CHAPTER THIRTY-SIX

7.4K 141 0
                                    

SAMANTHA'S POV

“Pwede na siya'ng ma discharge. ” sabi naman ng doctor. Agad kaming nagtatalon sa tuwa.

“Yehey!!!” sigaw nila. Pati na din sina Cris , Jake and Xen at Ate Khezy nakikisaya na din.

“Sa wakas!” sabi naman ni Jake. Tiningnan naman siya ng masama ni Angel dahilan para mapatawa kami.

“Yehey!” sabi ng dalawang bata sabay akyat sa kama ni Angel at yumakap dito.

“Sam, pwede bang ampunin ko nalang yang si Mia?” sabi naman ni Jake habang nakatingin kay Mia. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba, loko talaga tong lalaking to.

“Gusto mo umuwing may black eye bro?” tanong naman ni Ken. Napatawa nalang kami.

“Ang damot mo naman bro , meron naman kayong Kean eh. Si Mia nalang ang aampunin ko. ” sabi naman ni Jake. Aba, inulit pa talaga

“G*go!wag ang anak ko bro! Gumawa ka ng sayo!” giit naman ni Ken.

“Tumahimik ka dyan Jake. ” saway ko dito pero tumawa lang ito.

“Nako, joke lang no. Maghahanap nalang ako ng bubuntisin ko. ” sabi naman nito at napanganga kami. Seryoso? Kailan ba talaga magtitino tong lalaking to.

“Tama na ang daldalan. Let's go. ” sabi naman ni Angel.

“Ikaw nalang kaya ang buntisin ko Angel?” tanong naman ni Jake dahilan para mapanganga si Angel.

“G*go ka pala eh! Eh kong yang mata mo ang bubuntisin ko pag sinuntok kita?!” maangas na tanong ni Angel. Basi sa nakikita ko, bagay ang dalawang to.

“Choosy ka pa talaga. ” sabi naman ni Jake.

“Mas gusto ko pang mamatay na virgin kesa mapunta sayo! ” inis na sigaw ni Angel. Agad naman kaming nagtawanan lahat. Pati na din ang mga bata kahit hindi nila alam ang mga sinasabi ng dalawang to.

“Kung ganon, edi bubuntisin na nga kita, sayang naman ang lahi mo at lahi ko diba. ” giit pa ni Jake.

“Arggg! Bwessiiitt!” inis na sigaw ni Angel. Tumawa naman ng malakas si Jake.

“Joke lang Angel, wag kang mag alala, hindi ikaw ang type ko. ” sabi nito.

“The feeling is mutual.!” sigaw naman ni Angel. Hay!

“Bagay kayo teto and teta” sabi naman ni Kean. Napatulala naman si Angel habang si Jake ay ngumisi kay Kean at nag thumbs up pa.

“Tumigil kayong dalawa, kong ano ano na ang nalalaman ng anak ko. ” saway ko dito.

Mabuti naman at tumahimik na sila. Nang makalabas na kami ng kwarto ay dumiretso na kami sa parking lot kong nasaan ang sasakyan namin. Nasa back seat sina Angel, Mia at Kean habang nasa tabi naman ako ni Ken. Ibang sasakyan kasi ang sinakyan nina Jake dahil hindi kami kasya dito sa sasakyan.

After an hour, nakarating na din kami sa Smith's residence. Dito nalang daw muna kami titira. Nandito na din kasi ang mga gamit namin, nilipat na dito last week pa.

Anong balita kay Lia? Well, ayun nasa mental. May sayad talaga ang babaeng yun e. May sakit sa utak. Tss.

“Let's go!” masayang sabi ni Angel at pumasok sa loob. Sumunod na din kami.

“Angel, dun ang magiging kwarto mo.” sabi ko dito habang tinuro ang kwarto na nasa gilid ng kwarto ni Ate Khezy. Dali dali naman siyang pumasok dito at tiningnan ito ng kabuoan. Niyakap niya din ako pagkatapos.

“Ang ganda Ate! Salamat!” sabi nito

“It's okay Angel, you're always welcome. ” i said.

“Paano dun muna ako sa kwarto namin ah? Bibihisan ko lang ang mga bata para sa dinner mamaya. ” sabi ko dito. Tumango naman ito at ngumiti .

Dumiretso nalang ako sa kwarto namin ni Ken at naabutan ko ang mga bata kasama si Ken na nasa kama.

“Hey kiddos, both of you will sleep na.” sabi ko dito. Nakasanayan na kasi namin na patutulugin ito tuwing hapon.

“Later mom. ” sabi naman ni Kean. Nakita ko naman na nanunuod pala sila ng movies.

“Okay, after that you'll sleep na ha?” paalala ko sa mga ito. Tumango naman ito at nag thumbs up.

Humiga nalang ako sa kama at pinikit ang mga mata ko, i badly need some rest.

“Mom” malambing na sabi ni Mia at niyakap ako. Minulat ko naman ang mga mata ko at ngumiti dito.

“Yes baby?” i asked.

“I'll sleep na. ” she answered. Tumango naman ako at niyakap ko din ito.

“Me too! ”

“Me three!”

Napatawa nalang ako dahil pati si Ken ay nakikisali na din. Ngumiti nalang ako sa kanila.

“Okay mga babies, sleep na. ” sabi ko sa mga ito. Tumango naman sila saakin at ngumiti.

How lucky i am to have them in my life. Ano kaya ang mabuti kong nagawa dahilan para bigyan ako ni Lord ng ganito kasaya na pamilya. Wala na akong mahihingi pa, dahil sobra sobra pa nga sila. Napangiti nalang ako. Buong buhay ko ni minsan hindi ko naisip na magkakaroon ng ganito kasayang pamilya, although may nga tao pa din na pilit kaming sinisira pero at the end, ito pa din kami. Buong buo. We may not be a perfect parents, pero ginagawa namin ang lahat just to make sure na magiging maayos ang mga anak namin.

✂️✂️✂️✂️✂️

AN: Hello 900+ views! Happy na po ako nyan, and don't forget to vote and comment. 4 chapters to go! More votes guys! Thanks!

FB ACCOUNT : LYNN WP

Marrying Mr. CassanovaWhere stories live. Discover now