Pinagmasdan niya muli ang paligid. May ilang mga kagamitan nga roon. Medyo magulo rin ang kama hudyat na mayroong gumagamit. She wondered if Ysabel knows this place? Of course, yes! Tugon na rin niya sa sariling tanong. Pait ang sumaboy sa kanyang dibdib dahil doon.

"Ikaw pa lang ang dinadala ko rito..." ani Donny na tila narinig ang pipi niyang tanong.

Mabilis niyang binalik ang tingin dito. "I don't care!"

But she couldn't deny the relief she felt because of that information. Totoo naman kaya? Pero naalala niya ang sinabi ni Benjamin sa kanya kanina na nahihirapan si Ysabel na hagilapin si Donny. Imposible namang ganoon dahil magkalapit lamang ang bahay ng mga ito. Kung totoo ang sinasabi ni Donny sa kanya ngayon, this is where he's probably staying these days? Kaya hindi ito mahanap ni Ysabel?

Bigong suminghap si Donny at nag-iwas ng tingin. Naiinis siya dahil kahit pa ano'ng gawin ni Donny hindi talaga maapektuhan ang pagkamangha niya rito. His side profile is just so perfect. Manghang-mangha siya sa perpektong linya ng panga nito at tamang tangos ng ilong. Ang malalim nitong mga mata na mas dinedepina ng makapal na kilay ay hindi rin nabigong palundagin ng husto ang kanyang puso.

"Alam kong wala ako'ng karapatang hingin ito sa'yo, Liberty, pero...puwede bang mag-usap na muna tayo?" marahan at may buong pag-iingat nitong tanong.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pakiusap na iyon. Usap? Ano namang pag-uusapan nilang dalawa?

"Dapat sana kahapon...pero..." pinutol nito ang sarili. Nakitaan ng sakit ang ekspresyon ng mga mata nito.

Pero ano?

"W-We have nothing to talk about—"

"Liberty," napapaos nitong sinabi. "Iyong mga nasabi ko sa'yo noong—"

Ngumiti siya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. "What? You're going to apologize for it?"

"Oo," mataman nitong sinabi.

Dahil nasaktan siya ng katotohanang iyon? Hindi niya kailangan ang sorry nito kung ganoon. It wasn't his fault. At siguro mas ikakagalit niya pa kung nagsinungaling ito para lang pagbigyan siya.

"You're just being honest with your feelings, Donny. Wala kang dapat ihingi sa'kin ng sorry. If there's anyone who should apologize here, it's me. I'm sorry for being a nuisance."

Yumuko siya at pinagmasdan ang mga daliring kinukurot-kurot ang isa't-isa.

"I should've known it earlier. Hindi na dapat ako nag-confess ng feelings ko sa'yo. I knew that something special is going on between you and Ysabel. Now I just made you feel guilty b-because you can't reciprocate my feelings..." ngumisi siya kahit na humahapdi na ang paligid ng mga mata dahil sa pinipigilang luha. "Brat talaga ako."

Inabot ni Donny ang kanyang palapulsuhan bago marahang hinila palapit sa katawan nito. Tiningala niya si Donny. Naiwan ang isang braso nitong nakayakap sa kanyang bewang habang ang isang kamay ay masuyong humahaplos sa kanyang pisngi.

"I'm sorry, Donny, if I've been a pain these past few days. Now that I already know your true feelings...I will no longer bother you anymore."

Alam naman niya kung kailan siya dapat huminto. Hindi siya tulad ng iba na ipipilit pa ang gusto. It will hurt for sure but it's okay. Mas mainam na ito kaysa ang magulo niya ito at si Ysabel. Ayaw naman niya ng ganoon.

Abalang-abala siya sa pagmo-monologue niya. Hindi tuloy niya kaagad namalayan ang mas lalong padikit ng mga katawan at mukha nila sa isa't-isa. The tip of Donny's nose was almost touching hers. Nakakalasing din ang marahan nitong haplos sa pang-ibaba niyang labi.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now