Naalala ko noong isang araw na excited silang nagplano kung saang beach sila pupunta para mag outing. Si Kaz, iyong president namin sa loob ng classroom ang nagplano ng lahat. Gusto ko sanang sumama dahil first time kong makasama sila sa mga ganoon kaya lang, natapat naman na bukas din ang alis namin papunta ng Bacolod para sa dinner party ng mga kasamahan nila Dad sa kompanya.

Nauna na doon sina Daddy, Tito Jericho, Tito Quing at Tito Niño dahil may aasikasuhin pa daw sila. So, bukas kami kami na lang ang babyahe papunta ng Bacolod. Seaver said, it's a two hours travel pero kaya daw iyon ng isang oras lang so mabilis lang naman daw iyon.

"It's okay Sarah. May susunod pa naman eh. Sasama na ako sa susunod" ngiti ko sa kanya pero hindi pa rin siya ngumingiti sa akin.

Natigil kami ni Sarah sa pag-uusap nang may dumating na iilang mga lalaki na nakauniporme papalapit sa table namin.

Freshmen siguro ang mga ito dahil mukhang mga bata pa ang mga pagmumukha nila. Hindi ito taga department namin, hindi ko sila masyadong nakikilala.

Lima sila. Nagtutulakan sila na para bang may sasabihin sila pero nahihiya silang lumapit. Tinagilid ko ang ulo ko at tinagilid ulit sa kabilang sides. Ano naman kaya ang kailangan ng mga ito?

Tinutulak nilang apat ang isang kasamahan nila na medyo chubby. Mukhang may panlaban naman sa pagmumukha. He's cute though kahit medyo hindi kataasan ang kanyang ilong.

"Sige na. Ikaw na! Bilisan mo baka pagalitan tayo pag hindi natin nakuha.." bulong bulong noong isa pero dinig na dinig naming dalawa ni Sarah. Kaya napatingin kami sa isa't-isa.

Tumayo ng maayos iyong chubby na lalaki at naglakas loob na lumapit sa table namin. Napatigil sa pagbabasa si Noel at sinundan ng tingin iyong lalaki na papalapit sa table namin.

"Ate. Pup--pwedi po bang makahingi ng num--nu--number niyo p--po?" nauutal na tanong niya at agad na namula na parang kamatis. Yumuko siya na parang ayaw akong titigan sa mata.

Tumaas ang isang kilay ko. Is he talking to me or Sarah?

Tinapik ako ni Sarah sa hita kaya napatikhim ako. Bago pa ako makabuka ng bibig ay agad ng sumingit si Noel.

"Hiro, sino nanaman ang nag-utos sa inyo ha?" tanong ni Noel na agad sinara ang binabasang libro. Tumayo siya sa pagkakaupo at siya ang humarap sa lalaking tinawag niyang Hiro.

Nanlaki ang mata ni Hiro at agad na umiling ng ilang beses.

"Wa--wal--wala po Kuya Noel. Wala po talaga.." tanggi niya at yumuko ulit. Sumulyap sa amin si Noel sa likod ngunit ibinalik rin ang tingin kay Hiro. Tumayo na rin kami si Sarah at tumabi kay Noel.

"Sino nag-utos?" tanong niya ulit pero nakatingin na sa ibang kasama ni Hiro. Sabay sabay na yumuko iyong mga lalaki na para bang takot na sabihin kung sino ang nag utos sa kanila na hingin ang number ko.

Kahit na sinabi ni Hiro na walang nag utos sa kanila ay obvious naman na meron dahil doon sa bulong bulong nila kanina na papagalitan daw sila pag hindi nila nakuha ang number ko.

Nang hindi pa rin nagsalita si Hiro o kahit sino sa kanila ay hinawakan ko na ang braso ni Noel. Baka magkagulo pa dito kaya pinigilan ko na siya.

"Ako na kakausap. Total number ko naman ang hinihingi nila..." ngumiti ako kay Hiro at nanlaki iyong mga mata niya ng ilang saglit.

Who the fuck told you to get my number?
Bulong ng isipan ko. Pero I uttered the opposite.

"Do you want my number? Hindi ko ibibigay unless sasabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sa inyo.." hamon ko at agad na humalukipkip sa harap nilang lima.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now