P. 28 Akala

784 7 0
                                    

Akala
By: Brewed Writer

Nung isang gabing akala ko ay tayo na
Na parang walang ibang tao maliban sa ating dalawa
Dalawa tayong bumuo ng letra at numero sa ating alaala
Alaala natin na nasulat at naukit pa

Parang hampas ng alon na kay bilis ngunit napakasarap pakinggan
Pakinggan ang mga musikang ating kinagisnan
Kinagisnan nating pumunta sa dalampasigan
Sa dalampasigan kung saan alaala nati'y sinimulan

Nagsimula ito nung tayo'y bata pa
Pa-abot kamay mong ipinapakita na lahat saakin ay may halaga
Halagang akala ko'y pinahalagahan mo rin ngunit ako'y mali pala
Pala-isipan saakin kung ano nga ba ang meron sa ating dalawa?

Nagbago ang lahat nung iminulat ko ang aking mga mata
Matang nakatuklas na pag-ibig mo saki'y iba
Iba dahil nakita kong masaya ka sakanya
Sakanya mo nahulma ang alaalang ating ginawa.

—————————————————
Vote; Comment
Thank you 😘

Different PoemsWhere stories live. Discover now