Chapter Twenty Three.

Start from the beginning
                                    

"Kaya mong maghintay hanggang sa honeymoon natin?" nang aasar na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung kaya kong tiisin, sinabi ko lang 'yon. Parang 'di ko yata kayang gawin."

Naramdaman ko ang pamumukol sa ibabaw ng zipper ng pantalon n'ya. Ramdam ko iyon sa aking tagiliran.

"Akala ko ba hihintayin natin hanggang sa maikasal tayo? Bakit nakasaludo na 'yan?"

Marahang inilapag n'ya ako sa malapad at malambot na kama. Naka-upo ako habang s'ya ay nakatayo sa harap ko.

"Ang tigas ng ulo, eh." natatawang sabi n'ya.

Tinawanan ko na lang din s'ya at nahiga na sa kama. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama kaya nilingon ko s'ya. Humiga s'ya sa tabi ko at yumakap sa aking beywang at saka isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Pero titiisin ko hangga't makakaya ko..." bulong n'ya.

Hindi ko napigilan ang pag-ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na nirerespeto n'ya ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, na minamahal ka.

Naka-idlip kami ng ganoon ang pwesto. Ewan ko pero sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakatulog ng ganon, iyong tipong ang sarap sa pakiramdam na paggising ko ay hindi ako stress. Paggising ko ay ang ganda ganda ng awra ko.

"Mahal ko, bihis ka na, may pupuntahan tayo." bulong ni Uno sa ibabaw ng tenga ko. Sobrang lambing niyon at ang sarap sarap pakinggan.

"Okay..."

Bumangon kami pareho. Nalaman ko na nauna pala s'yang magising kanina. May binili rin s'yang gown para sa akin. Kulay itim iyon na tube na maraming beads na makikinang. Mahaba iyon at lagpas sa paa.

Bago ako nagbihis ay sumulyap muna ako sa bintana. Gabi pa na, kanina pagdating namin dito ay papalubog pa lamang ang araw. Ibinalik ko ang kurtina na nakatabing sa bintana at nilingon si Uno na abala sa pagsusuot ng sapatos n'ya. Nakabihis na s'ya ng tuxedo na pinaresan n'ya ng kulay pulang necktie. Hindi ko alam kung bakit kami nakasuot ng ganito pero kasi sabi n'ya kanina ay surprise daw.

"Uno, ano ba talagang pupuntahan natin?"

Nilingon n'ya ako at tiningnan ako mula paa pataas hanggang sa tingnan n'ya ang mukha ko.

"Magbihis ka na po muna, mahal ko. Mamaya sasabihin ko sa'yo." He said then smiled.

Kinuha ko na iyong gown na binili n'ya at saka pumasok sa banyo para magbihis hirap na hirap nga akong isuot iyon sa dibdib ko dahil medyo masikip.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Uno na abala sa pagsusuklay ng buhok n'ya. Nakangiti s'ya sa salamin dahil nakita n'ya ako. Lumingon s'ya sa akin. Imbes na s'ya ang matulala ay ako ang natigilan. Ang gwapo gwapo n'ya kasi at ang sarap sarap tingnan. Ngayon ko lang s'ya nakitang magsuot ng ganon.

"Mag-ayos ka na mahal..."

Ngumiti ako at naglakad na palapit sa kanya nasa tabi ng kama ang isang high heals na kulay itim rin. Nasa harap na ako ng salamin at nag aayos ng buhok nang yumakap s'ya sa akin mula sa likuran.

"Uno, hindi pa ako tapos..."

"Just a minute, ang bango bango mo kasi." he whispered.

Hinayaan ko na lamang s'yang ganon. Nakayakap s'ya sa bewang ko habang naglalagay ako ng lipstick.

Nang matapos na akong mag ayos ay sabay kaming lumabas ng hotel room. Magkahawak ang mga kamay namin at walang nag-iimikan. Ang sarap ng ganito, para akong nakalutang sa saya.

Mahigpit ang hawak ni Uno sa aking kamay habang papalabas kami ng elevator. Bumungad sa amin ang malawak na ground floor. Puno pa rin iyon ng chandelier na kumikislap sa ganda. Naguguluhan man ay nagpatianod ako sa paghila ni Uno sa akin sa kung saan hanggang sa makarating kami sa isang hall kung saan marami ng tao.

"May party? Kaninong party 'to?" I asked him.

Hinila n'ya ako palapit sa kanya at hinawakan ang aking bewang.

"It's my mom's birthday."

