CHAPTER SEVENTEEN

9.4K 169 0
                                    

AN: Hello again, so eto na readers ah!
Mag u update na ako. Enjoy.

✂️✂️✂️✂️✂️

Tanghali na akong nagising. Agad naman akong tumayo at lumabas ng kwarto. Ako nalang kasi ang tao dito.

Pagbaba ko, naabutan ko naman sa baba sina mom and dad pati ang parents ni Ken. Sabi ko na nga ba eh.

"Good morning. " walang gana kong sabi at naglakad papunta sa kanila.

"Hello anak, congrats nga pala. " sabi naman ni dad. What the hell?! Alam na nila?!

"E-eh. T-thanks d-dad. " mautal-utal kong sabi. Nakakahiya naman kasi.

"Wag ka nang mahiya anak, come here. " sabi naman ng mommy ni Ken. Geez. Ang awkward.

Lumapit naman ako sa kanila at nalaman kong kumakain pala sila pero bakit ang baho. Ew, champorado lang naman kasi ang kinakain nila at dati gusto ko naman yun pero iwan ko nalang ngayon dahil nakakadiri na talaga. Hindi ko na siya gusto.

"Ilayo niyo nga saakin ang pagkain na yan,  ang baho. " inis kong sabi.

"Eh favorite mo naman 'to dati anak diba?" tanong ni mom. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"That was before mom, ayoko na 'nyan. Swear, ang baho talaga." sabi ko dito with matching pandidiri pa.

"I see, mukhang naglilihi ka na. " sabi naman ni mom. Ngayon ko lang napansin na wala pala dito si Ken, malamang nasa office na naman yun. Tss.

"Whatever mom, akyat po muna ako sa taas. Enjoy" walang gana kong sabi.

"Okay anak, by the way, binilin pala ni Ken saakin na pumunta ka daw ng office mamaya. " sabi naman ni Dad. (Ken's father.)

Tumango nalang ako at umakyat na sa kwarto ko tsaka pumunta sa cr para maligo. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Malaki ang ang binago ng katawan ko. Medyo lumalaki na ang mga braso ko pero hindi naman gaano ka taba talaga. And, natural lang naman yun because I'm preggy.

Matapos akong maligo ay agad akong pumunta sa walk in closet para magbihis.

And now, I'm just wearing a loose croptop and a black jeans tsaka isang black stiletto para hindi gaano kahalata ang pag bago sa katawan ko.

Matapos akong mag ayos sa sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.

Wala na din sina mom and dad sa baba I'm sure umalis na sila. Dumiretso lang ako sa garage.

Magpapasama sana ako kina Xen and Ate Khezy kaso busy naman pala silang dalawa.

Nakita ko naman ang isang white limousine. Agad naman akong pumasok sa loob at pinaharorot ito.

-

Agad akong bumaba ng makarating ako sa company tsaka naglakad papasok sa loob.

May lumapit naman saakin na isang babae na may dala'ng bata'ng nasa 3 years old.

"Ms. Perez, fan na fan po kasi ang anak ko sa inyo pwede po bang magpa picture kasama niyo?" tanong ng babae. Hihindi sana ako kaso nakita ko ang bata at ayoko naman na ma dissapoint ito kaya pumayag nalang ako.

"Oh sure. " nakangiti kong sabi. Masaya naman'g lumapit saakin ang bata at nakipag picture.

Matapos ay agad akong bumalik sa paglalakad. Ng makapasok ako sa loob ay agad akong pinagtitinginan ng mga tao. Tss.

Dumiretso na lang ako at pumasok sa elevator papunta sa floor kong nasaan ang office ni Ken.

Ng makarating ako ay hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok dahil dire diretso lang ako sa loob at naabutan ko naman si Ken na nakaupo sa sevel chair niya at nakatuon ang tingin sa laptop.

Hindi niya pa nga napansin ang presensya ko. Umupo naman ako sa sofa.

"Busy ka 'ata. " walang gana kong sabi.

Inangat niya naman ang tingin niya tsaka nakangiti na tumingin saakin.

Tumayo naman siya at lumapit saakin tsaka hinalikan ako sa pisngi. Hindi na lang ako umangal.

"Hi Love." nakangiti pa nitong sabi.

"Hello. " walang gana kong sabi.

"Did you eat already?" tanong nito saakin.

"No. " maikli kong sabi.

Tumingin naman siya sa wall clock at nakataas ang kilay na tumingin saakin.

"Alas 10 na ng umaga pero hindi ka pa kumakain?!" sigaw niya saakin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ang oa niya seryoso.

"Wag mo nga akong masigaw-sigawan dyan!" inis kong sabi.

Sinong hindi maiinis? Ang oa niya mag react parang siya pa 'to ang hindi kumakain tapos sisigawan niya pa ako?! Anong akala niya saakin bingi?!

"Okay, sorry Love, kasi naman eh. Hindi ka pa kumakain baka nakakalimutan mo na dapat ka nang kumain ng malakas ngayon dahil dalawa na kayo ng baby na 'tin. Kong hindi ka kakain magugutom din siya Love. Ganito na lang. Magpa deliver nalang ako ng pagkain dito. " sunod sunod niyang sabi.

Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Dahil tama naman talaga siya, dapat alagaan ko na ang sarili ko ngayon dahil dalawa na kami ng anak ko kaya dapat ko nang mas alagaan pa ang sarili ko.

"Sorry Love, okay kakain na. " i said. This is the first time na ibinaba ko ang pride ko.

"Good, magpapa deliver na ako. " he said. Tumango nalang ako. Pumunta naman siya sa may table niya at may tinawagan dun sa telephone.

After a minutes ay may kumatok na sa office niya. Lumabas naman si Ken at pagbalik niya sa loob ay may dala na siyang mga boxes na laman ay pagkain.

Seriously? Five boxes of foods? Anong akala ng lalaki'ng 'to saakin baboy?!

"Wtf?! Ako ang kakain nyan Love?" seryosong tanong ko.

"Oo Love, no buts okay? Ubusin mo lang yung kaya mo. " he said then he winked at me. Geez.

"Okay fine. Thanks by the way. " i said then i gave him a smile.

"Anything for you and our baby Love." he said.

Tumango nalang ako at sinimulan nang lantakan ang mga pagkain. Infairness, masarap no, super sarap.

✂️✂️✂️✂️✂️
AN: hello readers, I'm so sorry dahil ngayon lang ako nakapag update ulit. Don't worry dahil mas dadalasan ko na ang update.

And by the way guys, gagawa po ako ng new fb account para dun ko ilagay ang mga updates .

It's Lynn WP po. Just add me guys, and comment kayo kung mag papa accept kayo dahil limited lang ang e a accept ko. Again, thank you.

Don't forget to vote and comment guys para mas maganahan akong mag update. Mwa!

Marrying Mr. CassanovaWhere stories live. Discover now