My Dancing Angel #1

469 16 3
                                    

~

L's POV.

"L?" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Eunhae lang pala. Ang Nerd at ang top 1 sa klase namin. Mabait naman siya kaya lang medyo weirdo kasi masyado siyang tahimik, pero kahit ganun magkaibigan naman kami kaya lang minsan mas gusto niya ang mag-isa eh. Okay lang naman sakin kasi meron din naman akong mga kaibigan.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" Tanong ko sa kanya, saka ko binalik ang tingin ko sa laptop, pinapanuod ko ngayon yung huling performance ng 'Night Angels', hay.. ang gagaling talaga nila. Lalo na si Naeun, ang pinakamaganda at magaling sa kanila.

"Ahm, L about nga pala doon sa report natin sa Science, next week na kasi yun pero wala pa din tayong nagagawa." I sighed, kadalasan kapag si Eunhae ang kasama ko puro pag-aaral ang napaguusapan namin. Kakausapin niya lang ako minsan tungkol sa project namin, assignment namin, etc. Basta lahat tungkol sa pag-aaral, wala ba siyang hobbies sa katawan? Kung ako sa kanya tatamarin ako kung laging mga libro at papel ang hawak ko.

"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa presentation, ikaw na ang bahala sa documentary report. Madali lang naman yun eh." Sabi ko, sabay balik ulit sa pinapanuod ko. Narinig ko siya na napabuntong-hininga. Saka niya kinuha ang mga gamit niya at tumayo sa gilid ko.

"Sige, ibibigay ko na lang yung topic natin mamayang uwian." I nodded. Saka na siya umalis, nilingon ko naman siya paalis. Saka ko ulit binalik ang tingin ko sa panunuod.

Uhm.. Saan kaya nag-aaral si Naeun? San kaya siya nakatira? Bakit kasi masyadong misteryosa ang babaeng yun eh, at bakit kaya sa performance lang ng Night Angels namin siya nakikita? Uhm.. Isang beses kaya sundan ko siya. 

Aba magandang ideya!

Naeun's POV.

"Eunhae, may gagawin ka ba bukas?" Nagulat ako nung biglang sumulpot sa tabi ko si Tina. Sinara ko yung librong binabasa ko.

"Ah w-wala naman. Bakit ano bang meron bukas?" Nangalumbaba siya at masayang tumingin sakin.

"Pamilyar ka naman siguro sa Night Angels diba?" Nagulat ako pero di ako nagpahalata.

"Ah oo, k-kilala ko naman sila, bakit bukas ba may performance na naman sila? E diba sa Friday pa yun? Monday pala ngayon ah." Bigla naman siyang natawa sakin.

"Haha, kilala mo nga sila. Di naman tungkol doon ang sasabihin ko eh. Pwede ba kong makahingi ng tulong sayo?"

"Ahm, tungkol saan ba?"

"Magtatayo kasi kami ng fan club ng Night Angels, eh kailangan namin ng taong matalino para maitayo namin ang fan club dito sa school na'to. Matutulungan mo ba kami?"

Eh? Fan club? Hindi naman nila kailngan gawin yun ah. Tsk. Umayaw ka Naeun! Umayaw ka.

"Ah si-sige, susubukan ko." Haist. Malas.

"Aw, salamat Eunhae ah! Maaasahan ka talaga! Sige alis na ako ah! Bukas na lang!" At umalis na si Tina. I sighed. 

Tumingin ako sa kwintas ko. Sinigurado ko muna na walang tao sa paligid bago ko iyon ilabas. 

Ang hirap palang magpanggap bilang Eunhae, pero hayaan na nandito na eh. Tumayo na lang ako at pumunta sa Canteen. Nakasalubong ko si Crystal, isa siya sa miyembro ng 'Night Angels' kagaya ko. At alam niya na naka-disguise ako ngayon bilang Eunhae. Nginitian niya lang ako at nilagpasan. Nilingon ko naman siya, maraming tumitingin sa kanya at lahat ng estudyante dito ay kilala siya. Malamang, isa nga kasi siya sa 'Night Angels' eh. Tss. Mayamaya pa ay naglakad na lang ulit ako papuntang canteen.

Crystal's POV.

Nang makita ko si Naeun ay parang gusto ko siyang sugurin ng yakap at yayain na sabay kaming kakain sa canteen, kaso naalala ko ang pangako namin sa kanya kaya naman nginitian ko na lang siya at nilagpasan na kunwari ay hindi ko siya kilala.

APink 'Secret Garden'Where stories live. Discover now