11

6.2K 88 2
                                    

MAG-IISANG buwan nang hindi nakikita ni Mariel si Andrei. Hindi na siya pinupuntahan nito sa bahay niya. Ni anino nito ay hindi na niya nakikita. Hindi na rin siya tinatawagan o tini-text nito. Nanibago siya dahil hindi siya sanay na hindi ito nakikita araw-araw.

Hindi ba iyon naman ang gusto niya—ang lumayo sa kanya ito? Mabuti nga at wala nang mangungulit sa kanya. Pero ngayon ay nami-miss niya ang pangungulit nito. Gusto niyang puntahan ito pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Because of that damn pride.

Siguro ay nagsawa na nga ito sa kanya. Siguro ay marami na naman itong girlfriend. Kung ganoon nga ay wala siyang pakialam. Bahala na ito sa buhay nito.

Ilang araw nang nanliligaw sa kanya si Gab. Halos gabi-gabi ay dinadalaw siya nito sa bahay niya. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balak na sagutin ito. Sa pagiging sweet, gentle, at thoughtful ay katulad din ito ni Andrei. Mas lamang pa nga ito dahil hindi ito playboy. Hindi ba iyon naman ang gusto niya, ang siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ng lalaking mamahalin niya? Pero bakit hindi niya magawang mahalin si Gab? Naaawa na siya rito.

Kung bakit ba kasi hanggang ngayon ay ayaw burahin ng puso niya si Andrei sa buo niyang sistema?


NAPAHAWAK si Andrei sa sentido niya nang bumangon siya nang umagang iyon. Kumikirot iyon. Sumasakit ang ulo niya.

May hangover na naman siguro siya dahil nagpakalasing na naman siya kagabi.

Halos gabi-gabi ay nagba-barhopping siya kasama ng ilang kaibigan. Wala ni isang gabi na walang lumalapit na babae sa kanya. Pero umiiwas siya.

Natanggal na siguro sa dugo niya ang pagiging playboy. Dahil si Mariel na talaga ang laman ng isip niya lalo na ng puso niya.

Pero mukhang masaya na talaga ito sa piling ni Gab. Gabi-gabi na itong hinahatid ng lalaki sa bahay nito.

Mabuti pa siguro ay kalimutan na lang niya si Mariel. Kalimutan na rin niyang mahal niya ito.

Tumayo siya at naligo.

Sa araw na iyon ay sisimulan na niyang tanggalin si Mariel sa buong sistema niya.


BUMILI si Andrei ng condominium unit sa Ayala nang mga sumunod na araw. Nang araw na iyon ay lumipat na siya roon.

Mas mabuti na iyong hindi na siya nakatira sa subdivision na iyon kung saan magkalapit lang sila ni Mariel.

Inabala na rin niya ang sarili sa pag-asikaso ng Music Prince. Sinimulan nang itayo ang isa pang branch sa Quezon Avenue. Kahit papaano ay nawiwili siya sa ibang bagay at nakakalimutan niya si Mariel.

Pero tuwing gabi kapag nag-iisa na lang siya ay walang nagiging laman ang isip at puso niya kundi ito lang.

Ano ba ang dapat niyang gawin para makalimutan na niya ito para matahimik na ang mundo niya?


NIYAYA ni Gab si Mariel na kumain sa labas nang gabing iyon. That was the third time he invited her for a dinner in a restaurant.

"Baka hindi ka na nakakapadala sa Nanay mo niyan, ha?" tanong niya habang nag-uumpisa na silang kumain.

Ngumiti ito. "Okay lang naman sa kanya 'yon."

"Very understanding pala ang Nanay mo," komento niya.

"Alam naman niyang may nililigawan ako. Palagi kitang kinukuwento sa kanya. Excited na siyang makita ka."

My Heart Is Filled With You [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now