Chapter 21

2.7K 86 2
                                    

Yrbua's POV

Ang sakit! Alam niyo ba yung time na sinet up ko sila ni Mikaella ni Adrian. Ewan ko pero ang sakit! Promise :(

"Hindi na pala si Adrian at Mika eh. Mismo nung araw na sinet up mo sila di na sila nagkabalikan." pagke-kwento ni Kim

"What? Pero bat wala namang sinasabi si Adrian sakin?" tanong ko naman

Diba dapat sasabihin niya yun sakin? Sasabihin niya na hindi siya binalikan ni Mika. And dapat nangungulit siya sakin!

"Oh bat natulala ka diyan?" tanong niya

Umiling naman ako. What the! Bat hindi ko kasi alam?!

"Teka lang ah. Pupuntahan ko lang si Adrian!" sabi ko sabay takbo palabas ng bahay

Pinuntahan ko agad si Adrian sa bahay nila.

*knock knock

"Oh? Bat nandito ka Yrbua?" tanong niya sakin habang nakangiti

"Bat di mo sinabi sakin na hindi na kayo nagkabalikan? Bat nung tinanong kita ang sabi mo okay lang kayo?" tanong ko sakanya. Halatang nagulat naman siya ng sabihin ko yun.

"Sa-saan mo naman narinig yan?"

"Hindi na mahalaga kung saan. Sagutin mo nalang ang tanong ko. Kayo pa ba?!" sigaw ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit.

"Hindi na kami. Nung araw din na yun."

"Pero hindi ka na ulit nagtry? Bakit? Bakit hindi ka niya mapatawad?!" sigaw ko. Naiinis ako kay Mikaella. Hindi niya ba nakikita yung effort? Ibang tao na si Adrian. Ni hindi na nga nakikipag fling sa mga babae. Siya na mismo ang umiiwas. Kung sana alam niya lahat diba?!

"Kasi may iba na akong mahal kaya hindi na kami nagkabalikan." Ouch </3 May mahal na siyang iba?!

"Kaya ka iniiwan eh!" sigaw ko sabay alis

Sino naman yung mahal niya? Magpapatulong nanaman siya sakin? Sasaktan nanaman niya ako?! Bat hindi niya maramdaman na mahal ko na siya?! Packing siya!

Bigla namang may humila sa kamay ko.

"Bitawan mo nga ako. Please?!" sigaw ko

"Pa-pakinggan mo kasi muna ako." sabi niya naman

"Pakinggan? Ang landi mo talaga. Kaya nga nagsisisi ako na minahal kita eh! ALAM MO BA YUN?! NAKAKAINIS KASI IKAW PA SA DAMI NG LALAKI ANG MINAHAL KO. Minahal ko nanaman ang maling tao, katulad ni Brix." bigla akong napaataras ng matauhan ako. Umiiyak na ako dahil sa mga sinabi ko. Siya naman nakatulala. Packing tape! Sinabi ko yun?!

Wala na akong alam na gawin! Kailangan ko ng makatakbo paalis dito. Tumakbo na ako paalis. Hindi niya ako pinipigilan. Siguro ito na yung sagot. Ayaw niya sakin!

Pinuntahan ko naman si Kyra sa bahay nila.

*ding dong

"Oh bat nandito ka?" tanong ni Yuri, siya kasi yung nagbukas ng pinto para sakin.

"Si Kyra?" pinipigilan kong umiyak

"Tara pasok ka."

Pumasok naman ako sa loob and nakita ko siya na nakaupo dun sa may garden nila. Umupo ako sa tabi niya habang pinipigilan ang iyak ko.

"Nasabi ko na." paninimula ko

"Ang alin?" tanong ni Kyra

"Nasabi ko kay Adrian na mahal ko siya. Hindi ko sinasadya. Nagulat din ako." hindi ko na napigilang di umiyak. Nasasaktan din kasi ako eh.

"Anong sabi niya?" tanong ni Kyra

"Natulala lang siya sakin then hindi na niya ako hinabol." naiiyak kong sabi

"Ano?! Wag ka nga umiyak. Ano naman kung hindi ka gusto diba? Hayaan mo na siya." sabi ni Kyra then pats my head

=======

Magkakasama kami ngayong walo. Naging close na rin kasi kami sa isa't isa. Wala pa si Adrian, kaya medyo okay pa para sakin.

"Oh nandiyan na pala si Adrian eh." sabi ni Ace

Shocks! What to do?!

Tumingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin sakanya.

"Yrb----"

"Guys, may gagawin pa pala ako. Bye." sabi ko sabay takbo. Ayokong marinig kung ano man ang sasabihin niya.

Bat ba kasi ako umamin?! Bad trip naman eh.

"Yrbua!" shiz! Hinabol pa ako!

"Bakit? Bu-busy ako eh. Yung sinabi ko say-yo nung isang araw kalimutan mo na yun. Hahaha." sabi ko at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko

"Teka lan-----"

"I have to go." pagputol ko sakanya at tumakbo na ako palayo sakanya

Ayokong marinig kung ano mang.sasabihin niya sakin. Ayokong masaktan.

--------

Adrian's POV

Hindi man lang niya ako hinayaan na mag-explain sakanya.

Kung alam niya lang na siya ang tinutukoy ko eh. Hindi naman ibang babae.

Nagda-drive ako ng may mapansin akong pamilyar na babaeng naglalakad sa may tabi ng daan.

Tinabi ko ang sasakyan at nilapitan siya.

"Ahhh---- Adrian?!" sigaw niya

"Kausapin mo ako!" sigaw ko kaya napatahimik siya

"Ayoko nga! Sabi ko diba kalimutan mo na yung sinabi ko sayo?! Hindi na kita gusto at hindi na kita mahal!"

"Ha? Bakit?" hindi na niya ako mahal? Agad agad?!

"Bakit? Kasi ayoko sa tulad mo kaya layuan mo na ako! Ayoko na masaktan! Please? Ayoko na ulit mainlove sa mga katulad mo na walang ibang alam kundi ang magpaiyak ng babae!" sigaw niya habang umiiyak

------

Yrbua's POV

Hinila niya ako at hinalikan sa labi. Hindi naman ganun katagal. Pero tama na para mapalaki ang mata ko.

*Slap!

"Bat mo ginawa yun?! Hindi ako isa sa mga laruan mo kaya tigilan mo ko. Parang awa!" sigaw ko habang umiiyak

"Ayoko! Hindi ako titigil." sigaw niya

"Tumigil ka na. Please?! Isipin mo naman sana na friendship natin ang nakasalalay dito. Wag mo naman sana sirain."

"Balak kong sirain ang friendship natin."

Bakit ganun?! Lahat ba ng babae para sakanya laruan?!

"Balak kong sirain kasi gusto kong maging in a relationship na sayo."

What did he say?

------------------

Hanggang dito muna. Sabaw na sabaw! Hahaha!

Comment comment guys!

Sorry di nakapag-update agad. Nabusy lang :D

Basahin niyo na! Pati yung 'My Jerk Husband' Mag comment din kayo dun. Kamsamnida!

The Secret HeirsWhere stories live. Discover now