My Dancing Angel #5

En başından başla
                                    

"Hindi talaga ako pumayag Leiko, k-kasi, pinilit niya ako eh." Sagot ko naman.

"Eh, nag-umpisa ka na bang magtrabaho sa club na yun?" Tanong sakin ni Ayesha. Bumuntong-hininga ako at umiling.

"Sa totoo niyan, kahapon na dapat ako magsisimulang gumawa sa club na yun as a member pero kasi, tumakas ako eh." Sagot ko. Naisip ko bigla yung nangyari samin kahapon ni L. Alam na niya ang sikreto ko at isa din yun sa mga sasabihin ko ngayon sa kanila.

"Mabuti at walang nakakita sayo." Sagot naman sakin ni Franzyne.

"Sana nga... wala..." Mahinang sabi ko kaya lahat sila ay nagulat.

"Don't tell us-" Pinutol ko na ang sasabihin ni Crystal at tumango ako.

"May nakakita sakin kahapon, at nalaman niya din ang sikreto ko." Seryosong sagot ko sa kanila at halata ko sa kanila ang pagkagulat sa sinabi ko. Mas lumapit pa sila sakin at nag-abang ng susunod kong sasabihin.

"T-teka, m-mapagkakatiwalaan naman ba yung taong nakaalam ng sikreto mo?" Tanong sakin ni Kelly. Napangiti ako at tumango.

"Sino ba yung taong yun?" Tanong naman ni Ayesha.

"Hindi niyo siya kilala pero alam kong kilala siya ni Crystal." Lumingon ako kay Crystal at halata sa kanya na nagtataka siya. Iniisip niya siguro kung sino yung taong sinasabi kong kilala din niya.

"Okay sige, sasabihin ko na." Huminga ako ng malalim bago ko sabihin kung sino. "Si L."

"Si L? Yung cute mong classmate? E diba? Super fan yun ng group natin?" Sagot sakin ni Crystal.

"Teka, p-paano niya ba nalaman ang sikreto mo?" Biglang tanong sakin ni Leiko. Kaya naman sinabi ko ang lahat ng mga nangyari kahapon mula sa sinubukan kong tumakas at dumaan ako sa likod ng canteen hanggang sa sinundan ako ni L at napadpad kami sa gubat, at doon din ay umamin ako na ako si Eunhae at Naeun ay iisa.

Lahat sila nagulat pero tinanong din nila kung paano kami nakalabas ng gubat. Sinagot ko naman na tinulungan ako ni L since alam niya ang daan doon. Lahat sila ay napatahimik at seryosong nakatingin sakin na para bang meron pa silang inaantay na sasabihin ko. Ako tuloy yung nagtaka sa kanila.

"B-bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko sa kanila.

"Mapagkakatiwalaan naman ang L na yun diba?" Tanong ni Ayesha sakin. Tumango lang ako sa kanya.

"Ano pang nangyari?" Tanong naman ni Franzyne kaya medyo napangiwi ako sa tanong niya. Sumagot ako na nakauwi kami pareho ng ligtas at hindi kami inabot ng gabi sa loob ng gubat. Lahat sila ay tumango-tango sakin.

"By the way, guys nagluto nga pala ako ng meryenda para sating lahat. Tara na sa kusina?" Pag-iiba ko. Sabay-sabay naman silang tumango at excited na pumunta sa kusina.

~

L's POV.

Pagkapasok ko kanina sa klase ay hinagilap ko kaagad si Naeun, sigurado ako na naka-disguise na naman yun as Eunhae.

Umupo ako sa upuan ko pero palinga-linga pa rin ako sa paligid. Mukhang di siya pumasok ah. Tiningnan ko ang upuan niya at tama nga ako. Hindi siya pumasok dahil wala naman dun ang mga gamit niya. Nagkibit-balikat na lang ako saka ako tumayo palabas ng classroom. Naisipan ko lang kumain since wala pa namang teacher. Sakto paliko na ako sa canteen ng may humarang sa dinadaanan ko. 

As usual. Siya na naman.

"What do you want?" I plainly asked.

Ngumiti siya sakin saka ako inabutan ng folder. "Isa yang plano na nagawa ng secretary ng 'Night Angels' fan club. Ang since ikaw ang president namin. You must be the one to handle that." Sabi niya sakin. I just nodded.

"Wala ka na bang sasabihin?" I asked again.

"Ahm, meron pa. Can you please talk to Eunhae? She's the one who assign to decorate and to manage the activities of the club." Sabi niya. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata. Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Okay. I'll talk to her." Sabi ko saka ko na siya nilagpasan. Naglalakad ako habang nakangiti. Akalain mo yun, magkakatulungan kami para sa fan club ng grupo niya.

This is my chance now para mapalapit sa kanya.

Aamin na din ba ako na matagal ko na siyang gusto?

~

Salamat po ^^

#LadyEmina :>

APink 'Secret Garden'Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin