beast!"

Pinukpok niya ng palad ang manibela para businahan na rin ang tricycle na nasa unahan niya. Baka mawala pa sa paningin niya ang bridal car na sinusundan niya. Hindi niya alam kung saan ang farm nina Pio.

Nilingon uli ni Georgie si Mary sa backseat. Nakangiti ito. "You're laughing at Mommy, huh? Pero noon pa naman 'yon, eh. Kung puwede nga lang mauso ang time machine, babalik ako sa nakaraan at babawiin ko 'yong first kiss ko kay Vicente! I shouldn't have given him that honor. Golly, he's got a long tongue!"

She could vividly remember that first kiss. Gulantang siya nang maramdaman sa loob ng bibig niya ang dila ni Vicente. Parang alien na kung saan-saang sulok ng bibig niya gustong pumunta.

"Kadiri siya!" sabi pa niya kay Mary.

Pero siya naman ang gaga. Crush na crush niya si Pio noon. Sa lahat ng lalaki sa campus, kay Pio natuon ang pansin niya, pero may girlfriend ang lalaki noon at parang kahit anong pa-cute ang gawin niya, nginingitian lang siya ng lalaki. Parang hindi ito interesado sa kanya kaya lalo niyang naging crush.

Kaya nang kausapin siya nito tungkol kay Vicente na diumano ay type siya, may nabuong plano sa isip niya. Sinagot agad niya si Vicente dahil gusto niyang mapalapit kay Pio sa pamamagitan nito.

She had her plans laid out. Magdo-double date sila nina Pio and gradually, she would seduce him.

But she made the mistake of allowing Vicente to kiss her. Nang ipikit niya ang mga mata para namnamin ang halik nito, nabura sa utak niya at damdamin ang kakisigan ni Pio. Her world revolved solely around the guy who was kissing her like there was no tomorrow. It felt as if Vicente was already making love to her through that kiss.

It was so intense.

Pagkatapos niyon, ayaw na niyang mawalay sa lalaki. Lagi rin siyang masaya. Kahit pa bumagsak siya sa maraming subjects nang semester na iyon, wala siyang pakialam. Basta mahal niya si Vicente, nothing else mattered.

Pero nakatakdang masira ang lahat. May usapan sila ni Vicente noon na manonood ng sine. Masyado itong maaga dumating sa kanyang dorm kaya iniwan na lang niya ito na nakaupo sa kama niya habang naliligo siya.

Nang nasa sinehan na sila, he seemed preoccupied with something. He seemed so far away. Kahit magkadikit sila, she felt oddly cold. Hindi siya nakatiis, she placed her arm around his shoulders and kissed him on the mouth. At first, he seemed re­luctant to respond, but he gave in eventually; and when he did, it was more intense than their first kiss. Kumalas pa siya dahil nasaktan ang mga labi niya.

Pagkatapos niyon, may ibinulong sa kanya si Vicente. Saglit lang siyang nag-isip pagkatapos ay mas nauna pa siyang tumayo. Lumabas sila ng sinehan and they ended up in a motel.

It was the most fascinating thing that happened in her young life. Si Georgina Yulo, nag-motel! Hindi siya makapaghintay na maikuwento iyon sa mga kaibigan niyang sosyalera din. They would be thrilled.

Pero nang halikan na uli siya ni Vicente sa loob ng motel room, nakalimutan na ni Georgie lahat ng kaibigan. Walang pag-aalinlangan na isinuko niya rito ang sarili. She was so happy.

But her happiness was short-lived. Nang mga sumunod na araw, naging malamig na sa kanya si Vicente. Kibuin-dili siya nito kapag magkasama sila. Kadalasan ay napapansin niyang iniiwasan siya nito. Wala siyang maisip na dahilan para gawin ni Vicente sa kanya ang ganoon.

Ayaw ring isipin ni Georgie na iyon ay dahil sa naibigay na niya rito ang sarili kaya ayaw na nito sa kanya. Vicente wasn't like that. He loved her.

But he was colder than the north wind. Hindi na siya nakatiis. Kinausap niya si Pio. Wala ring ideya si Pio kung bakit nagbago ang kaibigan sa kanya, pero nangakong kakausapin si Vicente para sa kanya.

Pio did. Nang magkausap uli sila, nalaman niya na nabasa pala ni Vicente ang diary niya na ang mga entries ay tungkol sa mga kabaliwan niya kay Pio, kasali na ang plano niyang panggagamit kay Vicente para mapalapit kay Pio. Her plans were written in that diary in detail. Mayroon pa siyang isinulat na mga probable outcome.

Georgie was stunned. Hindi niya puwedeng itanggi iyon dahil iyon talaga ang nararamdaman niya noong bago siya ma-in love kay Vicente. Pero dahil minahal na niya ang lalaki, nawalan na siya ng ganang magsulat sa kanyang diary. Wala siyang maisip na salita para i-describe ang kaligayahan niya kaya para sa kanya ay useless kung magsusulat siya sa diary. Aksaya lang iyon ng panahon—panahong mas gusto niyang gugulin sa pag-i-imagine kay Vicente and their future together.

Bakit ba hindi pa niya sinunog ang diary na iyon?

Sinabi niya kay Pio ang totoo, nakiusap na tulungan siyang magpaliwanag kay Vicente. Balde-baldeng luha yata ang tumulo sa kanya noon.

Pero hindi na nakipag-usap sa kanya si Vicente. He wouldn't give her any reason. He just refused to talk to her. Ang pagmamahal niya ay nauwi sa galit. Wala itong karapatan na saktan siya. Hindi ba siya nito kilala?

Dahil doon, inaway na niya ang lalaki. Ipinagkalat pa niya sa buong campus na hindi ito marunong humalik. Everybody believed her. Naniwala rin ang lahat na siya ang nakipagkalas kay Vicente.

Who wouldn't? She was the girl all the boys wanted. Hindi siya ang iniiwan. Siya ang nang-iiwan. Vicente Banaag had insult­ed her. She had never forgiven him and he had never forgiven her, too, she guessed.

"So what?" sabi niya kay Mary. "Hindi naman siya ang pinuntahan ko rito." Nang lingunin niya si Mary, tulog na ito.

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now