Seven: To the Log Cabin

2.4K 89 15
                                    

Shade Sage(ShadowStone Pack House)

     Matalim ang tinging ibinibigay ni Shade kay Zarric na ginawang human shield sina Carric at Gasper laban sa kanya.
     That bastard gave him blue balls. And it's all because of breakfast. Like, what the fuck?! He's about to have his breakfast in bed pero biglang dumating ang gago niyang third-in-command at inistorbo siya sa 'pagkain' niya.
     Nagtatagis ang mga bagang niya kapag nakikita ito. Hindi bumaba si CC para sa breakfast, marahil dala ng hiya sa kaalamang may ideya ang mga pack members niya sa ginagawa nilang misteryo kanina.
     Pero, bago siya bumaba kanina ay nasabihan na niya itong aalis sila after lunch. Pupunta sila sa log cabin niya sa northern border para doon gugulin ang mating session nila para bukas ng gabi.
     He's now inside his office, at kaharap sina Duero, Carric at Zarric, at si Gasper. He's giving them final instructions bago siya mawala ng tatlong araw para sa mating session nila ni CC.
     They need to leave the pack house dahil baka may mang-istorbo na naman sa kanila ng kanyang luna.
     At para hindi rin mailang si CC, sa gagawin nilang iyon na maraming maaaring makarinig at makaalam sa gagawin nila.
     He's too excited for tomorrow night. Kung katulad kanina ang magiging reaksyon ni CC, magiging madali ang mating session nilang dalawa bukas.
     "Three days lang ba talaga ang kailangan mo, Alpha? You know you can stay there for a week with our Luna.", narinig niyang tanong ni Duero sa kanya.
     Nakaupo ito sa mahabang sofa habang may hawak na basong may lamang whiskey.
     "Oo nga, Alpha. Mag-extend kayo para pagbalik niyo dito, may pup na sa loob ng tyan ni Luna CC.", sabat naman ni Zarric habang nakasilip sa likuran nina Carric at Gasper.
     Pinanlakihan niya lang ito ng mga mata niya na ikinatago nitong muli sa likuran ng dalawa. Binalingan niya ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan bago ang three-day vacation nila ni CC sa log cabin niya sa kagubatan ng northern pack border.
     Doon niya naisipang i-consummate ang mating nila ni CC para malayo sa istorbo pero safe pa rin dahil sa mga nagpapatrolyang pack warriors sa border.
     "While we're away, Duero will be in-charge of everything. Kapag nagkaproblema ng malaki, just mind link me.", pagbibilin niya sa mga ito habang patuloy na sa pagpirma sa mga papeles.
     "There should always be patrollers at the northern border. I want my Luna to be safe while we're in the mating process.", patuloy pa niya.
     "Sasama ako sa pagpapatrol doon, Alpha.", sabat ni Zarric.
     Ibinagsak niya sa lamesa ang hawak niyang ballpen dahil sa sinabi ni Zarric.
     "You are banned from patrolling near the northern border, Zarric. I'll rip your throat out kapag nalaman kong nasa malapit ka sa log cabin.", galit at nagbabantang sikmat niya naman dito.
     Tumahimik naman ang gago pagkatapos mabatukan ni Gasper.
     "Do not let Zarric near the northern border while we're there. Tie him up if you must, just don't let him ruin my mating with my Luna. Understand?", seryoso at tagis-bagang niyang utos sa mga kasama.
     Magpoprotesta pa sana si Zarric ng tingnan niya ito ng masama. No one can ruin his mating with CC. She's his luna, at ayaw niya rin itong mamatay.
     "Ako nang bahala kay Zarric, Shade. Itatali ko 'yan, pangako.", sabat na ni Duero.
     "Do you want us to escort you to the cabin, Alpha?", tanong ni Gasper sa kanya.
     "No. I can manage. Just keep the northern border safe. Those filthy rogues might show up unnotice. Ayokong masorpresa sa kanila.", tugon niya dito.
     He dismissed them after a few minutes at tinapos na niya ang mga pinipirmahang papeles.
     Everything was prepared for their short vacation in the log cabin. Fully stocked na ang mga kakailanganin nila dahil naipahanda na niya, kahapon pa, ang log cabin.
     Wala na itong urungan. Wala rin naman siyang balak umurong pa. At natitiyak rin niyang, hindi na rin uurong si CC.

