ii

174 4 1
                                    

At isang malakas na palakpakan ang aking narinig mula sa kanila. Napangiti naman muli ako dahil lubos kong ikinatutuwa ang atensyong ibinibigay nila na para lang sa akin.

Nang makababa kami ni Papá, agad kong ibinuklat ang aking pulang abaniko, marahil na rin sa laki nito, natakpan nito ang halos kabuuan ng mukha ko. Ang mga masisingkit kong mata na lang ang natitirang nakikita ng mga tao.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga bisita (na tanging si Papá lang ang naganyaya) na nakapaligid sa akin.

Matatalim ang tingin sakin ng mga dalagang nagsipunta rito sa piging. Ni hindi ko pa nga kinakausap ang mga malditang iyan, pero akala nila kung sino sila upang magsikilos ng ganyan sa akin. Inirapan ko na lamang sila at tumingin ako muli sa ibang dako naman.

May mga dumating rin namang mga binata rito. Lahat sila'y mayroong dugong Kastila katulad ko; mga mapuputing kulay ng balat, matatangkad, matatangos ang mga ilong at mga mapupungay na mga mata.

Hindi ko ikakailang naguumapaw sa kaguapuhan ang bahay namin ngayon dahil kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ay may makikita at makikita kang ginoong kayang patibukin ang puso mo.

"Buenas noche, Binibining Claudia. Maaari bang ikaw ay aking makausap?" Nagulat akong nang biglang nagsalita iyong malalim na tinig mula sa aking likuran. Nang lumingon ako, halos mahimatay ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Mabuti na lang at may abanikong nakatakip sa aking mukha, kung hindi lagot na.

Naramdaman ko na lang bigla na uminit ng todo ang aking pisngi, napalihis ako ng tingin at naglakad ako papalayo sa kanya ng unti.

Isinara ko ang aking abaniko sa isang kumpas lang, at saka ako tumingin sa kanya't napangiti ng unti. "Maaari naman, Ginoo, ngunit kung mamarapatin mo sana'y lumayo ka ng kakaunti sa akin."

May ilang hakbang siyang ginawa at nasiyahan ako roon. "Pwede na ba ito, Binibini?"

Tumango ako sa kanya at sinuklian naman niya ako ng isang matamis na ngiti, at biglang may nabuong mga biloy sa kanyang magkabilang pisngi.

"Binibini, ako'y magpapakilala na sa iyo. Ako si Julian Velez y Ronquillo, kagagaling ko lang mula sa España kahapon at inutos ni Papa na ako'y dumalo rito kapalit niya."

"Sandali lamang. Ang iyong pangalan ay parang pamilyar sa aking tainga. Ikaw ba'y a-----"

At naputol ko ang aking sinasabi dahil biglang pumasok si Papá sa aming paguusap. Tumabi siya sakin at niyakap akong muli.

"Ginoong Julian, aking ipapakilala pa lamang sana ang aking anak sa iyo ngunit naunahan mo na pala ako. Kamusta ang inyong paguusap? Nakikipagpalitan ba ng salita ang aking princesa sa iyo?" At napatawa naman silang dalawa. Doon ko napagmasdan ang ginoo sa aking harapan.

Ang buhok niya'y hindi kaitiman na umaalon na umaabot hanggang sa batok niya, ngunit maayos itong nalagyan ng pomada kaya't mukha siyang prinsipe. Napakatangos rin ng ilong niya at napakahaba rin ng kanyang mga pilik-mata. At ang kanyang mga ngiti, Oh Dios mio pakilayo mo ako sa nagbabadyang tukso.

"Mi hija, huwag mo namang titigan ang Ginoong Julian ng ganyan. Baka siya'y matunaw dahil sa ginagawa mo." Nanlaki ang mga singkit kong mga mata nang sinabi iyon ni Papa, at agad akong umiwas ng tingin at napatakip ng abaniko.

"Hi-Hindi ko po siya tinititigan, Papá. May iniisip lang po ako kung kaya't hindi ko namalayan na ako ay nakatingin na pala sa Ginoo."

Nakita ko naman sa aking panggilid na paningin na napangisi si Julian. Napakaguapo naman talaga niyang Ginoo.

"Bueno, iyan ang sabi mo." Hinalikan naman niya ang noo ko sabay sabi ng, "Maiwan ko muna kayo ni Julian at ako ay babalik muna sa aking mga amigo."

Tumango naman kaming dalawa ng lalaking katabi ko kay Papa at nagsimula na siyang maglakad papalayo.

"Maaari bang sa azotea ninyo na lang tayo mag-usap, Binibini? Hindi ko na nagugustuhan iyong mga tingin ng mga binibini sa iyo." Napatingin na naman ako sa pwesto nila. Aba't iyon na namang mga ingrata na iyon. Kanina pa ako iniinis ng paguugali nila.

Tumango naman ako at nagumpisang maglakad patungo sa hagdan. Ngunit may nagmamadaling guardia personal na nakabangga sa akin, dahilan upang muntikan akong matapilok.

Nahawakan ni Julian ang aking braso at mabilis akong itinayo. Nanghingi siya ng paumanhin para sa paghawak sa aking braso na agad ko namang tinanggap, pero nang tumingin ako sa paligid wala na ang guardia personal.

Naisipan na lamang namin umakyat pero nakita ko namang biglaang sumenyas si Papa na nakapagpatahimik na naman muli sa mga bisita.

"Dumating na ang Punong Heneral at ang tanyag na Batang Heneral. Buksan na ang pinto nang sila ay makapasok."

Napatingin naman ang lahat, kasama ako, sa may malaking pintuan ng aming bahay. Tumambad sa amin ang dalawang nagkikisigang lalaki. Pareho silang nakadamit pang heneral, ngunit mas marami lang chapang nakadikit ang uniporme ng mas nakakatandang lalaki.

Marahil siya ang Punong Heneral na sinasabi ni Papá.

Nang tingnan ko sila ulit, doon ko na sila tuluyang pinagmasdan. Ang Punong Heneral ay parang kasing-edad ni Papa, marahil mga nasa singkwenta. Sa tingin ko siya ay isang Filipino na may lahing Instik dahil na rin sa kanyang mga mata at manilawnilaw na kutis.

Samantalang ang isa naman ay hindi mo makakailang mestizo. Nariyan ang kanyang matangos na ilong, malatsokolateng kulay ng buhok at maputing kutis. Guapo rin ang heneral na ito.

Nagulat na lang ako ng magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya ng bahagya sakin at iniyukod ang ulo ng saglit.

Natitiyak ko na sa oras na iyon, biglang tumalon ang puso ko at sumabay sa tibok ng sa kanya.

--------------------

guapo- spanish term para sa pogi/ gwapo

Mestizo- kalahating Filipino at Kastila

Guardia personal - bodyguard noong panahon ng Kastila; tanging mga pamilya lang na nabibilang sa alta sociedad ang pwede magkaroon nito

Oh Dios mio - Oh My God


----------------------------------

Hi @YellowLock nagandahan ako sa mga stories mo, and you're one of the reasons why i made this :)

Letters to the GeneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon