Chapter Three

3.6K 147 0
                                    

CRAYON was running like Speed. Mabilis siyang tumakbo dahil sa madalas na sapilitang pag-e-exercise niya kasama si Logan. He also taught her how to play tennis. Kung hindi lang siya busy as a student-journalist ay malamang sumali na siya sa women's tennis team ng university nila.

Nakita niyang nakatayo si Logan malapit sa criss-cross fence ng tennis court. Tatawagin na sana niya ang binata nang makitang may kasama ito – si Paige!

Unti-unting bumagal ang lakad niya. Naubusan siya ng lakas. Himbis na lumapit sa dalawa ay nagtago siya sa likod ng poste na hindi kalayuan sa court. Masyado kasing seryoso sina Logan at Paige ng mga sandaling iyon. Hindi niya rin gusto ang pagkakahawak ng dalaga sa kamay ng binata.

Dinukot niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang cell phone niya at tinawagan si Logan. Nakita niyang himbis na bitawan nito ang kamay ni Paige ay ang kaliwang kamay nito ang ginamit nito sa pagsagot ng cell phone nito.

"Hello, Logan," pilit niyang pinasigla ang boses niya.

"Ah, Crayon. Good thing you called. Pasensiya ka na pero hindi na kita nahintay. Tinawagan ko na si Ate Ellie. Siya na ang maghahatid sa'yo pauwi."

Agad na nagprotesta ang kalooban niya. "Pero sabi mo manonood tayo ng sine. N-nasa'n ka ba?"

Matagal bago sumagot si Logan. "We can still watch the movie next week. Wala na ko sa Empire. I have something more important to do today."

Nasaktan siya. Bukod sa ngayon lang nagsinungaling ng matindi si Logan sa kanya, ngayon lang din siya nito ipinagpalit sa iba.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iyak ay isang panyo ang sumulpot sa harap niya. Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaking nagmamay-ari niyon. Kilala niya ang binata. Kaklase ito ni Antenna pero hindi niya matandaan ang pangalan nito. "Ikaw na naman?"

"Hi, Crayon. If you remember me, I'm Riley. I'm HELL – hey, where are you going?"

Hindi niya pinansin ang lalaki at tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Crayon! I exist, stop ignoring me!"

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon