Chapter 23

12.4K 163 7
                                    

Alyssa's POV

Ngayon ang huling araw na makakasama ko sya. Ewan para akong pinapatay, sa bawat pag gising ko araw araw pakiramdam ko, wala na ang saysay ang buhay. Madaming nag bago, simula ng mawala si Den. Naging tahimik ang dorm at parating walang tao. Ako? Tulala at naging bato, tipid magsalita at hindi kumakain.

" Aly are you ready? " tanong ni Ella, at hindi ko alam kung bakit at bigla na lang pumatak ang mga luha ko sa kawalan at sinigawan ko sya

" Kailan pa ako naging handa ha? Ililibing na yung mahal ko tapos sasabihin mo sakin kung handa na ako? Baliw ka ba? Ha? " sigaw ko, nandito na ang lahat ng ALE, agulat ako ng bigla akong sinampal ni Ella

" Umayos ka nga, tandaan mo hindi lang ikaw ang nawalan pati kami rin. Pinipilit namin na maging okay, linalabanan namin ang kalungkutan at pilit na iniintindi ang sakit na nararamdaman mo. Pero Ly sobra ka na eh, hindi porket nawala si Den hindi mo na itutuloy ang buhay mo. " galit nyang sabi at umalis na sya kasama ng mga kateamates ko.

Ako? Napa upo habang umiiyak, takte Den bakit mo pa kasi kami iniwan? 

Pumunta na ako sa sementeryo kung saan ililibing si Den. Pag dating ko lahat sila naka puti, may mga lobong puti at kalapating puti. Hindi ko maisp na ito pala ang mahahantungan namin sa huli, ang pangrap ko kasi na hinihintay ko sya sa dulo ng aisle at naglalakad sya da senro ng mga mahal namin sa buhay at nakasuot sya ng napaka gandang gown, pero mali ang magiging huli pala namin eh sya yung naghihintay sakin sa dulo pero hindi para pakasalan ako kundi para masaksihan ko ang paglibing sa kanya kasama ng puso kong durog na durog. Hindi ko maisip na ito na ang huling araw na mahahagkan ko ang kabaong nya. Umupo ako sa harap at nag simula na ang seremonya, naka tulala lang ako pero nakikinig din. At simula na sa pag bibigay ng mensahe

" Good afternoon everyone " bati ni tito at tita

" Denden is my princess. I blamed her for how many years, sinisi ko sya sa kasalanang hindi nya ginawa. Pinaramdam ko sa kanya na hindi ko sya mahal at kinamumuhian ko sya, but deep inside? I really missed my princess. One time, she confronted me, she bursted out the pain. Doon ako natauhan nung nagkasagutan kami, dun ko narealize that I am the worst father. Ive never been a good father to her, marami akong kasalanan sa kanya, but she managed to forgive me. " umiiyak na sabi ni tito

" Well shes a perfect daughter, wala ka ng mahihiling pa kung maeron kang isang anak na katulad ng Dennise ko. " sabi ni tita, she break down kaya agad syang iniupo, ang susunod naman sy si Jess

" Hello po, alam ko po na ang ilan sa inyo ay hindi ako kilala. Ako po ang matagal na nawalang kapatid ni Ate Michelle, naalala ko po nung bata kami, pag inaaway ako ng mga kaibigan ko ipagtatanggol nya ako. Parati nya akong pinagluluto at parati kaming sabay matulog at sabay sa lahat lahat. Ate Mich, paano na po ako? Sino po ang magiging taga pagtanggol ko? Maduga ka Ate Mich, iniwan mo kami pero Ate mawala ka man physicaly mananatili ka sa puso at isipan namin Ate. I love you at miss na miss na kita " sabi ni Jess, at umiyak na. Ako na dapat ang susunod ng may humawak sa wrist ko, si Dzi pala

" You dont need to do it " sabi nya

" I have to " sabi ko at kinuha ang myc at tumayo sa harapan ng mga taong naiwan ni Den na luhaan at isa naman ako dun

" Ang iba po dito ay hindi alam kung ano ko si Den, so ako po ay girlfriend ni Den. Maraming mga tao ang nanghusga sa relasyon na meron kami. Isa lang po ang masasabi ko sa girlfriend ko, shes perfect. She is willing to sacrifice everything even her happines just to make sure that I will be okay. Sya po ang klase ng tao na kahit gaano sya kayaman at kahit sya ang mas nakaka angat hindi sya nang aapak ng tao. She is also a mysterious person, ayaw nya kasi na shineshare ang problem nya kasi feeling nya pabigat sya. " sabi ko habang patuloy sa pag patak ang aking mga luha

" Sabi ko dati, hindi ako maiinlove sa girl. Pero, hindi ko pala matutupad yan. Nung nameet ko sya, I thought magiging kaibigan ko lang sya. Pero sabi nga nila love is unexpected. Sa araw araw namin magkasama, unti unting nahulog ang loob ko sa kanya at dun nagsimulang magkakulay ang buhay ko. But now that shes gone? Naging balck and white ang kulay ng buhay ko. Naging bato ang puso ko. Baby ko, sabi mo hindi mo ako iiwan? Pero bakit nagyon andito ako nakatayo sa harap nila na durog na durog ang pagkatao ko? Sa pagkawala mo, tinangay mo ang buong puso ko at ang isang Alyssa Valdez na nakilala nila. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong gumising sa pag sikat ng araw dahil alam ko nanaman na wala na akong dahilan para gumising pa. Baby blue eyes ko, kahit anong mangyari mahal na mahal kita " sabi ko, tinulungan naman ako ng mga kateammates ko. Ibinigay sa amin ang roses

Habang hawak ko ang rose phigpit ng pahigpit ang hawak ko dito. Dahilan na para masugat at dumugo ang kamay ko, pero wala na akong nararamdaman kundi ang hapdi ng sakit sa pag kawalan ng taong mahal na mahal ko. Palapit na palapit ang pag baon kay Den sa lupa pahigpit na pahigpit ang hawak ko sa rose. Kasabay na pag patak ng dugo ang pag patak ng luha ko na puno ng hapdi. Feeling ko, unti unting pinipilipit ang puso ko sa sakit. 

" Aly tara na, magpahinga na tayo. Gagamutin pa natin yang kamay mo oh " sabi ni Dzi, tumingin ako sa kanya at tumingin sa harapan ko. Wala na dun ang puting kabaong, ang nakikita ko lang ang baging tabon ng lupa. Pumunta ako dito at hinuhukay ito

" Alisin nyo dito si Den, alisin nyo sya dito " sabi ko habang umiiyak, agad naman akong pinigilan ni Gretch at Dzi

" Aly tama na " sabi nila

" Ano ba kayo? Hindi pa patay si Den, bakit nyo sya inilibing jan? " sigaw kong sabi sa kanila, patuloy lang ako sa pag hukay habang umiiyak ng sumigaw si Dzi. Itinayo nya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko

" Ano ba Aly? Wala na si Den, naiintindihan mo ba yun ha? Patay na si Den, hindi na sya babalik. Wala na si Den dahil patay na sya " sigaw nya habang inaalog ako. Ako naman nakatingin lang ng deretso sa kanya

" Dzi bitaw na " sabi ni Fille at binitawan nya ako

Agad akong tumakbo papuntang sasakyan ko. Narinig kong tinawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Nag drive lang ako ng mapadpad ako sa burol. Bumaba ako at isinigaw ang pangalan ni Den

" DENDEN KO " sigaw ko inulit ko iyon hanggang sa mapa upo ako

" Ang sakit! Ang sakit sakit " sabi ko habang hinahampas ko ang dibdib ko.

Lord, ipinaranas nyo sakin na maging masaya pero babawiin nyo rin po pala agad. Sana po sa una pa lang kinuha nyo na si Den. At kung sana po nasa isang panaginip ako gisingin nyo na ako dahil baka hindi na ako magising dahil sa bangungot na ito. Sabi nila hindi lahat may happy ending, pero bakit kami nasali dun? Ang unfair lang kasi, si Den okay na sya sa kinalalagyan nya ngayon samantalang ako durog na dusrog na halos wasak na wasak na ang pagkatao ko. Bakit kasi sa kadami dami ng taong pwedeng kunin, yung taong mahal na mahal ko pa? Ganun po ba ako kasama para ipagkait sakin ang kaligayahan na aking inaasam? Sa bawat galaw ko kaakibat nun ang sakit at bakas ng sugat na iniwan ni Den sa puso ko. Iniwan man nya ako, mahal na mahal ko pa rin sya. 

Sa buhay po natin may mawawala, depende kung mapapalitan iyon. Ang kailangan natin ay tanggapin at tiising ang hapdi at gamutin ang sugat na iniwan ng mga mahal natin sa buhay na pumanaw. Si Den, sya nag nagparamdam sakin ng tunay na kaligayahan, sya ang nagbigay ng kahulugan sa buhay ko. Sya ang naglabas ng tunay na Alyssa na naglalahad ng storya sa inyo. Ang buhay ko ay walang kulay kung wala sya, pero gaya ng ng sabi ko kailangan tanggapin ang lahat. Hindi matatapos ang pagmamahalan namin dahil lang sa pumanaw na ang isa. Sabihin na nting hindi na tumtibok ang puso nya pero alam ko na nakaukit ang pangalan ko dun at hinding hindi mabubura yun ng kahit sino man. Ganun din sya sa kin, maaaring hindi ko na sya nakikita, nahahawakan at nakaka usap pero kahit ganun hawak hawak ko sya sa puso ko habang buhay.

Eternal Love feat AlyDenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon