Tumawa siya nang nanlaki ang mga mata ko. Talaga? Wow!

"What?! Really?" I asked at mas lalo pa tuloy siyang natawa. He nodded at napapangiti sa mga bumabati na staff sa kanya.

"Sir Cirrus.." bati noong isa. Tumango si Kuya Cirrus sa kanya.

"Quinn, wala dito si Juvy. Pinalipat ng kapatid mo sa convince store.." napalingon ako sa counter nang may marinig na pamilyar na boses.

Clicko was standing at the counter wearing the diner's uniform. Bumaba ang tingin ko sa name pin na nakasabit sa left side ng dibdib niya. His name was written on it. And damn it, kahit ano talagang suotin niya ay gwapo pa rin siya. Kahit yata magdamit siya ng butas butas ay bagay pa rin sa kanya.

Shut up, Heanndra.

Anong ginagawa niya dito? Nagtatrabaho din siya dito? He's working for my Dad and for Quinn's? Saan pa ba siya nagtatrabaho?

"Nandito ang kapatid ko? Anong ginagawa noon dito?" kunot noong tanong ni Quinn kay Clicko.

"You know her. Dito iyon tumatakbo pag alam mo na.." Clicko said pero hindi tinapos dahil napasulyap na siya sa akin. Nagtama ang paningin namin at naalala ko tuloy iyong sagutan namin sa harap ng council office.

Uminit ang pisngi ko sa naisip at napahawak sa batok ko. Nagtatayuan doon ang mga balahibo ko.

"May pupuntahan kayo?" he asked na nakatingin na ngayon kay Quinn. Tumigil si Quinn sa pagsusulat sa papel at tumango.

"To the next city. We have to attend a dinner party.." sagot ni Quinn kaya napatingin ulit sa akin si Clicko at napakagat pa sa labi habang tumatango at sa akin nakatingin.

Fucking shit.

"Okay! This is it!" malakas na sabi ni Quinn habang binibigay kay Clicko ang papel na sinulatan niya. Binasa ito ni Clicko at tumango.

"Is this all?" he asked kaya tumango rin si Quinn at nakipag-high five kay Clicko.

"Una na kami Clicks. Pag dumating ulit dito si Quest, sabihin mo tawagan ako" bilin ni Quinn at nagpaalam na sa mga staff niya. Naiwan ang tingin ko kay Clicko at ganoon din ang tingin niya sa akin.

"Heann.." tawag ni Kuya Cirrus na nasa pintuan na pala. Nagulat ako at napapikit sa tawag niya. Nilingon ko ulit si Clicko at nakita ko ang ngiti na sumilay sa labi niya bago tumalikod at pumasok sa isang pintuan.

"Ingat!" he shouted.

Napakagat ako sa labi ko at hindi napigilan ang pagngisi. What the hell?
Kinurot ko ang sarili para matigil sa mga iniisip. No Heanndra. Know your stand.

Naabutan namin na nasa sasakyan na pala sila Kuya Commulus at tapos na sila mamili ng mga pagkain kaya sumakay na kami.

"Clark texted me, nakita daw niya last time si Ivorene sa school. Did you know about that?" tanong ni Seaver kay Kuya Cirrus nang nasa byahe na kami.

Napaisip ako. Ivorene? Hindi ba iyon ang pangalan ng babae na kasama ni Kuya Cirrus sa school clinic noong nakaraan? Dahil sa naisip ay napatingin ako sa kanya. Nasa front seat siya kaya hindi ko nakikita ang kanyang reaksiyon.

"Hindi ko alam iyon. Baka naman na malikmata lang si Clark?" Kuya Cirrus lied kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

He's lying! Nakita at nakausap nga niya ang babae na si Ivorene last time! Okay. What's happening?

"I thought so too. Nagtatago nga iyon bakit naman siya magpapakita? At sa school pa talaga?" sarcastic na sabi ni Seaver kaya napalingon ako sa kanya sa likod.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now