Book2 ~ Tulong ~ 17

Start from the beginning
                                    

Napaluhod nalang ako at doon humagulgol ng iyak. Lahat ng nangyari noon, lahat ng paghihirap, lahat ng pagmamahal. Wala na ngayon. Itinapon ko na para bang isang walang kwentang bagay. I pushed Orion away.

I couls not contain the anger I have inside me. Galit na galit ako sa sarili ko. Nanlulumo sa pagmamahal na meron kami na hindi ko magawang ipaglaban.

All of the pain showered in tears. Flowing out of my system. I don't know how to stop. Until I felt a light tap on my shoulder.

"Tahan na..." His voice so tender, like cold breeze under the moonlight.

Pinunasan ko ang mga luhang tumulo na sa pisngi ko tsaka ako tumingala para makita siya. I know who it was. Hindi ko puwedeng hindi makilala ang boses ni Titus.

Nang makita ko siya, imbes na tumahan ako ay lalo lang akong humagulgol ng iyak. He, of all people, knows how much I loved Orion.

Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan ako upang iupo sa gilid ng dasalan.

"Bakit mo iyon ginawa?" Aniya nang kahit pa paano'y nakalma ko na ang sarili ko.

"Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Gulong-gulo ako Titus. Ang dami nang nangyari." Tulala kong sagot.

"Dahil kay Leo?"

Isinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko. Tama si Titus. Si Leo ang nagpagulo sa isip ko.

"Hindi ikaw ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari Esmé. Mayroong naglalaro sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin?" I had to ask. Sa ganitong sitwasyon, katulong ang kailangan ko. Isang taong sasama sa akin at tutulungan akong maisa-ayos ang lahat. At si Titus ang taong iyon.

"Nang nawala ka, pabago-bago ang ugali ni Orion. Minsan normal lang siya, hindi magkanda-ugaga kahahanap sa 'yo. Pero madalas, wala siya sa sarili at galit na galit."

Bago pa man ako nawala, nakita ko na ang pagbabago sa ugali ni Orion. Kaya hindi imposible ang sinasabi ni Titus.

"May nalaman ka ba tungkol doon?"

Tumangon siya. "Umalis ako para makahanap ng kasagutan. Bumalik ako sa amin para kausapin ang pinaka matandang Henki."

Tumigil si Titus at maigi akong tinignan. Tila ba sinasabing maghanda ako sa susunod niyang sasabihin. "May lumalason sa utak ni Orion. At kung hindi natin siya maililigtas sa lalong madaling panahon, malaki ang tyansang magiging siyang Hitteki."

Bumalik sa alaala ko noong nakausap ko si Segine sa panaginip ko. Tungkol sa mga mata niya, na ang dating mata niyang parang dapit-hapon ay magiging itim tulad ng malalim na gabi. Na ang ibig sabihin ay kamatayan.

"Hitteki?"

"Isang beses palang lumitaw ang Hitteki sa mundo naming mga Henki. Matagal ng panahon ang lumipas pero ramdam pa rin namin ang lungkot at kasakitang idinulot noon sa  amin...

Hindi nagkasundo ang Hirang at Alamat noong mga panahon na iyon, na humantong sa hiwalayan...

Hindi nagtagal, bumalot ang kadiliman sa katauhan ng Hirang... naging napakasama niya, pinatay niya ang lahat ng Henki na daanan niya. Walang awa, maging mga bata pinaslang niya. Hitteki ang naging tawag sa kanya, na ang ibig sabihin ay kaaway ng lahat."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Katulad ng nangyayari sa amin ni Orion ang ikinwento ni Titus. Hirang at Alamat na naghiway. Hindi ko pwedeng hayaan na mahantong ang lahat sa patayan. Wala dapat madamay, tao man o henki.

"Anong nangyari sa kanilang dalawa?"

"Hinarap ng Alamat ang Hitteki para pigilan siya. Pero huli na siya, tuluyan nang kinain ng kadiliman ang hirang. Wala na siyang kinikilala, maging ang Alamat na minahal niya ay hindi na niya kilala."

Napatayo ako at hindi mapakali. Hindi maaaring mangyari ulit ang nakaraan. Hindi pwedeng maulit ang mapait na sinapit nila noon.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa 'kin? Paano nalang kung mangyari ulit? Ano ng gagawin ko?"

"Kailangan nating mahanap ang kung sino mang nasa likod nito. Bago pa mahuli ang lahat para sa inyong dalawa ni Orion."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
She's the LegendWhere stories live. Discover now