Chapter 5

11.3K 315 16
                                    

KUMUNOT ang noo ni Vince nang makita ang scarf na nakalawit mula sa canvas na carryall bag ni Georgina. Iyon ang scarf na suot ng babaeng driver na nilampasan niya kanina sa inis—ang babaeng nagpapatuyo ng nail polish. Kaya pala pamilyar ito sa kanya.

Kaya pala ganoon na lang ang pagdating sa kanya ng kakaibang kaba. Prenteng nakaupo si Georgina, may mga kasamang bisita sa mesang kinaroroonan nito. But he could see, wala ni isa man sa mga katabi ni Georgina ang kumakausap dito.

Her presence was as intimidating as ever. Mistulang pulubi ang mga katabi nito gayong maayos din naman ang mga bihis. Nakita rin niyang tulog ang sanggol na kalung-kalong nito. He couldn't help wondering who the child's father was.

Probably a good kisser, sa loob-loob niya and squirmed with bitterness and distaste. Hinding-hindi niya makakalimutan ang kahihiyang sinapit noon sa buong campus dahil sa mga kasinunga­lingang ipinagkalat ni Georgina. Hindi raw siya marunong humalik kaya nakipag-break ito.

Hindi lang iyon. Maliit din daw ang—kanya. Kasinlaki lang daw iyon ng takip ng rubbing alcohol kapag hindi buhay at kapag nabuhay, nagti-triple lang ang size.

Pakiramdam niya noon, lahat ng mga babae at bading sa unibersidad, sa zipper niya nakatingin. May narinig pa siyang babaeng bumulong sa kasama na baka raw bimpo lang ang nasa loob ng pantalon niya. Gustung-gusto na niyang maghubo't hubad at nang ipakita sa lahat ang kasinungalingan ni Georgina "The Gorgeous" Yulo.

Napatingin sa kanya si Georgina, nginitian siya nito, pero alam niyang ngiting Tupperware iyon. Hindi naman nakangiti ang mga mata nito.

Nagpasya siyang lapitan ang babae. "Ikaw pala yung driver ng Mitsubishi na green. I should have known, ikaw lang ang may kakayahang magpintura ng kuko habang nagmamaneho," sabi niya.

Nangunot ang noo nito. "What are you talking about?"

"Akala ko, gusto mong lumipat ng lane."

Parang nakuha naman ni Georgina ang sinasabi niya. "Was that you? I should have known!" bulalas nito. "And for your informa­tion, hindi ako nagpipintura ng kuko. Ano ako, member ng super­friends na ubod ng galing?"

Hindi naman makaimik si Vince. Na-realize na niya ang pagkaka­mali, but he would never ever think of apologizing.

"Where's your husband?" tanong na lang niya.

"I'm not married," sagot nito.

His jaws dropped. He didn't know what to say. Si Georgina, dalagang ina! Hindi niya mapaniwalaan iyon; at the same time, he felt an anger towards the man who fathered her child. Bakit hindi pinakasalan si Georgina Yulo?

"Galing kasi ako sa Singapore," sabi pa nito. Sasagot pa sana si Vince pero nakita niyang kinakawayan siya ng mayor ng kanilang bayan.

"Excuse me," sabi na lang niya kay Georgina.

   


Bud Brothers Series Book 1: Stupid Cupids (Published by PHR, Completed)Where stories live. Discover now