Cristina Creed

     Kelangan po ba talaga naming pumunta sa log cabin na 'yun? Malayo po ba 'yun dito?", magkasunod na tanong niya kay Nana Ida habang tinutulungan siya nitong mag-ayos ng gamit.
     Wala namang gaanong aayusin. Maliban sa iilang damit na gagamitin niyang binigay ni Nana Ida noong first day niya sa pack house.
     "Kelangan, C. Para hindi ka mailang sa ibang tao dito habang nasa proseso kayo ng pagmi-mate.", tugon naman ni Nana Ida na inilalagay sa isang duffel bag ang mga damit niya.
     Napasimangot naman siya sa sinabi nito. Sabagay. Parang awkward isipin na alam ng ibang tao ang ginagawa nila ni Shade.
     At awkward ding isipin na baka marinig ng mga ito ang kung anumang tunog galing sa kanilang dalawa.
     "Bakit sabi ni Shade, mamamatay daw ako kapag 'di kami nag-mate bukas ng gabi, Nana? Totoo po ba 'yon o echus lang ng manyak na 'yun para pumayag akong makipag-mate sa kanya?" Naalala niyang itanong sa matanda iyon.
     Itinigil nito ang pag-aayos sa mga damit niya at malalim na napabuntong-hininga bago siya hinarap at pinakatitigang mabuti.
     "Wala ako sa posisyon para ipaliwanag 'yan sa 'yo, hija. Si Shade lang ang makakapagpaliwanag ng tungkol d'yan ng maayos sa 'yo. Sa kanya mo na lang itanong, maaari ba?", mahabang turan nito sa kanya.
     Muli siyang napasimangot dahil sa mga sinabi nito. Ayaw nga niyang kausapin ang lalaking iyon tungkol sa bagay na ito. Baka makapagsinungaling pa ito sa kanya e.
     But, judging on how serious he was when he said that she'll die if they won't mate, mukhang hindi naman ito nagsisinungaling.
     Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw naman niyang mamatay kung ganoon nga. Pero, ibibigay ba talaga niya ang virginity niya sa abnormal alpha na iyon? Alam kaya ng kapatid niya na may ganoong bagay na pwedeng mangyari sa kanya kapag nag-mate sila ni Shade?
     At bakit may ganoong ritwal ang pack na ito? Ipinapakilala lang naman ng pormal sa isang pack ang magiging luna nito kapag nagkakaroon ng luna ceremony, tapos may blood compact na nangyayari sa pagitan ng alpha at kanyang luna. That's the usual luna ceremony na alam niya.
     But this pack is different. Iba rin ang ritwal na ginagawa sa luna ceremony. At dapat mag-mate sila ng alphang abnormal na iyon habang kabilugan pa ng buwan.
     That's weird. She should be worry about that weirdness, pero, parang walang puwang sa loob niya ang pag-aalala.
     Wala rin siyang narinig na pagtutol galing sa inner wolf niya tungkol sa mga nangyari at mangyayari pa.
     Nang matapos na si Nana Ida sa pag-aayos ng mga damit niya ay nagpaalam na ito at titingnan pa raw nito ang mga pinahanda nitong pagkain nila ni Shade.
     She was left alone with her thoughts. And the thoughts of her inner wolf na himalang tahimik na naman. She's been quiet since the time na may ganap sa kanila ni Shade kaninang umaga.
     'Are you worried about the mating, C?', tanong ng inner wolf niya sa kanya ng mapag-isa na lang siya sa kwarto niya.
     Huminga siya ng malalim bago ito sagutin.
     'Honestly, I'm not. Excited pa nga ako e. At natatakot ako sa nararamdaman kong ito, Skiá.' Amin niya naman dito.
     Nakatingin siya sa labas ng bintana niya, kung saan kita niya ang berdeng tree-tops ng mga puno sa gubat.
     'We'll be okay with them, C. I promise we will.', pag-aasure naman nito sa kanya. 'Let's just go with the flow and enjoy being with him, for now. Naniniwala akong hindi niya tayo sasaktan, C.', dugtong pa nito.
     "Sana nga, Skiá. Sana nga.", usal niya sa sarili.
     Napabaling siya sa pinto ng marinig ang mahihinang katok doon na sinundan ng marahang boses ni Cordelia. Tinatawag na siya nito para sa tanghalian.
     Pagkatapos ng tanghalian nila ay aalis na sila papunta sa log cabin na sinasabi ni Shade. Where they will consummate their mate bonding and where he'll mark her as his, forever.

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon