Chapter 14

10.7K 177 19
                                    

Ella's POV

Tsutyal may POV ako, dapat lang noh sa ganda kong toh gagawin lang supporting cast? Asan ang hustisya? Anyway, three days na ang nakaraan simula nung nakakalokang surprise ni Besh Ly kay Besh Den. Uber sa effort tong si Baldo eh, halos ubusin ang pera pero okay lang may food eh mehehehehe. At sa loob nga ng tatlong araw na yun, aba! hindi na maalis si Den kay Aly, parating nakadikit akala mo mawawala. Ewan ko ba dun, ang weird.

" Aly samahan mo naman ako sa labas usap tayo " pag aayaya ko kay Aly

" Ah sige tara " sabi nya, palabas na sana kami ng biglang nag salita si Den

" Babe sama ako " sabi nya sabay pout, ang cute talaga nito, inaamin ko sa aming tatlo sya ang pinaka cute pero ako ang pinaka maganda noh!

" Den mag uusap lang kami, hindi ko nakakawin tong Phenom mo, yuck! " sabi ko

" Hoy Ella, lalo namang ayokong mapasayo ang ganda ganda ng girlfriend ko oh tas ang ipapalit ko sa isang chubby cheesedog? " sabi ni Aly, lakas talaga mang asar nito tumawa lahat ng teammates ko narinig nila eh sa lakas ng boses ni Aly -_________-

" Bakit? Maliit din naman si Den ah? " tanong ko

" Mas maliit ka naman at sexy ako no, may abs pa eh ikaw? " pang aasar ni Den sabay belat

" Meron din akong abs pakita ko pa sayo baka maging bagong version ng bulaklak ng makahiya yung abs mo sa abs ko " pag yayabang ko

" Pakita nga!!! " sabay sabay nilang sabi

" Aly usap na tayo " sabay hila kay Aly

" EEh sama na kasi ako " sabi ni Den

" Jan lang kami babe, balik agad ako " sabi ni Aly sabay kiss sa forehead ni Den

" Hoy Ella asan yung abs mo? " tanong ni Dzi

" Ayun natakpan ng tabs " asar naman ni Gretch, tawa naman silang lahat -________-

" May abs ako no, mamaya ireready ko pa yung six pack ko " sabi ko sabay hila palabas kay Aly

Pumunta kami dun sa mini sala sa labas haha diba meron?

" Aly wala ka bang napapansin kay Besh? " tanong ko

" Madami, madalas ko syang nakikitang umiiyak and tulala. Ewan ko ba dun, hindi naman sya nag oopen sakin sabi nya wala lang daw " sabi nya

" Sigurado akong may problema yun, hindi sya basta basta umiiyak. Tapos kung makakapit sayo akala mo mawawala ka sa kanya " sabi ko

" We need to find it out, hindi nya pwedeng sarilihin lang yung problema nya " sabi ni Aly

" How? " tanong ko

" I dont know, maybe we need to convince her to say it " sabi nya

Tumango lang ako at bumalik na kami at pag dating dun ayan nanaman ang mga bully

" Oh Ella were waiting for your abs " pang aasar ni Fille

" Tulog pa sila " sabi ko

" Sus! Hindi na lang kasing aminin na tabs ang nanjan at hindi abs " pang aasar naman ni Greta

" Hoy lovers umayos kayo ah! " sabi ko

Kunwari nagtampo ako, pumunta ako sa kwarto namin, inisip ko ang problema ni Den tsk napaka mysterious naman ni Den eh!

Eternal Love feat AlyDenWhere stories live. Discover now