Losing Him... Killing Them Part 3

116 1 10
                                    

Part 3

Veronica

Hindi ko inaasahang magigising pa ako. Akala ko katapusan ko na kanina, yun na siguro ang pinaka-worst na panic attack ko dahil sa pagiging claustrophobic ko. Kaya nga lang, hindi ko inaasahan na nakatali ako sa upuan. Pati mga kamay ko nakatali at may nakatakip na tela saking mga mata.

Pero ang nakakapagtaka ay ang napanaginipan ko. Matagal na siyang patay, si Nielle. Pero sa unang pagkakataon ay lumabas siya sa aking panaginip.

“Nabihag mo miss ang puso ko. Anong pangalan mo? Siguro kasing ganda mo din iyon.”

Corny man pero ramdam kong seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Sinabi niya ‘yun sa panaginip ko. Kahit nakagapos ako, hindi ko mapigilang huwag mapangiti. Isang ngiting may halong lungkot. Sinabi niya din kase sakin ‘yun nung unang beses kaming magkakita. ‘Yung linyang iyon ang unang lumabas sa bibig niya. Nung araw ding iyon, tinanong niya kung pwede daw ba niya akong ligawan. Nakakatawa siya, lagi niya akong pinapatawa at kinukulit.

Pero patay na siya.

At sigurado akong may kinalaman ang pagkamatay niya sa nangyayari ngayon.

“Arghhh.” Narinig ko mula sa tabi ko.

“M-Mark? Ikaw ba ‘yan?” tanong ko pa.

“Veron? Oo, ako ‘to.” sagot niya at ramdam ko at pilit niyang paggalaw kahit na wala din namang saysay iyon. “Shit, bakit tayo nakatali?” tanong ni Mark. Magsasalita sana ako pero naunahan niya ako.

“Mukhang gising na sila. Tanggalan mo na nang piring ‘yan.” Sabi niya, ni Xandra—step-sister ni Nielle. Pagkatanggal nang piring sa mga mata ko ay sa sahig ko kaagad itinuon ang atensiyon ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Xandra sakin ito, ng bestfriend ko.

“Ikaw?” narinig ko pang sabi ni Mark.

“Sino pa ba sa tingin mo?” sarkastiko namang sabi ni Xandra. “Oh Veron, ba’t sa sahig ka nakatingin? Ayaw mo bang makita ang bestfriend mo?” parang nang-aasar naman na sabi nito sakin kaya tumingin na ako sa kanila. Tsaka ko lang napansin na magkatabi pala ang upuan na  pinagkakatalian namin ni Mark. May mga piraso din ng petal ng rose sa paligid. May napansin din akong mga kandila sa lamesang malapit sa harapan namin. Naalala ko tuloy ‘yung pelikulang minsang pinanood namin. Parang ganito lang din. Paborito ni Xandra ‘yun eh. Ganun din kaya ang gagawin niya samin ni Mark.

“Sayang, hindi ko na napalitan ‘yung suot niyo. Para mukhang romantic talaga diba?” tanong pa ni Xandra sakin.

Doon ko lang din napansin na sa di kalayuan samin ay naandoon ang katawan nila Tristan. Nakaupo ng normal na para bang buhay pa sila, puro dugo nga lang ang damit nila at may maskara ang kanilang mukha. Mga maskarang nakakapangilabot tingnan. Si Tristan, Anne at…. si Al iyon. Pero napansin kong may kakaiba sa kaniya.

Buhay pa siya.

Mukhang wala lang siyang malay.

“Anong gagawin niyo samin?” tanong ni Mark.

“Ano bang ginawa niyo sa kapatid ko?” sa halip na sumagot ay tinanong lang din niya si Mark.

“Kapatid.. Wala ka namang kapatid ah! Pakawalan mo nga kami!” sabi ni Mark habang nagpupumiglas pa. Hindi niya alam na may step-brother si Xandra, tanging kami lang ni Al ang nakakaalam noon.

Biglang may lumapit na lalaki—si Harvey. Nakamaskara din siya pero kahit ganoon ay kilalang-kilala ko siya. Kasabwat siya ni Xandra. Malinaw na ang lahat, balak niya kaming patayin. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit niya gagawin sakin ito. Ang tanging naiisip ko lang ay ang pagkamatay ni Nielle. Pero… wala naman akong kaalam-alam tungkol doon.

Crime of Passion | Bloody Relationships CompilationWhere stories live. Discover now