Let’s merge the two companies. At kapag dumating ang oras na hindi nag-workout ang merger, let’s take the company down. And if it works, then it works.

Umasa siya sa pangakong iyon. Pero si Anita na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi mag-workout ang merger. 

Sabi ng private investigator na inutusan niya, malaking pera ang kinukuha ni Anita mula sa kompanya at napupunta ito sa mga hindi malamang dahilan. At lingid sa kaalaman nina Arleigh at Lujille, nababaon sa malaking pagkakautang ang kompanya. Nagsimula na siyang mag-alala para sa mag-asawa.

Sinabihan lang ni Monique na ipagpatuloy ang imbestigasyon. At kapag sapat na ang impormasyong nakuha niya, isasampal niya kay Anita ang lahat.

Tiningnan niyang muli ang mga litrato ni Anita na kuha ng kanyang private investigator. Ngayon pinagsisisihan na niya ang desisyong ginawa niya noon.

“Sa’n mo ba ako dadalhin?” tanong ni Lujille habang kinakapa ang paligid. Nasa likod niya si Arleigh at inaalalayan siyang maglakad. Ramdam niya ang mga kamay nito sa balikat niya, at kahit nakapiring ang mga mata niya, alam niyang nakangiti ito.

“Basta. Maglakad ka a lang. darating din tayo d’on.” Sabi ni Arleigh. Pinipisil-pisil niya ang mga balikat ni Lujille. Hindi mapagilan ni Lujille na matawa sa kiliting nararamdaman niya.

“Kapag nalaman kong niloloko mo lang ako, humanda ka talaga sa ‘kin.” pabirong banta niya sa asawa.

“Hindi kita niloloko. Basta maglakad ka pa. Malapit na tayo.”

Pinipilit ni Lujille na hindi matapilok habang inaakyat ang hagdan patungong rooftop. Nakaalalay pa rin si Arleigh sa likod niya, hawak ang mga siko niya para maiwasan ang disgrasya. Binuksan ni Arleigh ang pinto at naramdaman na rin ni Lujille ang malamig na hangin.

“Malapit na talaga.” sabi niya.

She had no choice but to trust her husband’ words, kahit na masakit na ang mga paa niya sa kakalakad.

“Ready?” he whispered.

Ngumiti si Lujille. Kanina pa siya handa.

“Go.”

Tinanggal ni Arleigh ang piring sa mga mata ni Lujille, and her jaw dropped at what she’s seeing.

Bright lights. Buffet. Candlelight dinner. May isang lalaking nakatayo sa gilid at may hawak na violin. May tatlong waiter na nakatayo sa tabi ng buffet table. Marraming pagkain. Buhay ang maliit na apoy na unti-unting nagpapaliit sa kandila. Guuhit ang ngiti sa mga labi ni Lujille. Hindi niya in-expect ang ganitong sorpresa matapos ang lahat ng nangyari.

“Ang ganda…” sabi niya habang nakatingin pa rin sa set-up na candlelight dinner.

“Pinaghirapan ko ‘yan.” Sagot ni Arleigh.

Lumingon si Lujille sa asawa.

“Kailan mo pa pinlano ‘to?”

He smiled. “Mga isang lingo na rin. Mabuti naman at nagustuhan mo.”

“Kaya pala.”

“Ano’ng kaya pala?” he asked.

“Kaya pala panay ang lakad mo. May kina-cancel ka pang mga meeting para lang dito.”

He nodded. “I want this to be special.”

Namangha pa rin si Lujille sa ganda ng naikita niya. Ilang sandali lang ay naupo na sila ni Arleigh sa harap ng mesa. Nagsimula na ring tumugtog ang violinist ng kantang pareho nilang alam.

“Thanks for this.” sabi ni Lujille.

“It’s nothing. Bumawi lang ako sa iyo kasi ganito sana dapat ang naging birthday dinner ko.”

Nakita ni Lujille ang bahid ng lungkot sa mga mata ng asawa. Hinawakan niya ang kamay ito.

“Wag na nating balikan iyon. Ayokong isipin kasi masasaktan lang ako.”

Ngumiti si Arleigh. Gusto na rin niyang kalimutan ang lahat ng masasamang pangyayari sa buhay niya.

They spent the night together, bringing back old times and rekindling almost fading feelings. Over that candlelight dinner, they swore nothing can bring them apart.

Nagising si Nathan nang marinig niyang mag-ring ang cellphone niya. Isang text galing kay Arleigh.

Pare, salamat sa pagtulong mo. Alam kong hindi tayo okay at sana magkaayos na tayo. Masayang-masaya si Lujille ngayon. Ingat ka pauwi ha?

He slammed his hand on the steering wheel and cried hard. Tinulungan niya si Arleigh na i-set up ang candlelight dinner sa rooftop. Siya na rin mismo ang nagsabi sa kanya na huwag nang ipaalam kay Lujille ang parte niya. Wala nang dapat malaman si Lujille kung tutuusin.

At hindi niya alam kung bakit masakit pa rin sa kanya ang lahat ng ito.

He turned the key in the ignition and sped through the dark streets on his way home. He’s in too much pain to think of anything.

Ang mahinang tugtog ng violin ay nagsisilbing gabay para kina Arleigh at Lujille na magyakapan at sumayaw ng marahan. She buried her face in his chest, inhaling his scent, na para bang huling araw na niya ito kasama siya. Her arms are around his neck and she could feel his hold on her waist.

“Ayokong matapos ang gabing ito.” she said.

He smelled her hair. Kahit magdamag na silang magkasama, mabango pa rin ang buhok ni Lujille.

“We can make this last forever.”

She giggled. “Sige nga? May trabaho pa tayo bukas.”

He pulled away a bit. Pakiramdam ni Lujille na sumobra siya sa mga nasabi niya.

Pero mali siya. He cupped her face in his hands. Ramdam niya ang init ng mga kamay ni Arleigh sa kanyang magkabilang pisngi.

“Bukas pa iyon. Ang mahalaga ay ang ngayon.”

She was struck at the sound of his words. May laman ang bawat salitang binitiwan ni Arleigh. Pinanghahawakan niya ang mga iyon.

Hinalikan ni Arleigh ang noo ni Lujille. Pumikit si Lujille, dinama ang labi nito sa noo niya.

“Mahal na mahal kita.” sabi niya, looking into her eyes and feeling his heartbeat go wild inside his chest.

Then he closed the gap between their lips. Yumakap si Lujille kay Arleigh at nagpatangay sa agos ng mga emosyong nararamdaman niya sa ngayon.

Shotgun WeddingOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz