Prologue

3.9K 140 22
                                    

     Alpha Shade Sage of the ShadowStone pack was driving his car like a mad man pauwi sa pack territory niya. Hindi niya alam kung bakit may nag-uudyok sa kanya na magmadali sa pag-uwi.
     His inner wolf, Erebus, was pacing at the back of his mind. He could hear him growling also, which irritates the hell out of him.
     Kanina pa ito hindi mapakali noong makatanggap siya ng tawag mula kay Tanathos Creed na nagsasabing naglayas daw ang kapatid nito. Pumunta naman siya para alamin ang nangyari kasi sabi na rin ng kaibigan na kailangan niyang tumulong sa paghahanap sa kanyang 'Luna' na naglayas.
     Napapailing na lang siya habang inaalala ang kalokohan ng kaibigan. Imagine!? Ipinalit nito ang bunso nitong kapatid para maging luna daw niya sa ilang hektaryang bahagi ng pack territory niya. And mind you, ang napili pa nitong parte ay doon sa sakop ang Red Moon Falls. Hindi niya alam ang dahilan nito. At mas lalong hindi niya alam kung bakit siya napapayag nito sa kalokohang iyon.
     Abala siya sa pag-iisip sa kasunduan nila ni Tan ng bigla siyang mapapreno ng may mabundol siyang kung ano. He just wish hindi napuruhan ang nabundol niya.
     Mabilis siyang bumaba para tingnan ang nabundol niya. And what he saw will haunt his waking moments for the rest of his life.
     For he saw a naked, red-haired beauty, laying a few meters from his car. Mukhang tumilapon ito sa lakas ng pagkakabundol niya.
     He heard her whimpered in pain when she tried moving. Nakaramdam siya ng matinding pag-aalala para dito.
     "H-hey Miss, are you okay?" he stupidly asked her. 'Of course, she's not, stupid!' kastigo naman ng inner wolf niya sa isipan niya.
     Napadilat ito at tumitig sa kanya ang berde nitong mga mata. May nakita siyang inis na dumaan sa mga mata nito, na agad ding napalitan ng pagkamangha.
     "Am I in heaven?" tila namamalik-mata nitong tanong sa kanya. Her voice was angelic, bagay sa mukha nitong parang anghel at sa katawang mala-diyosa.
     He chuckled at what she said. "Not yet, baby. You're in my pack," imporma niya rito pero bigla na itong nawalan ng malay. Mabilis niya itong nilapitan at binuhat para maisakay sa kotse niya. Kailangan niya itong madala sa pack doctor nila sa lalo't madaling panahon. . .

A/N
     And that's it for the prologue. Hope you'll be kind enough to read my first story here in Wattpad. I'll try my best to make my story worthy of your time and effort to read. Do check out the other stories of this series. Thank you and you're all welcome to read. Enjoy! 😘😘😘

12-22-17

Sold to SageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon