Napapikit ako at agad na tumikhim.

"What are you doing here?" tanong ko at agad na kinuha ang last glass ng bourbon na binili ko.

Nakita kong sinundan niya ako ng tingin habang dahan dahan ko itong iniinom.

"Don't worry I'll tell Dad to tell your Dad na huwag na natin ituloy ang pagde-date natin" I said as I looked at him. Tinukod ko ang dalawang siko sa counter top at nilagay sa kamay ko ang aking mukha. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

"Your Dad will have a difficult time trying to convince my Dad that we shouldn't date. Mahirap baguhin ang isip ni Dad" seryso niyang pahayag at naupo na rin sa isang high chair. Binaba ko ang kamay ko at agad na umayos sa pagkakaupo.

"I'll convince your Dad instead," sabi ko habang pinagmamasdan siya na nag-oorder ng kanyang inumin.

What the hell is he doing?

Sumulyap siya sa akin saglit at ininom ang liquid na nasa shot glass.

"Ganoon mo ba ako kaayaw?" he asked and then smirked.

Wow? Hindi ba siya naman ang nagpakita kanina na wala siyang inetres  na makilala ako? He should've moved kanina kung gusto niya talaga akong makilala and if he is that ineterested. Hindi niya nga ako kinakausap eh? Ano 'yun? Hinihintay niya na ako ang gagawa ng first move? To hell with him.

"I haven't seen you? Nakita ko na ang mga kapatid mo sa maraming events na dinadaluhan namin. Ikaw, ngayon lang kita nakita" he said at humarap na sa akin. My breathing hitched at his stares. Ano bang meron sa mga mata niya at nangyayanig iyon ng utak?

"I grew up in California with my Mom. Ngayon lang ako pinauwi sa Pilipinas" I said as I try to look away. Tumango tango siya.

"The fashion designer?" he asked kaya napatingin ako sa kanya. He knows my mom?

"Yes. Paano mo alam?" kunot noo kong tanong. He took another shot before answering.

"My ex girlfriend is a fan of your mom's work. I used to buy her clothes from your mom's clothing line" he said directly kaya napatulala ako. Ex girlfriend huh?

"Are you adopted? Wala akong makita na Chinese features sa mukha mo" diretsa ko ring tanong sa kanya. He chuckled softly at that question.

"You are damn straight forward"

Napataas ako ng kilay. Is it my fault na ganoon lang talaga ako magtanong?

"I am not adopted. Malakas lang talaga siguro ang genes ng mom ko kaya sa kanya ako nagmana"

"You're into basketball?" I suddenly switch the topic. Baka sabihin pa niya na masyado ko siyang tinitingnan kaya pati features sa mukha niya ay napapansin ko pa.

Gosh Heanndra. Sarap mo talagang suntukin.

His eyebrows shot up sa tanong ko. Now, I fucking look like a stalker. Damn it! Sarah told me that. He smiled at my question at tumango.

"Hmmm. Are you stalking me?" natatawa niyang tanong. It's odd na tumatawa siya ngayon. He looks damn serious kanina sa loob ng ballroom.

"Hindi ah! Excuse me? I have a friend na fan mo, she told me you're from La Salle and that you're a famous player" tanggi ko at halos magtago ako dahil sa pinakita kong reaksiyon. Totoo naman kasi iyon!

Suminghap siya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Hindi man lang nagulo iyong buhok niya.

"Why don't we take a picture? Send it to your friend na fan ko? I'm sure she'll be happy" he suggested na para bang narinig niya ang pag-uusap namin ni Sarah kanina. Sarah told me that kanina! To take pictures of him!

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now