P. 8 Filipino

1.2K 16 0
                                    

FILIPINO
By: Namelessgurl

Filipino ang wika ng karunungan
Na pwede nating ituring kayamanan
Ito ang natatanging paraan
Upang umunlad ang ating bayan

Ito ay ginamit sa kasaysayan
Upang ipagtanggol ang ating lipunan
Ano man ang iyong kasarian
Tiyak na ito'y iyong mapapakinabangan

Ang wikang Filipino ay wikang panlahat
Ginamit ito ng mga manunulat
Ito rin ang ginamit upang maabot ang kanilang pangarap
Na matagal nilang minithi't pinangarap

Wikang Filipino ay mahal namin
Wikang Filipino ang kinagisnan namin
Wikang Filipino ay iingatan namin
Sapagkat ito ang kayamanan namin

Ito ay ginamit sa mga dasal
Ito rin ay ginamit upang mapaganda ang aming asal
Ginamit din ito sa mga sayaw
Na ngayon ay aming isinasayaw

Pagmamahal sa wika ay kailangan
Gamitin natin ito at ingatan
Sapagkat ito ang ating yaman
Mananatili ito magpakailanman.

----------------------------------------------------------------------------------------------

Vote; Comment
Thank you 😊

Different PoemsKde žijí příběhy. Začni objevovat