CHAPTER 3

54 43 7
                                    

(Their mini dresses^)

CHAPTER 3

 Akio's Point of View

    "AKIII!!!!" Nagising ako dahil sa ingay na 'yon na sumira ng napakagandang panaginip ko. Napanaginipan ko na naman yung batang nakilala ko noon. Rinig ko ding napamura si Marshia na katabi kong natulog magdamag, nag-over night kasi kami sa bahay nila. 

    Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto na tinutulugan namin ni Marshia. "Anong ginagawa niyo?" kunot noong tanong ni Naomi. "Anong oras na, oh."

    "Nagluluto kami, Naomi.
Gusto mong tumulong?" inis na tumayo na si Marshia at tumingin ng masama kay Naomi. Ako naman ay naka-higa pa rin habang nakatanaw sa kanila.

    "Hahaha! You're so funny talaga Marshia, may nagluluto bang nakahiga?" Nilapitan siya ni Marshia at aaktong sasapakin siya sa mukha nung may kumatok sa pintuan na bukas naman.

    "Goodmorning?" Hindi siguradong bati ni Marrick--ang nakababatang kapatid ni Marshia.

    "Walang maganda sa umaga kung ang pagmumukha niyo agad ang makikita ko!" Nagwalk out si Marshia papuntang banyo habang kami naman ay nakasunod ng tingin sa kanya. Nang tuluyan na siyang nawala sa aming paningin saka lang kami nakahinga ng maluwag.

    "Bakit mainit na naman ang ulo no'n?" Tanong ni Marrick na naka sandal sa hamba ng pinto habang naka-pamulsa.

    "Lagi namang gano'n yun, eh. *Pout*" sagot ni Naomi.

    Pumikit na lang ako dahil gusto ko pa talagang matulog. Ala-sais pa lang aba. "Nabad-trip siguro sayo, Lomi, pfft. Kayong dalawa lang naman ang mahilig mag-away." 

    Nagmulat ulit ako ng mata at sumabat sa usapan nila. "Inaaway din kaya ako no'n." nakasimangot na sabi ko.

    "Lahat naman ng tao sa paligid hindi patatawarin ni Marshia pag may sanib eh, hahahaha." nagulat kami sa lakas ng pagkakabukas ng pinto ng cr kung nasaan si Marshia. Nakapamewang­ siya at nakatingin ng masama kay Marrick.

    "ANO'NG SABI MO MARRICK JUNG!?"

    Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa sobrang lakas nang sigaw ni Marshia. Si Marrick naman saglit na nagpanic. Nakakakaba kayang masigawan ni Marshia.

    "Woah! Easy lang kapatid! Ang aga aga init agad ng ulo mo, kaya 'di ka nagkakaboyfriend, eh." Anito saka tumawa nang malakas samantalang kaming dalawa ni Naomi ay hindi. Hindi kasi nakakatawang biro yun para kay Marshia.

   Natigilan si Marrick nang marealize niyang may mali sa sinabi niya. Napakamot siya nang batok hanggang sa hindi na nakapagtimpi si Marshia.

"BWISET KA, MARRICK JUNG!!!!!" kasabay ng pagsigaw ni Marshia ay ang pagtakbo naman ni Marrick paikot sa kwarto. Wala silang tigil sa paghahabulan habang kami ni Naomi ay nakamasid lang.

    Hayy. Ang saya siguro magkaroon ng kapatid, ano? Kahit minsan hindi kayo nagkakasundo na umaabot pa sa sakitan. Bigla tuloy akong nainggit kay Marshia, may kapatid siya na kagaya ni Marrick. Mabait, over protective, maalaga at kahit hindi niya pinapahalata sa amin nila Marshia alam kong mahal na mahal niya si Marshia. Kung may kuya lang talaga ako eh...  

     Naalala ko nanaman yung tukmol na nang-iwan sakin 5 years ago. Yung feeling na kadarating pa lang niya tapos iiwan ka agad! Wala man lang pasabi. Sana mag-crash yung airplane na sasakyan niya pag-uwi dito---KUNG uuwi pa siya.

The Mafia Heiress' Life Where stories live. Discover now