Nagtatakang nilingon ko s'ya. Sa mama n'ya? Akala ko ba ay iniwan na s'ya nito.

"Ikukwento ko sa'yo kapag may time." he smiled.

Tumango na lamang ako at nagpatianod narin. Marami ang nakakakilala kay Uno sa party. Halos lahat ng madaanan namin ay kilala s'ya. Binabati s'ya sabay sulyap sa akin.

"Nandito ba sila Cash?" nagtatakang tanong ko.

"Wala, I did not invite them."

Tumango lamang ako. Dinala n'ya ako sa isang table kung saan kami lamang dalawa. Sobrang ganda ng venue ng birthday party ng mama n'ya. Halatang mayaman na talaga sila.

"Nandito rin ba si Tito Juanito?"

Nag-igting ang panga n'ya saka umiling. Nangunot ang noo ko. Gusto ko sanang magtanong kaya lang ay nagsalita na ang MC at wala na akong nagawa 'don kung hindi ang lumingon.

"Good evening everyone." bati ng lalaking MC na sa tingin ko ay nasa middle 30's na ang edad.

"We are gathered here for a special celebration of Mrs. Melani Geronimo Patterson's 48th birthday! Let's give her a round of applause!"

Nagsipalakpakan kaming lahat. Pero kahit na ganon ay hindi maalis sa utak ko 'yong apelyidong dala dala ng mama ni Uno. Patterson. Ibig sabihin hindi ikinasal ang mama ni Uno kay tito Juanito.

Umakyat ang mama ni Uno sa stage. Inaasahan ko nang maganda ang mama ni Uno pero hindi ganito na ang ganda ganda. Ang amo amo ng mukha at parang hindi 48 years old! My gosh, she looks like in her middle 20's!

"Ang ganda ng mama mo." bulong ko kay Uno.

"I know right?" natatawang sagot ni Uno.

Nanatili ang tingin ko sa mama n'yang nakangiti habang nakatingin sa mga audience.

"I'm glad you all came here on my birthday. Lalo na iyong mga kaibigan ng yumao kong asawa at nandito parin."

Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtatanong. Ayokong magtanong, baka sabihin ni Uno'y nanghihimasok na ako sa buhay n'ya masyado.

"Ang birthday kong ito ay isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko lalo na at napatawad ako ng anak ko sa pagkadalaga," nakangiting sabi n'ya.

Nagbulong bulungan ang lahat sa paligid. Isa sa mga narinig ko ay ang gulat na may anak s'ya sa pagkadalaga.

"Come here, my son."

Napalingon ako kay Uno na mabilis pa sa alas kwatro ang pag-tayo. Walang pag aalinlangan na umakyat s'ya sa stage na malapit lang rin sa amin.

"This is my son, Uno Kyzzer."

Walang nag-imikan sa mga taong nasa paligid. Ang iba ay nagbulong bulungan.

"And he's now engaged with my step-daughter, Sophia Patterson."

Napakurap kurap ako sa sinabi n'ya. Halos huminto ang pagtibok ng puso ko.

Mas lumakas ang bulong bulungan. Naririnig ko ang pagsasabi ng iba na nababaliw na daw talaga si Melani.

"Since Sophia is not my real daughter and I really, really want her to be my own. I want her to marry my real son so that Sophia will be my daughter in law. That's great right?"

Isang patak ng luha ang bumagsak sa pisngi ko.

"Sophia, baby... Come here!"

Umakyat doon iyong babaeng nakasalubong namin kanina. Ngiting ngiti ito na abot hanggamg tenga. Napalingon sa akin si Uno. Awang ang labi nito habang nakatitig sa akin.

Nagdasal ako na sana ay bawiin n'ya ang sinabi ng mama n'ya. Ilang beses akong nagmakaawa gamit ang mga mata ko ngunit pumikit lang s'ya ng mariin at sa pagdilat n'ya ay ngumiti s'ya sa harap ng mga tao na pumapalakpak at binabati silang dalawa.

Walang lingon likod akong tumayo at nagmartsa paalis sa hall. Wala akong pakielam kung naka-eskandalo ako. Basta ang nasa isip ko ngayon ay ang sakit na nararamdaman ko.

Sobrang sakit na parang pinipiga ang puso ko. Tangina naman, oh! Bakit naman ganito? Bakit kapag ang saya saya ko na, biglang may kapalit na masakit at nakakadurog ng puso?

***

Undeniable FeelingsWhere stories live. Discover now