Two Hours More - Eight - Day 14

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hiro tingnan mo o!” S’ya agad ang sumalubong sa’kin sa back stage.

“Galing ng baby ko ah! Congrats!” Kinukurot-kurot n’ya na naman ang pisngi ko.

“Thank you.” At least natupad ko ‘yong promise ko. Hindi pa rin talaga ko makapaniwala.

“Oh, ‘yong deal natin.”

Tuloy pala kami? 8:30 na kasi e. Pero, ayos lang naman siguro, wala naman si Daddy. Naku, takot ko lang na makarma na ko kasi lagi kaming lumalabas kapag wala s’ya, ‘wag naman sana.

“Saan ba?” Pagkatapos kong magbihis ng casual kong damit, diretso na kami palabas ng venue papunta sa parking.

“Sa lugar nga na gustong-gusto mo.” Nagpapahulaan pa kami. Marami akong nabanggit pero laging ‘Hindi’ lang naman ang sagot n’ya.

“Saan nga?” Nasa daan na kami papunta sa lugar na sinasabi n’ya pero hindi ko pa rin talaga nahuhulaan. Imposible namang sa Jayeneych Kiddie Theme Park dahil ayaw n’ya don.

“May isa ka pang hindi nababanggit.”

“Eh, malabo namang sa theme park kasi ayaw mo dun eh. Wala na kong maisip Hiro.” Mahigit kalahating oras ang byahe mula sa venue ng contest papunta sa theme park, kung doon nga kami pupunta. Nakatulog ako saglit sa sasakyan, siguro dahil na rin sa pagod. Ilang gabi din ang ginugol ko ma-perfect lang ‘yong pyesa ko. Busy kasi ako sa OJT kaya sa gabi lang ako may oras mag-practice.

“We’re here.” Nagulat ako dahil hindi ko na namalayan kung nasan na pala kami. Nang nagising kasi ako, kausap ko si Migs sa text dahil kinekwento ko sa kanya ‘yong contest, at syempre para ipaalam sa kanya na may pupuntahan lang kami ni Hiro. Seems like s’ya si Daddy.

“As in here? Di nga? Ikaw ba ‘yan?”

“Ayaw mo?”

“Gusto! Eh ‘di ba ayaw mo---“

“Tara na.” Lumabas na s’ya ng kotse n’ya pagkatapos n’ya kong kurutin para pagbuksan ng pinto. Such a gentle prince.

As we walk  into the theme park, I suddenly felt his left hand holding my right hand. Napatingin tuoy ako sa kanya. “Baka kasi mawala ka Princess e, mahirap na, dami pa namang tao,” bulong n’ya. Pero kahit gano kaingay at katao rito, nagawa ko pa rin s’yang marinig.

“Ano ‘ko, bata?!” Natatawa ako habang itinatanong ‘yon sa kanya.

“Hindi ba?” ‘Yong mapang-asar n’yang tawa, nakakakilig pakinggnan. Hindi nakakaasar. Ang cute.

Pakiramdam ko ayaw ko ng matapos ang gabing ito. Lagi na lang akong ganito pag kasama ko si Hiro. Simula ngayon, paboritong lugar ko na ang theme park na ‘to kahit pa ikalawang beses pa lang namin rito.

“Princess, naghahanap daw ng choir coordinator ang simbahan para sa children’s choir, narinig mo na ba?” Mabuti na lang at meron ritong coffee vending machine. Magandang inumin ito habang namamahinga kami ni Hiro. Pagkatapos kong humigop sa baso ng kape, sumagot ako sa kanya.

“Oo nga daw. Ang cute siguro no’n kung mga bata ang nakanta sa misa.”

“Lalo na kapag kasing ganda mo ang coordinator nila.” Naiilang ako sa tingin ni Hiro habang nakangiti pa. Kinikilig ako.

“Anong kaugnayan ng itsura ko sa pagkanta nila? Magtigil. May nakuha na daw?” Napapatawa tuloy ako sa sinasabi n’ya.

“Sinasabi ko lang naman... Ha? Oo. Sabi ko ikaw na lang ang kunin.”

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon