Chapter 15

3.1K 83 0
                                    

Kimberly's POV

"Salamat po ulit Lola." sabi ko bago kami tuluyang umalis

Hinatid na muna ako ni Ace sa bahay.

"Saan ka galing anak? Bat di ka umuwi?" tanong ni Mama sakin pagkita niya samin ni Ace

"Nakitulog po muna ako sa ibang bahay. Kasi sobrang lakas ng ulan." pagpapaliwanag ko naman

"Sino to anak?" tanong ni Mama

"Si Ace po. Siya po yung nakasama ko kahapon. Nasprain din po kasi ako kagabi eh." pagpapaliwanag ko naman

"Hello po." sabi ni Ace

"Salamat sayo Ace ah. Naku, mukang pwede na kitang pagkatiwalaan. Alam mo naman tong anak ko eh palihim tong tanga. Well, hindi pala palihim. Tanga pala talaga."

"Ma!"

"Totoo naman ah." sabi ni Mama

Syempre tumatawa tong panget na katabi ko.

Nagbihis na muna ako then nagpaalam na ulit kami ni Ace. Siya naman ang sasamahan ko na magpalit ng damit, kasi pupunta kami kayla Yrbua.

Mayaman nga talaga sila. Ang ganda ng bahay nila eh.

"Ace! Anong nangyari? Bakit di ka umuwi?" whoah! May nagbato ng unan. Muntik na akong tamaan!

"Oh! Sorry. May kasama pala si Ace. Hahahaha. Ako pala si Melissa, ate nitong panget na to." sabi niya, maganda siya at makulit. Hahaha.

"Hello po!" sabi ko naman

"Magpalit ka na Ace, bago ka pa makita ni Papa. Bilis." dahan dahan namang umakyat si Ace papunta sa kwarto niya

"Anong bago makita?! Nakita ko na siya! San ka nagpunta kagabi ah?!" sigaw ng isang matandang lalaki at binatukan siya sa ulo

"Pa! Masakit! Atsaka may kasama ako oh." sabi naman ni Ace sabay turo sakin

Tumingin naman sakin yung Papa niya kaya kinilabutan ako. Baka batukan din ako eh.

"Ayy! Sorry. Have a seat Miss?"

"Kimberly po." sagot ko naman

"Sorry sa attitude ko, ganun talaga ako. Makulit kasi si Ace eh. Sobrang kulit!" pagke-kwento sakin ng papa niya

"Oo nga po eh." sagot ko naman

"Buti at nagkaroon pa yan ng babaeng kaibigan eh ang sungit niyan." sabi naman ng ate niya

"Oo nga po eh. Sinungitan na rin po ako niyan. Nabangga ko siya sa mall then sinigawan ako. Buti nandun si Janice."

"Ahh si Janice yung kababata nila. Yun lang ang naging babaeng kaibigan nun. Siguro dahil napakaintrovert niya. Kaya yan bilang lang sa kamay kaibigan." sabi naman ni ate Mel

"Ano nanamang kine-kwento mo ate? Wag niyo ibrain wash yang babaeng yan! Sige na, aalis na kami. May lakad pa kami." sabi ni Ace. Shocks! Ang hot niya tignan! Hindi! Erase! Hindi siya hot!

"Sige! Ingat." sabi ng papa niya

Lumabas na kami then pinadala niya yung kotse niya sa isang driver. Sumakay nanaman ako sa front seat.

"Ang yaman niyo pala talaga. Parang ang sarap tumira rito." sabi ko naman habang paalis kami

"Hindi rin noh. Laki laki ng bahay mo tas minsan ako lang naiiwan with maids. Hindi kaya maganda!" protesta naman niya

Oo, malaki kasi talaga yung bahay nila! Hahaha!

========

Nakarating na rin kami kayla Yrbua. Hindi naman nakasarado yung door kaya pumasok na ako sa loob. Ganun talaga kami.

The Secret HeirsWhere stories live. Discover now