"Okay. Whatever you want, Heanndra. Wear what you want. Just please help us on this. I would really appreciate it," she finally said at pumasok na ulit sa booth namin.

Sinulyapan ko si Georgina na naka-puwesto na sa harap ng booth at may hawak na sign na may "free hugs" na nakasulat.

I roll my eyes as a flock of guys from a department I don't know went to our booth. This is why I don't wanna do this! Some boys and their...fuck this! Okay let's do this! For Teacher Japs.

Nagpaalam ako kay Kaz na aalis muna at magpapalit ako ng damit. Naghanap ako ng pweding masuot sa duffel bag na dala ko at may nakita akong maikli na cycling shorts doon. This will do. Para lang akong naglalaro ng soccer nito. I immediately change at that. Isinuot ko rin ang damit na aquamarine tulad noong kay Georgina. Mabuti naman at sakto lang sa akin iyong t-shirt. I also tried to braid my own hair. Medyo natagalan pa ako dahil mahaba iyong buhok ko. I should seriously cut this. Naglagay ako ng kaonting palamuti sa mukha at agad ng lumabas sa CR.

Pumalakpak sina Kaz at Sarah habang nakita akong papalapit na sa booth. Sarah screamed a bit louder kaya tinampal siya ni Kazandra.

"Shit! Ang ganda mo hayop ka!" sigaw niya kaya napangiti ako. Nilahad ni Kaz sa akin ang karatola na may sign na "free kiss on the cheek". Oh great. Sa akin talaga napunta, eh noh?

Binigay ko kay Sarah ang duffel bag ko at pumwesto na sa tabi ni Georgina. Napasulyap siya sa akin at ngumiti.

"You're pretty Heanndra!" she said kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"Bakit ngayon lang inilabas si Henzon? Nakabili na kami ah!" sigaw noong lalaki na hindi ko kilala.

Kilala niya ako pero hindi ko siya kilala? Creepy! Freaks me out.

"Edi bumili ka ulit! Problema ba yun?!" sigaw ni Sarah. Napakamot ng ulo iyong lalaki at naglahad ulit ng pera kay Sarah. Tinanggap iyon ni Sarah at binigay sa lalaki ang order niya. Lumapit siya sa akin habang namumula.

Seriously?

"You'll kiss my cheek, or I'll kiss yours?" tanong ko sa kanya at mas lalo pa siyang namula. This is crazy!

"Uh, I'll just kiss yours" he shyly said kaya ngumiti ako at nilapit ang pisngi ko sa kanya. This boy seems no harm. He looks cute though.

Naramdaman ko na nilapat niya ang labi niya sa pisngi ko. Bumitaw din siya agad at nahihiyang tumalikod sa akin. Kinuha niya ang order niya at umalis na.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may iilang grupo na ng mga lalaki ang lumapit sa booth namin. Familiar faces of the boys are here. This are criminology students. Agad kong nakita si Dio sa grupong iyon.

Oh shit. This is not good. Inayos ko at hinanda ang sarili sa kabadtripan na dadalhin niya at ng mga kasama niya sa booth namin. Napairap ako nang nakangisi na siya habang nakatingin sa akin.

"Free kiss on the cheek?" he read the sign na dala ko at tumawa. Nakipag-high five siya sa iilang mga kasama. Para silang mga batang may sayad sa utak na tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Pinagmasdan ko ng mabuti si Dio. Hindi ko ide-deny, he looks good. Kung hindi lang siya gago siguro magkaka-crush ako sa kanya.

"Kapag ba binili ko lahat ng tinda ninyo, ilang kiss sa pisngi mo ang makukuha ko?" tanong niya sa akin habang nakangisi. Matangkad siya sa akin kaya tiningala ko siya at tinaasan ng kilay.

"Go away. We don't need you here" matapang na sagot ko at narinig ang malakas na "ohhhhh" ng mga kasamahan niya na para bang nang aasar.

"You know why I like you? It's because you just so hard to get and so hard to please.." seryoso na sabi niya at hinawakan ang nakabraid kong buhok.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now