Chapter Twenty

4.1K 143 4
                                    

PAGBUKAS pa lamang ni Crayon sa pinto ng kuwarto ni Riley ay sumalubong agad sa kanya ang binata. Wala buhay ang mga mata nito. Nasa kalagitnaan ito ng pagpipinta dahil nakaharap ito sa isang malaking canvas. Gaya ng itsura nito noong unang beses na nakita niya itong nagpipinta, puno ng talamsik ng pintura ang suot nitong itim na V-neck shirt.

"Anong ginagawa mo rito, Crayon?" tanong ni Riley sa malamig na boses.

Sinara niya ang pinto sa likuran niya. Nilunok niya ang nakabara sa lalamunan niya. Alam niyang magiging mahirap at masakit ang usapang iyon para sa kanilang dalawa. "Ikaw? Anong nasa isip mo at nagkulong ka rito sa kuwarto mo sa nakalipas na tatlong araw?"

Itinuon muli nito ang atensiyon nito sa canvas. "Umuwi ka na, Crayon."

"Gusto mo bang tapusin na natin ang lahat sa pagitan natin?"

Natigilan ito. Dahan-dahang umangat ang tingin nito sa kanya. Gumuhit ang matinding sakit sa mga mata nito. "Siguro nga, iyon ang mas makakabuti para sa'ting dalawa."

Napahikbi siya. "You're really breaking up with me?"

"I don't deserve you."

"Dahil ba hindi mo ko natulungan no'ng mga bata pa tayo?"

Halatang nagulat ito. "Paano mo nalaman?"

"Sinabi na sa'kin ng mga kapatid mo ang lahat. You were there when I was..." Umiling-iling siya. "Ang sabi nila, nasaksihan mo ang ginawa sa'kin noon pero tumakbo ka dala ng takot."

Ang totoo niyan, nakahinga siya ng maluwag nang sabihin nina Connor at Madison iyon sa kanya bago siya dalhin ng mga ito sa bahay ng mga ito. Ang akala niya, iniiwasan siya ni Riley dahil nandidiri ito sa kanya. Ngayon ay naiintindihan na niya ang binata kung bakit ito lumayo sa kanya.

Nabitawan ni Riley ang brush na hawak nito at nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Pero huli na ang lahat. Nakita niya ang pagpatak ng mga luha nito. "I'm sorry."

"'Yon ba ang dahilan kung bakit bigla kang lumayo sa'kin?"

Tumango ito. "Simula nang araw na iwan ko ang batang babaeng 'yon dala ng matinding takot, hindi na siya nawala sa isip ko. I was in shock after that incident. Gaya mo, tumigil din ako sa pag-aaral no'n para magpagamot. Hanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang guilt na 'yon sa puso ko. Madalas, napapanaginipan ko ang batang 'yon. Humihingi siya ng tulong sa'kin. Pero paulit-ulit ko lang siyang tinatakbuhan. Hindi kita natulungan noon, Crayon. I doubt if I can truly protect you."

Umiling siya. "Bata ka pa no'n, Riley. Wala kang kasalanan sa nangyari."

Nilingon siya ni Riley. Bakas ang pagtataka sa mukha nito. "Hindi ka galit sa'kin?"

"Bakit ako magagalit sa'yo? Hindi mo ginusto ang nangyari. Hindi kita masisisi kung natakot ka mang tumulong no'n. You were a child then."

Nagtagis ang mga bagang nito. "Logan was just a child then, pero nagawa ka niyang tulungan."

"Magkaiba kayo ni Logan. Hindi niya nakita ang ginagawa sa'kin noon. Pero ikaw, nasaksihan mo ang lahat ng 'yon. Ang sabi pa nina Connor, pinagbantaan ka raw ng walanghiyang matandang 'yon. How can a child like you blame himself for that?"

"I still should have helped you then," punung-puno ng pagsisisi na sabi nito. "I'm sorry."

Nadudurog ang puso niya sa nakikita niyang labis-labis na sakit at pagsisisi sa mga mata nito. "Riley, pinapatawad na kita. Patawarin mo na rin ang sarili mo. Please. Nasasaktan akong makita kang ganyan."

Bumuga ng hangin si Riley. Lumapit ito sa kanya. Tinangka nitong hawakan ang mukha niya, pero sa huli ay kinuyom nito ang mga kamay nito. He dropped his hands on his sides.

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now