Chapter 14

11.3K 310 5
                                    

INIPON ni Georgie pataas ang buhok at nilagyan ng butterfly clamp, pero hinayaang malaglag ang maraming strands. Ngumiti siya sa reflection niya sa salamin. She got the desired effect. Dahil itinaas niya ang buhok, nabawasan ang pagka-angelic ng kanyang mukha.

Gusto niyang buhayin ang pagmamahal ni Vicente sa kanya kaya hindi siya dapat magmukhang santa. The lines of her jaws became more pronounced, pero dahil may mga nakalugay na strands, naging subtle ang dating niyon. Her features became a mixture of innocence and sexiness.

"Ate, nasa labas na si Kuya Enteng," sabi ni Melba na sumilip sa pinto ng kuwarto.

"'Wag kang maingay, we'll surprise him. Dito muna kayo ni Mary sa kuwarto."

"Opo." Pagpasok ni Melba, parang hindi ito makatiis na pagmasdan siya. "Ang ganda n'yo, Ate. Kung ako ang ganyan kaganda, mag-aartista ako."

Nangiti na lang siya. "Sa maniwala ka at hindi, Melba, hindi laging masarap ang pakiramdam ng maganda. Hindi masarap ang pakiramdam na mukha mo lang ang nakikita ng mga tao, hindi 'yong kung ano ka talaga. At 'wag kang mag-alala, basta alagaan mong mabuti si Mary, tuturuan kita kung paano gumanda."

Lumabas ng kuwarto si Georgie at sumilip sa bintana, pero nakakubli sa kurtinang lace. Naipasok na ni Vicente ang kotse kaya pumuwesto na siya sa likod ng pinto.

She glanced at the clock on the wall. Seven o'clock. She tried to relax. Gusto niyang sorpresahin ang lalaki, and she was quite nervous. How would he react?

Ipapakita ba ni Vicente ang kagalakan pagkakita sa kanya? Wala naman siyang maisip na dahilan para hindi ito matuwa. He wanted her to be there. Iyon ang sinabi ni Pio at sa lahat ng Bud Brothers, kay Pio siya naniniwala pagdating kay Vicente. Ang dalawa ang talagang magkaibigang matalik. Mas kilala ni Pio si Vicente higit kanino pa man.

Narinig niyang binubuksan ng lalaki ang pinto. She braced herself.

"Hello!" bati niya nang bumukas ang pinto.

Ganoon na lang ang pagkagulat na rumehistro sa mukha ni Vicente. "Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?" tanong nito.

Dismayado siya. Pagkagulat lang ang nasa mukha ni Vicente, walang katuwaan. Pero naniniwala pa rin siyang itinatago lang nito ang tunay na nararamdaman.

"Hindi ka ba natutuwa?" she asked and tilted her head to the left to appear coy.

"Dapat ba akong matuwa? Well, maybe I should be glad. Hindi naman araw-araw ay may naliligaw na prinsesa ng Timbuktu sa bahay ko."

Hindi masabi ni Georgie kung nagbibiro ito o hindi. That had always been the trouble with him. She could never tell when he was joking. He always seemed so serious.

Mula naman kung saan ay bumangon si Douglas para salubungin ang amo. Hinimas-himas ni Vicente ang ulo nito pagkatapos ay itinaboy. Sumampa lang sa sofa ang aso.

"Kumain ka na ba?" tanong na lang niya. "Nagluto ako ng chopsuey at fried chicken wings."

"Hobby mo rin ang magluto?" he said quite mockingly.

Tumango siya. His cell phone rang at napangiti siya sa ring tone niyon. "Maybe This Time."

Was that a good sign? She hoped so.

Sinagot nito ang caller. "O, napatawag ka?" He didn't speak for a while.

Hindi naman niya naisip kung sino ang tumawag. Kung sino man iyon, mahaba ang sinasabi nito.

Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now