P. 12 Pagpapatawad

1K 23 8
                                    

Pagpapatawad
By: Emotional Writer

Bakit hindi mo sa akin pinaalala
Ng hindi na ako nagmukang tanga pa
Bumitiw ka na pala
Habang ako'y nakakapit pa
At ngayo'y masaya ka na
Habang ako'y nagdurusa pa
Tumatawa ka na
Habang ako'y lumuluha pa
Nay mahal ka na
Habang ako'y nasasaktan pa
Umasa lang pala ako
Na hanggang dulo ay tayo
Magwawakas din pala
Pati mga pangako mo
Mga masasayang alaala
Hanggang sa larawan na lamang ba?
Hindi na ba kayang ulitin pa?
Hanggang dito na lang ba talaga?
Sadya bang napagod ka na?
Kaya sa aki'y nagpaalam ka
Mga bakas ng kahapon
Hanggang ngayon ay sariwa pa
Huwag mo sanang kaligtaan
Ako'y minahal mo ng minsan
Ngunit labis na nasaktan
Ng ako'y iyong nilisan
Aking Mahal pinakakawalan na kita
Sana'y masaya ka na
Sa piling ng iba
Hindi man tayo ang itinakda sa isat-isa
Nagpapasalamat parin at nakilala ka
Hindi ako magtatampo ni magdaramdam sayo
Bagkus ay magpapasalamat dahil minahal mo ang tulad ko
At sa huling pagkakataon ay sasabihing Mahal kita
At pagkatapos ay paalam na
Hanggang dito na lamang ang liham ko sayo
At kung mabasa mo man ang nilalaman nito
Huwag kang magalala, masaya narin ako.

----------------------------------------------------------------------------------------------
Vote;Comments
Thank you!😊

Different PoemsWhere stories live. Discover now