Chapter Twelve

3.2K 133 1
                                    

PINIGILAN ni Crayon ang mapangiti habang nakatingin sa nakasimangot na si Riley. Ang cute-cute nito sa itim na leather jacket nito na nakapatong sa gray long-sleeved polo nito na may dark blue necktie.

"Crayon."

"Yes?"

"Bakit hindi mo sinuot 'yong dress na binili ko para sa'yo?" nagtatampong tanong nito. "Tinulungan pa naman ako ni Madison na piliin ang dress na 'yon para sa'yo."

Tumikhim siya para pigilan ang sarili niyang matawa. Riley looked so cute when pouting! "Ayoko ng dark blue na dress. I like vibrant colors like this." Iminuwestra niya rito ang suot niyang white tube dress na pa-balloon ang yellow skirt. Napaisip siya. "Sino si Madison?"

"Bunsong kapatid namin ni Connor." Bumuga ito ng hangin. "Hindi na magka-terno ang kulay ng necktie ko at ang dress mo. Hindi na tayo mananalong Mr. and Ms. FA sa gabing ito."

"Hindi naman ako mananalo kahit isuot ko pa ang dress na binili mo dahil hindi naman ako taga-Fine Arts na gaya mo," katwiran niya.

Bumuga ng hangin si Riley. Tinanggal na nito ang necktie na suot nito at hinagis kung saan. Nakita niyang nag-agawan ang mga babae sa pagkuha sa hinagis na kurbata ng binata. Then, he undid the first three buttons of his gray polo. Napalunok si Crayon nang makita niya ang collar bones ng binata. As weird as it may sound but she still found his collar bone... sexy.

Nag-iwas siya ng tingin dito. "Riley, bakit nga pala parang gustung-gusto mong maging King of the Night?"

"Hindi ko gustong maging King. Gusto ko lang matalo si Logan mo."

Kunot-noong nilingon niya ito. "Bakit?"

Tumaas ang sulok ng mga labi nito sa isang pilyong ngiti. "Gusto mo talagang sagutin ko ang tanong mo?"

Nag-init ang magkabila niyang pisngi nang maunawaan kung anong nais nitong ipahiwatig. Tinakpan niya ng mga kamay niya ang mga tainga niya. "Stop! Stop! Stop!"

Natawa si Riley saka pilit na inalis ang mga kamay niya sa mga tainga niya. "C'mon, baby. Bakit ayaw mong marinig na kaya gusto kong manalo na King ay para ipakita sa'yo na mas guwapo ako sa Logan mo at para maisip mo na mas bagay tayo?"

Impit na tumili siya sa inis. Kinikilig kasi siya sa mga simpleng hirit ni Riley at ang mokong, nahahalata iyon kaya wala na itong ibang ginawa kundi ang tuksuhin siya.

Niyakap nito ang braso niya at hinila na siya. "Let's go."

Eksaheradong sinimangutan niya lang ito. Pero habang naglalakad na sila sa enggrandeng events hall na pinagdadausan ng party ay lihim siyang napangiti. Pero agad ding nabura ang ngiti niya nang makitang palapit sa kanila ni Riley sina Logan at Paige.

"Crayon, you look beautiful tonight," nakangiting papuri ni Logan sa kanya.

"She always looks beautiful," giit naman ni Riley.

Pasimpleng siniko niya si Riley sa sikmura na ikinasinghap nito. "Thank you, Logan." Nagpalipat-lipat siya ng tingin kina Logan at Paige. "Ahm, you two look nice. Bagay kayo."

Ngumiti si Paige. "Kayo rin naman ni Riley, bagay na bagay."

Tumingin siya kay Riley. Hindi niya man aminin sa sarili niya pero malaki ang pasasalamat niya na hindi sumuko si Riley sa pagkulit-kulit sa kanya. Kung noon siguro, naiinis siya sa presensiya nito, ngayon ay nagpapasalamat na siya at nasa tabi niya ito. He was there when she was hurting, and he had always been there for here no matter how many time she had pushed him away.

Namalayan na lang niya ang sarili niyang nakayakap na kay Riley. She realized she didn't want him to stay away from her anymore, despite everything.

"Crayon?" Halatang nagulat si Logan sa ginawa niyang pagyakap kay Riley.

"Logan, I'm okay," paniniyak niya rito. "Hindi mo na ko kailangang alalahanin simula ngayon. I have Riley now."

Naramdaman niya ang pagyakap ni Riley sa kanya at ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya, pero sandali lang iyon dahil kumalas din agad ito sa kanya.

"Excuse me. Kukuha lang ako ng maiinom natin," walang emosyong sabi ni Riley bago walang lingon-likod na nagmartsa paalis.

Kumunot ang noo niya. Bakit mukhang galit si Riley?

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें