1

20.6K 226 17
                                    

RAMDAM na ramdam na sa kapaligiran ang paparating na araw ng kapaskuhan. Marami ng makukulay na ilaw ang nakapalamuti sa mga bahay-bahay. Ang mga Christmas song ay paborito nang patugutugin sa mga mall at maging sa radio stations. Kahit ang malamig na simoy ng hangin ay nagpapaalalang malapit na nga talaga ang pasko. At kung gaano ka-excited ang ibang tao na i-celebrate ang pasko, ganoon din ang nadarama ni Henry. Sa araw ng pasko kasi ay first anniversary din nila ni Aaron. Parang kailan lang noong nagkakilala sila. Wala sa hinagap niyang magiging boyfriend niya si Aaron. Paano mo ba naman iisipin na ang isang lalaking binayaran mo para sa isang gabing pagtatalik ay magkakaroon pala ng malaking bahagi sa iyong buhay? Natatandaan pa nga niya kung paano sila nagkakilala kahit mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Kalalabas lang niya nang hapong iyon sa opisina. Malakas ang ulan at siguradong mahihirapan siyang makasakay pauwi. Kung bakit ba naman kapag umuulan ay parang kabuteng naglilitawan sa kalsada ang mga pasahero samantalang kulang na kulang naman ang mga sasakyan. May mga driver kasi na umuuwi na lang at hindi na pumapasada kapag bumuhos ang malakas na ulan dahil ayaw nilang abutin lang sila ng masikip na daloy ng trapiko sa kalsada. Kaya ang mga estudyante, mga empleyado at iba pang naabutan ng ulan sa kalye ang tiyak na magdurusa. Kapag minalas, malamang na hatinggabi na sila makauuwi.

Naisipan ni Henry na pumunta na lang muna sa katabing mall ng kanilang opisina habang nagpapatila siya ng ulan. Titingin-tingin na lang muna siya ng kung anu-ano sa mall. Habang nag-iikot ay napagawi siya sa cinema at naengganyong manood. Eksakto, mag-uumpisa na ang palabas. Tingin naman niya ay mamaya pa hihinto ang ulan.

Maraming tao sa loob ng sinehan pero hindi naman ito puno. Ramdam niya ang lamig na nagmumula sa airconditioning unit ng sinehan. Umupo siya sa isang bakanteng silya kahit na hindi iyon ang nakasulat sa seat number sa tiket niya. Nagpapalabas na ng trailer sa screen. Hindi na mapupuno ang sinehan kaya wala naman sigurong dadating pa na may hawak ng tiket na may seat number ng inuupuan niya.

Nasa kalagitnaan na ang palabas nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Sobrang lamig kasi sa sinehan kaya naiihi na siya. Tumayo siya at nagtungo sa toilet ng sinehang iyon.

Pagpasok niya sa toilet ay naabutan niya ang tatlong lalaki sa loob. Ang dalawa ay umiihi rin sa urinal habang ang isa ay nakaharap sa malaking salamin doon at nag-aayos ng buhok. Guwapo ang lalaking nasa salamin na mala-boy next door ang tipo. Maputi ito at mukhang ang bango-bango. Bigla siyang nangarap na sana ay mayakap man lang niya ang lalaking ito. Sa katulad niyang bisexual, ganito ang tipo na parang ang sarap-sarap mahalin.

Pumuwesto siya sa isang bakanteng urinal at ibinaba ang zipper ng kanyang pantalon. Ang dalawang lalaking umiihi ay nakita niyang lumabas na ng toilet. Pero ang guwapong lalaking nananalamin ay naroon pa rin at tila ba hindi na natapos ayusin ang kanyang buhok.

Habang umiihi siya ay nakita niyang pumasok ang lalaki sa isang cubicle na nasa bandang likuran lang ng urinal kung saan siya umiihi. Hindi ito nagsara ng pinto. Patay-malisya nitong ibinaba ang suot na pantalon at tumambad ang matambok na puwetan nito na natatakpan lang ng suot nitong puting bikini briefs.

Pagkatapos umihi ni Henry ay inayos niya ang sarili at tumalikod para magtungo sa pintuan. Noon niya nakita ang guwapong lalaki sa cubicle na nakaharap na sa kanya at marahang hinihimas ang harapan nito. Hindi siya nakakilos. Kahit gusto niyang lumabas na ng toilet ay hindi na humakbang ang kanyang mga paa. Napako na siya sa kinatatayuan niya. Biglang nag-init ang kanina lang ay giniginaw niyang pakiramdam. Kitang-kita niya ang kakaibang libog sa mukha ng guwapong lalaki. Kasabay ng ginagawa nito ay malanding pinaiikot nito ang dila sa sariling mga labi. Pagkatapos ay kakagatin nito ang pang-ibabang labi at saka ngingiti sa kanya.

Marahan siyang sinenyasan ng lalaki para pumasok sa loob ng cubicle. Napalunok siya. Gusto niyang lumapit dito pero nagdadalawang-isip siya. Takot ba siya? Nahihiya?

Nagpasya siyang magtungo sa harap ng salamin. Naghugas siya ng kamay sa washbasin at saka sinipat ang sariling repleksyon sa salamin.

Lumabas sa cubicle ang guwapong lalaki at tumabi sa kanya sa harap ng salamin. Para silang mga modelo roon na nagpapagandahan ng tindig at itsura. Hindi naman siya magpapatalo sa guwapong lalaking ito kung porma at itsura lang ang labanan. Pareho lang silang guwapo at maganda ang katawan.

Bagay sila, naisip niya. Pero agad din niyang inalis iyon sa kanyang isipan.

"May kasama ka ba sa loob?" tanong ng lalaki habang diretso lang itong nakatingin sa salamin.

Nilingon niya ito bago siya sumagot, "Wala..."

"Gimik tayo?" Nakita niyang ngumiti ito at bahagyang inilabas ang dila.

"Anong trip mo?"

"Nagpapabayad ako... ngayon lang. Medyo gipit kasi ako. Next week pa ako magkakapera." Pinakiramdaman niya itong mabuti. Totoo ba ang sinasabi nito o nang-eechos lang?

"Estudyante ka? Ilang taon ka na ba?"

Tumango ito kasabay ang pagsagot, "Oo, estudyante. Twenty pa lang ako."

"Wala ka nang pera pero may pambayad ka sa sine," kaswal niyang sabi na hindi naman tonong mao-offend ang kausap.

"Mas safe kasi kung dito ako hahanap ng client kaysa sa kalye."

"Ang sosyal mo naman. Client talaga? Ayaw mo ng booking?" natatawang tanong niya rito.

"Professional kasi ako kapag ginagawa ko 'to. Kaya client ang tawag ko. Kapag booking kasi, parang libog lang ang usapan. After ng tikiman, wala na."

Napakunot ang noo niya. "Bakit, 'pag client ba anong meron?"

"Puwedeng ma-develop into partnership."

"Anong partnership? Bugaw-callboy partnership?" natatawa niyang tanong. "May client na involve, eh."

"So, ano? Gusto mo bang maging client ko?" Ang seryosong tono ng guwapong lalaki ay nag-reflect sa mukha nito.

"Magkano naman?" Para siyang mamimili na nagtatanong ng presyo ng isda sa palengke.

"2K."

"Ang mahal, ha! Wala bang discount? Baka naman anniversary sale mo na. Pahinging discount."

"Hindi ko naman ito madalas na ginagawa. Kapag gipit lang," sabi nito.

"Baka naman araw-araw gipit ka? Or once a month?"

Huminga nang malalim ang lalaki. "Hindi ko naman gagawin ito kung may iba lang akong mapagkukunan." Tumingin ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. "Pumayag ka na. Hindi ka naman lugi sa akin. Mura na ang dalawang libo, overnight naman."

"Overnight? Sigurado ka?" Hindi siya makapaniwala. Ang alam niya, short time lang ang mga ganito. Tatlong oras. 'Pag lumagpas, parang metro ng taksi na aandar din ang oras ng callboy at siguradong tataas ang presyo. Mas mataas sa pinag-usapang presyo.

"Para lang hindi ka na tumawad. Kailangan ko lang kasi talaga 'yung pera."

"Booking"Where stories live. Discover now