Chapter 26

2.7K 79 4
                                    

Kimberly's POV

*riiiing riiiiing

"Hello?" matamlay kong sagot. Kakagising ko lang kasi.

[Nagising ba kita? Sorry.]

Napabalikwas naman ako ng marinig kung kaninong boses yun. Tinignan ko yung caller ID at siya nga yung tumawag. Si Ace!

"Hindi ahh." sabi ko naman. Waaahhh. Nakakahiya!

[Mag-ayos ka na. I'll be there in 10 minutes. May date tayo.]

"Weh?!" sigaw ko

[Oo kaya mag-ayos ka na. Bye. I love you.]

"Okay." sagot ko naman

I hung up the phone atsaka dumiretso sa CR. Waaahhh. Bat naman siya ganun? Bat nanggugulat siya? Nakakainis naman oh!

Mabilis lang naman akong natapos maligo. Naeexcite kasi ako so wala na akong time para makapagmuni.muni.

Nagbihis na rin naman agad ako. Kaya lang di ko naman alam kung ano isusuot ko. Dress ba kailangan?

Sige na nga mag dress nalang ako.

Kinuha ko na yung dress na color yellow then nag doll shoes na ako.

*knock knock

"Anak nandito si Ace."

Kinabahan naman ako bigla ng sabihin ni Mama ang pangalan na yun.

"Okay po." yan nalang ang nasagot ko

Bumaba na rin agad ako pagkatapos kong mag-ayos.

"Kanina ka pa?" I asked

"Hindi naman. So ano let's go?" tanong niya

Tumango naman ako.

"Sige po tita alis na po kami." sabi ni Ace

Legal po kami both sides. Pero ang alam nanliligaw. Eh totoo naman manliligaw ko lang siya. Hahahaha!

Umalis nanaman kaming dalawa. Sumakay na ako sa kotse niya.

"Bakit ganyan lang suot mo?" I asked him. Panu ba naman ako todo dress tas siya naka maong pants then t-shirt.

"Bakit? Ano ba kailangan suot ko? Ikaw bat nakadress ka? Pwede ka namang magshort eh."

Mukang natatawa naman siya dahil sa suot ko. Bad trip!

"Malay ko ba kung saan tayo pupunta?! Ha?!" sigaw ko sakanya. Hindi niya naman kasi ako sinabihan kung saan kami pupunta eh.

"Sa park lang tayo eh." sabi niya naman na tumatawa

Dun lang kami?! Bad trip naman!

"Waaahhh! I hate you." sabi ko at tumingin na sa labas habang nakapout

Hindi nanaman siya nagsalita hanggang sa makarating kami dun sa park.

"Ang yaman yaman mo dito mo ko idedate. Nakakainis ka!" sigaw konat hinampas ko siya sa braso

"Malay ko bang excited ka pala kaya nagdress ka."

"Bahala ka diyan." sabi ko at nauna ng maglakad

"Psh! Ito naman nagtampo. Kahit ano pang suot mo okay lang yan. Ang mahalaga magkasama tayo." sabi niya at hinila ako papalapit sakanya sabay yakap

"Nakakainis ka kasi eh." niyakap ko rin naman siya

"Tara na! Magdedate pa tayo." sabi niya naman at hinawakan ang kamay ko

-----

Kyra's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama. Nandito si Yuri at hawak ang kamay ko.

"Saan mo gusto magdate?" tanong ni Yuri sakin

"Sa kahit saan. Basta kasama ka." sabi ko naman

"Eh di dito nalang tayo sa bahay mo. Babantayan kita."

"Yuri di ka ba natatakot na mawawala rin naman ako sayo?" tanong ko out of nowhere

"Ano ka ba. Hindi ka mawawala."

"Yuri naman, diba sabi ko hindi ako.magpapaopera. Ayoko. Kasi naman mawawala rin ang ala-ala ko noh." sabi ko naman at hindi ko na napigilan ang umiyak

"Wag ka ngang umiyak. Please Kyra nagmamakaawa ako sayo magpaopera ka na. Mahal na mahal kita. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka sa buhay ko. Hindi ko talaga alam." umiiyak na rin siya habang hawak ang kamay ko

Hindi naman ako sumagot. Niyakap niya ako.

"I love you. Mabuhay ka para sakin. Kahit wala ka ng ala-ala I'll still love you and I promise na hindi kita iiwan. We'll make a new memories together." sabi niya naman habang nakatingin sa mga mata ko

Hindi ko alam ang isasagot ko. I'm confused. Hindi ko alam ang gagawin ko. Unti unti na ring bumibigay ang katawan ko. Parang di na kayang lumaban.

"Kyra, I'll love. Kahit kamatayan di tayo mapaghihiwalay." bulong niya at hinalikan ako sa noo

Kahit pala ganto ako at may sakit. Mahal niya pa rin ako noh.

=====

"Kuya, buo na po ang desisyon ko. Magpapaopera na ako." sabi ko kay Kuya Jayson

"Sure ka? Totoo ba yan?!" natutuwang tanong niya

"Oo." sagot ko

"Bukas na bukas din iaarrange ko na ang flight natin papuntang america."

"America?"

"Oo sa america. Dun ka papaoperahan para mas maganda."

Tumango naman ako. Mag-intay ka lang Yuri babalik na rin sa dati. Makakasama mo na rin ako ng mas matagal. Kasi mabubuhay ako para sayo.

====

Kasalukuyang nasa airport kami ngayon. Pero hindi ko pa sinabi kay Yuri tong balak ko. Hindi niya alam na aalis ako ngayon.

"Let's go Kyra?" tanong ni Kuya sakin

Tumango naman ako. Ito ang tama diba? Iintayin mo ko diba?

*bzzzt bzzzt

From: Yuri <3

'Good Morning! I love you.'

Hindi ko na napigilan at napaiyak nalang ako. After ng operation ko di ko alam kung magiging successful ba ito. Basta ang alam ko gusto ko mabuhay.

----

Yuri's POV

"Nasaan siya?" tanong ko sa isang babae na lumabas sa bahay nila Kyra

"Sir umalis na po sila. Papunta po sila ng Amerika ngayon dahil magpapaopera po si Mam Kyra."

"Ano ho?!" sigaw ko

Tumingin siya sa orasan niya.

"Nakasakay na nga ata yun sa eroplano eh. 8 am na kasi. Kanina pang 7:30 am take off nila eh."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Bat di man lang niya ito sinabi sakin? Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat lahat? Bakit ngayon lang?

Pumunta agad ako sa school at naabutan ko sila dun na masayang nagke-kwentuhan.

"Alam niyo ba?" tanong ko agad sakanilang anim

"Ang alin Yuri?" tanong ni Adrian

"Na ngayon ang alis ni Kyra?" mukang nagulat naman sila sa sinabi ko

"So alam niyo nga pero di niyo man lang sinabi sakin?!" sigaw ko kaya napatingin na ang iba sakin

"Pasensya na nagpromise kami eh. Sabi niya kasi ayaw niyang mag-alala ka pa. Mahal ka raw talaga niya kaya gusto niya mabuhay pa." sabi naman ni Yrbua

"Ito pa pinapabigay niya yan sayo." sabi ni Nichole sabay abot sakin ng isang USB

-----------

Malapit na matapos. Waaahhh!

Okay lang ba kung gawan ko ng chapter 2? Comment naman kayo xD

Gagawa ako ng chapter 2 o hindi? Dali comment!

Oh ano ayos ba chapter na to? Hahaha! Salamat sa mga sumusuporta!

The Secret HeirsWhere stories live. Discover now