P. 11 Ang Pagtatapos

1.1K 29 1
                                    

Ang Pagtatapos
By: Emotional Writer

Hunyo iyon noong pasukan kung aking natatandaan
Nasa loob ng apat na sulok na silid-aralan
Apat na pu't apat na magaaral ang kabilang
Sa panibagong istoryang muling masasaksihan

Nung una'y hindi pa sanay sa takbo ng istorya
Sapagkat mga kasama ay di pa lubusang kilala
Ngunit sa paglipas ng panahon at mga araw
Ang lahat ay naging komportable sa isa't-isa

Sa bawat araw at oras na magkakasama
Takbo ng istory ay patuloy na gumaganda
Hindi man maiwasan ang dumarating na problema
Sama-sama namang nalulutas na nagkakaisa

Silid-aralan ang nagsilbi naming entablado
Ibinahagi ang iba't-iba naming talento
Magkakaiba man ang aming kwento
Ang pangkat namin ay mananatiling buo

Sampung buwan ang tinagal ng aming istorya
Marami na kaming pinagsaluhang lungkot at saya
Mga alaala ng nakalipas ay mananatili na
Sa aming mga puso't kaluluwa

Sa pagsapit ng Marsong itinakda
Araw na mapupuno ng lungkot at luha
Kasabay ng matatamis na salita
Ay paglisan sa entabladong pinagsimula

Sa pagtatapos ng ating kabanata
Ako'y labis na nagagalak at natutuwa
Naging bahagi ng napakagandang istorya
Nakasalo sa pagbuo ng magagandang alaala

Kayat sa pagbagsak ng mga kurtina
Hiyawan at palakpakan ang matatamasa
Mga kalahok na magaaral ang mga bida
Hawak kamay sa pagtatapos ng istorya.

----------------------------------------------------------------------------------------------
Vote;Comments
Thank you!😊

Different PoemsWhere stories live. Discover now