Prolouge

14.4K 334 11
                                    

PROLOUGE

Lj's POV

Madami akong naiisip mula dito sa aking kwarto kung paano at anong paraan ang maari kong gawin upang hindi ako mahulog mula sa kanyang napaka gwapong mukha.

Inaamin kong ang kanyang pigyura ay hindi mo maiihalintulad sa ibang kalalakihan dahil mas angat ito sa kanila. Lalo na pag siya'y ngumi-ngiti. Ngunit sa kanyang maamong mukha, Playboy pala ang yawang ire.

Nakuha ng atensiyon ko ang kumatok mula sa aking pinto.

"Panget, may bisita mamaya." Dinig kong sabi ng iniisip ko lamang kanina. Napapikit ako ng heto nanaman ako muli.

"Makapanget wagas! Oo na!"  Mabilis kong tinignan ang sarili ko sa salamin. Paano naman kase ako gugustuhin non kung ang itchura ko ay mas magulo pa sa buhay ko?

Hindi na siya nagsalita pa, siguro ay pumunta na iyon sa kanyang kwarto para makapag-ayos ng kanyang sarili dahil may bisita siya mamaya.

Normal lang naman ang panonoot ko tulad ng iba ngunit hindi mo sa'kin ma-de defined na galing ako sa marangyang pamilya.

Kahit kailan ay hindi ko nasubukang mag-skirt at kung ano pang palamuti sa aking katawan.  Sanay akong magsuot ng jeans at simpleng damit saka sinabayan ng sapatos.

Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi ng isipin kong muli na kahit anong gawin ko ay hindi naman siya mahuhulog sa'kin.

Madali lang sa kaniyang kalimutan ang mga babae, ngunit heto siya natali sa'kin.

Ilang oras pa ang nakalipas ng sinimulan kong mag-ayos.

Agad akong naligo at hindi rin naman iyon nagtagal.

Isinuot ko ang isang maid suit na kung saan kulay itim ito at hinaluan ng puti. Maayos ko ring isinabit sa buhok kong kala mo ay kasing gulo ng kwarto ko.

"Arggh! Nakakasawa na ang ganito ah!" Inis na asik ko habang ibinababa ang paldang suot ko, mukha akong cosplayer na low budget dahil sa suot ko.

Naningkit ang mga mata kong tinignan ang kabuuan ng sarili ko sa salamin.

"Hindi pa ko nag-aayos niyan ah!" Pagpupuri ko saking sarili habang nakataas ang aking kilay na tinitignan ang kabuuan ko sa salamin.

Ngumiti ako sa salamin saka tumungo, binigyan ko ng fighting spirit ang sarili ko.

Mabilis akong bumaba patungo sa sala at   agad namang umupo sa sofa habang inaantay ang bisitang sinasabi ni Kevin.

"Ate Lj! May ginawa akong cookies sa kusina baka gusto mo?" Tinignan ko maige si Myra ng banggitin niya iyon mula sa tabi ko.

"Buti hindi nasunog ang bahay?" Natatawang asik ko, gusto ko lamang asarin ang babaeng ito  Nawala sa kanyang labi ang salubong na ngiti nitong binungad sa'kin kanina.

"Ate naman e!" Ngusong sabi nito na ikinabungis ngis ko.

"Oo na, titikman ko na.." Tumayo ako saka hinablot ang kanyang kamay at ipinulupot iyon sa braso ko.

Nang maratating kami sa kusina na hindi naman kalayuan sa sala ay bumungad sa'kin ang isang mangkok na puno ng cookies.

Sprinkle toppings, nuts, mallows, chocolates and iba ang nasa tuktok ng mga cookies.

Ang Asawa kong PLAYBOY  ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon