#20 Not just a simple Crush

8 2 0
                                    

Maica's POV

Naglalakad lakad ako dito sa may hallway ng hotel. Nakaearphones lang ako with matching taylor swift's songs. Para naman music video kunwari!!! haha! [A/N: Kung si Ivory may pagkaLate Receiver, si Maica naman, may pagkafeeler! hahaha! Anyway, She'a listening to Taylor Swift's Superman!]

'Tall, dark and superman

He puts papers in his briefcase and drives away

To save the world or go to work

It's the same thing to me

He's got his mother's eyes, his father's ambition

I wonder if he knows how much that I miss him

I hang on every word you say, yay

And you smile and say, "How are you? "

I say, "Just fine"

I always forget to tell you, I love you, I love you... forever'

Naglalakad lang ako, siomai naman oh! ang ganda talaga dito sa hotel na to, mala Garden ang theme!!! ang ganda ng mga flowers dito! may red,yellow,violet at blue!!! Waaaaaaaaaaaah! ang cute!!!

Habang patingin tingin ako sa paligid,nakarating ako sa may lobby at may naabutan akong scene,

BOOOOOOGSH!*

"HEY!!! BACK OFF DUDE! THAT'S MY GIRL!!!"

Napatakip ako ng bibig, nagulat kasi ako sa nangyari, Teka!!! Eto yung laging kasama ni Feiyer ah??? Si Peter Olivarez at Ivory Jimenez??? anong ginagawa nila dito??? Teka!!!!!!

OMGEEEE! yung nasuntok, s-si Si! waaaaaah! Si Crush yun!!!

"A-ah, eh-e, A-are yo-uu a-a-alright?" Sabay lapit nung Ivory kay Crush at hinawakan yung braso niya, nakatayo lang ako,nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa magsalita yung Peter,

"Hey,Ivory, What do you think you're doing??" Cold as Ice na sabi ni Peter na nakuha naman ang atensyon ni Ivory.

"U-umm ano, kasi, ano, Sinuntok mo kasi si-si-siya eh?"

"Its okay, Im alright,Miss Angel." sabay ngiti niya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan sa isang babae at tinawag niya pang Miss Angel si Ivory.

'Ouch'

Nagulat naman si Ivory nung biglang hatakin ni Peter ang kamay niya "Let's Go."

"A-ah-ah, Wait, Umm Bye,Sorry." Sabay bow niya kay Crush.

Tumango naman siya.

Actually, magdadalawang taon ko na siyang crush simula nung makita ko siya nung first day namin sa College. Nakita kong nakaheadphones siya. Lagi niyang kasama ang mga kaibigan niya.

Nalaman kong Kaklase at Kaibigan niya si Brent, ang famous na babaero sa Phoenix University. Other than that Detail, wala na kong alam tungkol sa kanya.

Nakaupo pa rin siya sa pwesto niya kung san siya nasuntok ni Peter. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin at nagkalakas ako ng loob na lapitan siya.

Nang makalapit ako sa kanya, tumingala siya sakin. Ang ganda ng mata niya. Ngayon ko lang nakita to ng malapitan kasi naman, lagi ko lang siyang pinapanood sa malayuan. Nakatingin lang din siya sakin. Naaninag kong 8pm something na,kaya pala wala na masyadong tao dito sa lobby dahil nasa kanya kanyang room na nila.

Umupo ako para magkapantay kami. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko, at dahan dahan kong pinahid sa labi niyang may dugo. Hindi siya nagsalita, nanlaki lang ang kanyang mata at napatingin na lang ako sa kanyang labi na may dugo. Kinuha ko ang kanyang kamay at nilagay dun ang panyo ko.

Nginitian ko siya at tumayo. Tumaikod na ko para di niya makitang tumutulo ang luha ko.'Ano ba tong mga luha na to??? Tears of joy ba to dahil sa wakas nakalapit ako sa kanya after all this 2 years na pagtanaw ko lang sa kanya sa malayo???'

Lalo akong bumilis ang aking mga luha nang makita ko muli sa king isipan ang pagngiti niya kay Ivory. 'Aaaargh! Tokwa naman oh! Hindi to Tears of Joy!'

Kukunin ko sana ang panyo ko sa bulsa ko nang maalala kong nabigay ko pala sa kanya yun. I guess, Kahit papano nakatulong ako sa kanya. I should be contented and be happy about it.

~

My Guardian Angel [ONHOLD! Revise Mode :From The Start]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon