Chapter 12

11.1K 314 12
                                    


WALA pang trenta minutos ay nasa apartment na ni Georgie ang dalawa.

"Tino-thaw pa yung steak. Mamaya, i-grill natin dun sa likod," sabi niya.

"'Namputsa naman, Georgie. Akala ko, ikaw ang magpe-prepare ng dinner. Kami rin pala ang mag-iihaw," reklamo ni Carlo.

"Mas masarap kainin ang pinaghirapan." Narinig nilang umiyak si Mary. "Tingnan n'yo 'yong malandi kong baby, narinig lang ang boses ng fiancé niya, umiyak agad," wika niya kay Pete. "Sandali lang." Kinuha niya sa kuwarto ang sanggol at ibinigay kay Pete.

"Kailan ba bibinyagan ito?" he asked.

"Hindi ko nga alam, eh. Hindi pa rin siya naka-register dito. Pinalayas kasi agad ako ni Dad kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kay Mary. Hindi ko rin alam kung puwede ko talaga siyang ampunin dahil nga naghahabol si Cheng—'yong father niya. Baka nga ngayon, wanted na ako sa Singapore."

"Dapat kausapin mo ang Cheng na 'yon," payo ni Pete.

"Natatakot ako, eh. Baka agawin si Mary."

"Ang mabuti pa, kumunsulta ka sa abogado," suhestiyon ni Carlo.

Iyon naman talaga ang balak ni Georgie. Kaso, masyado siyang na-at home sa poder ng Bud Brothers. Pakiramdam niya, kapag kasama ang mga ito, wala siyang dapat problemahin, kay daling kalimutan ang mga problema.

"Kausapin mo 'yong kapatid ni Vince, si Lance. Lawyer 'yon," wika pa ni Carlo.

"Ganoon ba?"

"And speaking of Vince, ano na naman ba 'kamo ang pinag-awayan n'yo?" tanong ni Pete.

Itinaas niya ang dalawang paa sa sofa, lotus position. "May pumunta kasi ritong babae, si Jennifer," umpisa niya.

Sabay namang tumango sina Pete at Carlo. "Aah..." sabay ring sabi ng dalawa.

"Kilala n'yo siya?" Pero kunsabagay, hindi naman imposible iyon. Sabi nga ni Melba, malandi si Jennifer at balak hunting-in ang mga Bud Brothers.

Si Pete ang nagsalita. "Si Jennifer, laging in heat."

Humalakhak si Georgie.

Nagpatuloy pa si Pete. "Ingat ka ro'n, marami nang sinulot 'yon at masama ngayon ang tingin kay Vince. At alam mo naman, gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Baka biglang sagutin si Jennifer."

"Ano naman ang paki ko kung magkagustuhan sila?" sabi niyang may kasamang ismid.

Pero sa kaibuturan ng damdamin, natakot nga siya. Kahit pa malandi at antipatika ang Jennifer na iyon, kamukha pa rin iyon ni Sandy. Baka dahil doon ay patulan nga ni Vicente ang babae.

Naupo sa armrest ng sofa si Carlo at siniko siya. "Ikaw naman, aminin mo na. Halata na, eh."

"Ang ano?" She snapped at him.

Bago pa ito sumagot ay tumunog ang cell phone ni Pete. Dinukot nito iyon at sinagot. "'Tol, what's up?" Sumulyap ito sa kanya and mouthed the words, it's Vince!

Nanulis ang nguso niya.

Nakinig naman sandali sa kausap si Pete. "Wala nga kami riyan. Nandito kami sa apartment ni Pio. Nag-imbita si Georgie, magpapakain daw. Wanna join us?"

"I don't want him here!" mariin niyang wika.

Humalakhak si Pete sa cell phone at bumaling sa kanya. "Neither does he want to be here daw." Ni hindi nito tinakpan ang mouthpiece. Nakinig muli ito kay Vicente sa kabilang linya.

Nagsalita muli ito. "May problema raw si Georgie, pinatawag kami. It's about someone who's got a crush on someone, and someone's jealous." Tumawa uli ito. "Okay. Okay. Sige, 'tol. Yeah, bye." He pressed the end button at ipinatong sa mesita ang cell phone, inayos ang posisyon ni Mary sa bisig nito. Mukhang kontentung-kontento roon ang sanggol.

"Ano'ng sabi ng Enteng na 'yon?" tanong niya.

"Dapat daw ang pangalan mo, Sisa, hindi Georgie," sabi nito. "Pero, lalo ka raw maganda ngayon," dugtong pa nito.

Pinisil ni Carlo ang pisngi niya. "Uuuy, kinilig—"

Pinalis ni Georgie ang kamay nito. "Hindi, ah!" tanggi niya. "Maganda naman ako talaga. Mas maganda ako kay Jennifer!"

Humalakhak ang dalawang lalaki. "Umamin na kasi," duweto pa ng mga ito.

"Hindi naman imposible na iyong dating nag-aalab na damdamin eh, muling mag-alab. Nangyayari talaga iyon. It's perfectly natural," wika pa ni Pete, hindi niya masabi kung nagbibiro dahil seryoso ang hitsura.

"Kaya," si Carlo, "walang dapat ikatakot ang isang umiibig kung ito ay kinikilig dahil lalo lang ito maliligalig kapag itinu­lak ng bibig."

Dahil doon ay napatawa siya at napaamin. "Sige na nga. Crush ko na uli si Vicente."

"Umamin din!" wika ni Carlo na parang nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. "At dahil nanganganib sa kamandag ni Jennifer si Vince, aba, dapat sigurong gumawa ka ng paraan para sa iyo ulit matuon ang atensiyon ng brod namin. Mas boto naman kami sa 'yo, 'no!"

"Ano'ng gagawin ko?" she asked.

Ngumisi si Carlo. "Don't you worry, sweetie. Kakampi mo kami." Inakbayan siya nito. "Just stay as beautiful as you are and follow your heart."    

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon