Matapos ang kunyaring pagpapakilala, umatras ako ng konti tapos nagpose na parang model. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Dane sa bewang ko.

Isang pose ulit tapos ay bumaba kami sa gilid ng stage tapos alik ulit sa backstage.

Nang matapos kami ay pinaupo muna kami sa bench para yung muses and escorts naman ang magpractice.

Nakipag-usap muna ko sa ibang mga kasama ko. Si Dane nakahiwalay sa kin. Bahala siya sa buhay niya, pake ko ba?

Iniikot ikot ko yung paa ko para mabawasan yung sakit. Nung matapos magpractice ay pinag-lunch na muna kami.

Tumayo ako at medyo mahirap na talagang ilakad yung paa ko. Namumula na din yung talampakan ko.

"Yumi!" Rinig kong tawag sa kin ni Mika.

"Uy Mika. Tara na?" Tanong ko.

"Tanggalin mo muna kaya yan?"
Umiling ako.

"Hindi okay lang. Mapapahinga ko naman 'to bukas." Tumango na lang siya at tinulungan ako.

"Yumi can you buy me----" tinignan ko si Dane para pakinggan yunh utos niya. Pinutil naman ni Mika yung sasabihin niya.

"Manhid lang Dane? Di ba obvious na nahihirapan ng lumakad 'to tapos uutusan mo pa? Lakas din ng topak mo minsan eh."

"Then do the honor." Nakangising sabi ni Vince.

"Kahiya naman sa inyo. Tanggalan ko na kaya ng paa tutal di niyo naman nagagamit eh." Katarayan talaga ng babae na 'to. Naku!

"Tss.." Nasambit na lang ni Dane at uutusan na sana ko ulit pero sumingit na naman si Mika.

"Akin na. Ano ba ipapabili mo?"

"Bumili ka ng Gatorade sa Canteen. Apat. Go." Hinarap ako ni Mika.

"Kaya mo umakyat ng hagdan?" Tanong niya.

"Yep. Sisiw lang yan!" Tinaas ko yung kamay ko para makipag-apir sa kanya.

Umalis na si Mika kaya naman sinundan ko na lang sila Dane at Vince paakyat sa building kung nasaan ang music room.

"Aray.." Parang may tumusok sa paa ko kaya napaupo ako.

"Why?" Lumapit sa kin si Dane at lumuhod.

"May parang tumutusok eh." Sabi ko at tinanggal na talaga yung heels ko. Masakit na talaga.

"Kaya mo pa?" Tanong niya. Tumayo ako at tumango. Di ko na kaya isuot 'tong heela. Di naman makikita ni Valz eh.

Nang makarating kami sa Dance studio, sila Ela na lang yung nandun kasama si Aya at Andrei.

"Oh Yumi, ayos pa ba yang paa mo?" Tanong ni Ela.

"Medyo. Ipapahinga ko lang 'to mamaya."

"Si Mika?" Tanong ni Aya.

"Inutusan ni Dane na bumili." Si Vince yung sumagot.

Tumango si Aya. Lumakad ako at tumabi kay Aya na nakaupo sa sulok. Ginilid ko muna yung heels ko.

Nagkwentuhan lang kami habang si Ela at Ethan nagu-usap sa mga gagawin nila.

"Tagal." Napatingin kami sa may pinto nung magsalita si Vince. Si Mika pala.

"Yan ngang si Dane na nag-utos di nagreklamo tapos ikaw ganyan pa salubong mo?"

"Bakit nga ba ang tagal mo?" Tanong ni Dane kaya tumawa si Vince.

Hay naku. Kahihilig mantrip ng mga lalaking 'to. Kung nasa mood lang ako pinatulan ko na si Dane. Kaya naman na ni Mika si Vince, saka di ko bantay yan kaya pakielam ko sa kanya?

My GuardianDonde viven las historias. Descúbrelo ahora