[Aya]
Have you been drinking
To take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve

[Andrei]
Cause nothing can ever
Ever replace you

[Aya]
Nothing can make me feel like you do
Yeah..

[Both]
You know there's no one
I can relate to
I know we won't find a love that's so true

[Andrei]
There's Nothing like Us

[Aya]
There's Nothing like You and Me

[Both]
Together through the storm

[Aya]
There's Nothing like Us

[Andrei]
There's Nothing like You and Me

[Both]
Together...

Inalis ko ang tingin kay Andrei at tumingin sa mga kasamahan namin. Nagtaka ako kasi lahat sila nakaawang ang bibig at nakatulala sa min.

"Wow..." Palakpak ng teacher namin. Tapos nagsi-pakpakan na din yung iba.

Bumalik muna kami sa sulok habang kumakanta yung iba. Malapit naman na uwian eh. Pero sila Ela hihintayin pa namin dahil gabi pa sila makakauwi.

"Oh, continue." Sabi ko nang makaupo kami.

Tumingin siya sa kin sandali pero binalik din ang tingin sa mga kumakanta.

"Si Dane, medyo mababaw lang ang dahilan. Medyo naiinis siya kay Yumi."

"Bakit?" Tanong ko.

"You see, Dane is smart, pinangangalagaan niya ang posisyon niya as the top student of our section. Naiinis siya kasi may katapat na siya, matalino si Yumi at yun ang ayaw niya. Baka kasi matalo siya ni Yumi sa pagiging honor student."

Nangunot ang noo ko. Masyado ngang mababaw yun.

"Dapat nga matuwa pa siya eh." This time, siya naman ang nangunot ang noo.

"Bakit naman?"

"Kasi nakahanap siya ng katapat. Macha-challenge pa siya. Ngayon niya magagamit yung katalinuhan niya. Kasi may kalaban na siya eh. Dati ba meron? Kung meron man hindi naman siya na-threaten diba? Kay Yumi lang. Ibig sabihin si Yumi lang ang alam niyang pwedeng malampasan siya."

Napa-tango tango naman siya. See? Puro kasi inis ang inu-una nilang mga lalaki eh.

"Ako kaya kita inaasar kasi sa lahat ng babaeng nakasalamuha ko, kayong apat lang di tinalaban ng charm ko, at kayong apat lang ang nakayanang sagutin kaming apat. Especially you. No one ever dare to answer me. Siguro nakakatawa lang na may nakakayang asarin ako pabalik."

Sinamaan ko siya ng tingin. Pinagti-tripan yata ako ng lalaki na 'to.

"Ikaw tigilan mo ko ah! Muntik na ko mapahamak sa panga-asar mo. Lakas ng trip nito. Eh kasi naman yang ngisi sa mukha mo, tinatabunan yung charm na sinasabi mo. Kasungitan mo pa minsan. Turn off ka sa attitude, actually kayong apat. Nakakainis kayo. Tapos dinagdagan mo pa kabwisitan mo. Aba! Ang hirap kayang humarap sa'yo matapos yung nangyari sa CR pero sayo parang wala lang?" Dire-diretsong sabi ko.

Tumingin ako sa kanya at bahagyang nanlaki ang mata ko dahil nakayuko siya at... Namumula yung tenga.? Wow! Nahihiya din siya dun?

"A-anong pinagsasabi mo diyan? Ako yung natanggalan at muntik nang masilipan. T-tingin mo di ako nahiya dun.." Papahina niyang sabi.

My GuardianWhere stories live. Discover now