CHAPTER 10

26 23 0
                                    

:::::CHAPTER 10:::::::

  "I'll drive you  to school."

"Hindi na,nandyan naman si Mang Lando para ihatid ako."

"I'll drive you, c'mon." 

"Sabi nang hindi na, eh! Bakit ba ang kulit mo?!" hindi ko napigilang sumigaw dahil sa kakulitan ni Ryan.

Kanina pa kami nagtatalo na dapat daw ay siya ang maghatid sa 'kin kesa kay Mang Lando.Anong pinagkaiba no'n? Eh, ihahatid lang naman ako.

"Hija, anak, 'wag nang matigas ang ulo. Magpahatid ka na sa kuya mo." sabat ni mommey na umiinom ng kape sa balkonahe ng bahay.

"Mommey naman!" napapadyak ako ng paa sa lupa, akala ko pa naman ako ang kakampihan ni Mama.Pagtulungan ba naman ako?  

"Huwag nang matigas ang ulo, ngayon ka pa nga lang maihahatid ng kuya mo magmamatigas ka pa?"

Napanguso ako nang sumabat naman si daddy na katabi lang si mommey na nagkakape. Wala na talaga akong kakampi! waaaahh!!! Wala na akong nagawa nang hilahin na ako ni Ryan papunta sa grahe at pasakayin sa passenger's seat ng kotse niya. Huhu,hindi na talaga ako mahal nila mommey. T^T

Nang makauwi kami kahapon ni Ryan wala akong narinig na kahit ano kila mommey at daddy. Kahit simpleng 'Mabuti at walang nangyareng masama sa 'yo' o 'Nakauwi ka na pala'. Basta pagdating namin nagtanghalian na kami at pinagpahinga nila ako maghapon. Nagtatampo tuloy ako kanila mommey tapos kanina si Ryan pa 'yong kinampihan nila. Hindi kaya mas gusto na nila si Ryan kesa sa'kin? Hindi na ba ako mahal nila mommey?

"Waaaaahh!! Hindi pwede 'yon!!" sigaw ko na sinabayan pa ng pagpadyak ng mga paa.

"What the--" biglang huminto ang sasakyan na hindi ko namalayang kanina pa pala umaandar at dahil sa biglaang paghinto ni Ryan ay nauntog ako sa dashboard ng kotse niya.

"Aray! bakit ka ba bigla biglang nagpepreno?!" kinapa ko ang noo ko, wala namang sugat pero nagsisimula ng bumukol, huhu ang sakit!

"Why did you scream?" nilingon ko si Ryan na nakakunot noo at nakatingin sa noo kong may bukol na.

"Basta! wala ka na don! Bilisan mo, malalate na 'ko, oh!" idinaan ko na lang sa pagsusungit ang pagpipigil kong maiyak, ang sakit talaga ng bukol ko.

Parang naalog nga ata ang utak ko dahil sa pagkakauntog eh.Hindi na siya nagsalita at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho habang ako ay nakatanaw lang sa bintana sa tabi ko.

  Ang tahimik, hindi ako sanay."Nasa'n ang mga magulang mo?" basag ko sa katahimikan.Nilingon ko siya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya.

'Di niya ba gets? ang slow, ah. "Hindi ka naman kasi mukhang ulila mula pagkabata. Napalaki ka naman ng disente saka no'ng inampon ka nila mama, malaki ka na."

Ilang segundo na ang dumaan pero wala akong narinig na kahit anong sagot mula kay Ryan.

Nanatili lang siyang tahimik habang walang ekspresyong nagmamaneho.

The Mafia Heiress' Life Where stories live. Discover now